CHAPTER FOUR

110 4 0
                                    

Heaven's Point of View

MAKALIPAS ANG ilang minuto natapos na 'rin akong magligpit ng mga gamit ko at tumingin naman ako sa may pintuan kung saan nakasabit ang orasan 5:02 pm na pala. Nakaramdam naman ako ng pagod dahil na 'rin siguro sa haba ng biyahe.

Napatingin naman ako sa may pinto kung saan ay may kumakatok. Dali dali naman akong pumunta upang buksan at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Esmeralda. " Pinapatawag po kayo ni Sir Liam sa Kwarto niya," nagtaka naman ako bakit kaya ako pinapatawag. Nagsisimula na akong kabahan ewan ko kung bakit ganito nalang ako kabahan.

“U-uhmm sinabi ba niya kung bakit?” tanong ko dito pero yumuko lang siya.

“ Pasensiya na pero wala siyang sinabi kung bakit, kumaliwa ka lang at may makikita kang tatlong kwarto at sakanya ang unang pinto doon hindi na kita masasamahan dahil may gagawin pa ako, mauna na po ako,” aniya at umalis na.

Tumango naman ako at pumasok muli sa kwarto naligo muna ako at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Nagsisimula na akong kabahan hinakbang ko na ang mga paa ko papalapit sa kaniyang kwarto naaaninag ko na ito myghodd kinakabahan talaga ako.

Nang makalapit ang bumuntong hininga muna ako ng tatlong beses bago kumatok.

“A-Ahh Sir Liam pinapatawag mo 'raw po ako,” kinakabahang sabi ko, ng wala nagsalita ay kakatok na sana ulit ako ng biglang bumukas ito.

Napaatras naman ako sa gulat, tumingin ako sa kanya at napasinghap ako ng nakatitig 'din siya sa akin ramdam ko ang lamig nitong awra.

“ Come here,” aniya at pumasok sa loob sumunod naman ako sa kanya at sinarado ang pinto. Humarap ako sa kanya at nakita kong nakaupo siya sa may dulo ng kama niya.
Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo naiilang naman akong yumuko.

“ You are now my slave. You will obey everything I command. Never do anything that will make me angry if you don't want to be hurt. Do you understand ?” mabilis naman akong tumango. Gumuhit naman ang ngiti sa labi niya.

“I will introduce myself to you I am Liam Peterson and you are?”aniya.
Lumunok muna ako ng dalawang beses bago magsalita. “Heaven Mckenzie p-po,” nahihiyang sabi ko.

“Very nice name. Mckenzie hmm ... I think I've heard this before,” aniya habang hinihimas ang kaniyang baba.

Naguguluhan naman ako kanina sinabi 'rin ni Sir Owen iyon.

“ You can leave now,” aniya. Tumalikod na ako at lumakad papuntang pinto ng makalabas ay nakahinga ako ng maluwag.

Nagtungo na ako sa kwarto tumingin naman ako sa orasan 7:56 pm na.

Nakaramdam naman ako ng gutom balak ko sanang bumaba kaso nahihiya pa ako mamaya na lang siguro.

Humiga muna ako at ipinikit ang mata naalala ko naman ang mukha ni Sir Liam nakakatakot ang awra niya pero pag tinitigan mo ang maamong mukha niya mawawala ang takot mo.

' Naku! Wag kang magsalita ng patapos Heaven tignan mo lang. Tawagan mo na lang ako bukas pag nakarating na kayo sa maynila byee na ingat ka '

Napamulat ako ng Mata ng maalalang tatawagan ko pala si Skyler, dali dali kong kinuha ang cellphone 'ko at agad na tinawagan number ni Skyler.

“ Buti naman naalala mo pa ko ha! Kanina pa sakin tumawag si Auntie na nakarating na kayo diyan at ikaw 'bat ngayon ka lang tumawag?” napabuntong hininga naman ako at sinabing.

“ Pasensiya na nakalimutan ko eh,” Sabi ko.

“ Ano balita diyan, gwapo ba? ” napairap naman ako sa kawalan Sabi na e. Napangisi naman ako ng makaisip ng kalokohan.

“ Alam mo ba sobrang gwapo niya tapos yung ano ang laki ng mga muscle niya,” Sabi ko, tiyak na napapaisip na siya.

“Who are you talking to? And I am the one you are referring to....Huh? ” Gulat naman akong napalingon sa may gawing pinto at nakitang nakatayo si Sir Liam.

“ A-ah, No Sir, Hindi po kayo ang tinutukoy ko,” napayuko naman ako sa hiya.

“Hoyy! Sino 'yon ha! 'yun ba-” agad ko ng pinatay ang linya.

Tumingin naman ako sa may pinto kung saan nakatayo si Sir Liam napalunok naman ako ng hindi pa 'rin niya inaalis ang tingin sa akin. Tumaas naman isang kilay niya. Ng matanto ko ang ibig niyang sabihin ay agad na akong kumilos.

Nauna na siyang bumaba at sumunod na ako. Nakita ko namang dumiretso siya sa may hapag kainan at naupo doon.

Lumapit ako sa isang katulong at nakita kong nag hahanda siya ng pagkain sa palagay ko ay kay Sir Liam iyon. Kaya nag presinta na ako na ang magdadala nito sa kanya.

Hindi naman na siya umangal at binigay na sa akin ang tray na may lamang kanin at ulam. Nang makalapit ay inilapag ko na Ito sa harapan niya pagkatapos ay kumuha ako ng malamig na tubig at inilagay Ito sa tabi niya.

Nag simula ng siyang kumain pinagmamasdan ko naman ang bawat subo niya, nakaramdam naman ako ng gutom.

MAKALIPAS ang ilang minuto habang pinagmamasdan siya ay napansin kong nakatingin siya sa akin. “I'm done,” aniya.

Agad ko namang kinuha lahat ng pinagkainan niya. Ng matapos ay lalakad na sana ako ng magsalita siya. “Mamaya pumunta ka sa kwarto ko,” dagdag pa niya magsasalita na sana ako ng tuluyan na siyang umalis.

“ Heaven!” Napalingon naman ako at nakita ko si tita.

“ Kumain 'ka na ba?” umiling naman ako. “Ano ka ba, wag kang mag papalipas ng gutom ha! Pag nagugutom ka kumain ka . Siya nga pala aalis na ko bukas at pinatatawag ako ng mommy ni Liam, dadalaw dalaw nalang ako dito para makita kita ha!” tumango naman ako sa kanya.

“ Opo tita mag ingat ka po,” iyon na lamang Ang nasabi ko at tuluyan na siyang umalis.

To be continued....

Poor Slave Girl : Peterson Series #1Where stories live. Discover now