Sinundan ko naman ito, pumasok kami sa bilihan ng mga relo tinignan ko naman ito isa-isa, nanlaki naman ang mata ko ng makitang ang mamahal. Taka naman akong tumingin sa kaniya meron naman siyang relo 'bat kailangan pa niyang bumili? Oo nga pala marami naman siyang pera kaya lahat ng gusto niya nabibili niya.
Naupo muna ako sa isang gilid habang hinihintay siyang makabili. Napansin ko namang pumunta siya sa tinitignan ko kanina. Tumayo ako at nilapitan siya binalingan ko naman ng tingin ang hawak niya na OULM LUXURY MEN′S WATCH.
Tumingin naman siya sa akin “ What do you think?” ani nito. Sinabi ko namang okay na ‘yon.
“ Okey Miss, I'll take this,” aniya sa saleslady.
“This way Sir,” ani nito at iginiya niya si Sir. Liam papuntang counter para bayaran ito. Pagkatapos non ay lumabas na kami sa loob ng Mall, naalala ko nga pala kailangan ko palang mamalengke hindi naman kalayuan ang palengke dito, mamaya ko nalang sasabihin 'kay Sir. Liam pag nasa tapat na kami ng palengke.
Sumakay na ako sa kotse niya at pinaandar na niya ito, tinignan ko naman ang listahan ng mga bibilhin ko, madami-dami 'rin pala nakakahiya naman kung pag bubuhatin ko si Sir. Liam, bahala na.
Natatanaw ko na ang palengke kaya binalingan ko si Sir. Liam at sinabing “ Sir, Wait lang po, may bibilin lang po ako saglit na saglit lang po talaga,” ani ko nakita ko namang nagbuntong hininga ito at ipinarada sa tabi ang kotse niya.
Mabilis naman ako bumaba lalakad na sana ako ng mag-salita ito “ Wait, I'll come with you.” nagulat naman ako sa sinabi nito, sasama siya? Baka matalsikan lang siya, at baka mamura niya pa ang mga nagtitinda doon.
“What are you waiting for?” aniya. Gulat naman akong tumingin sa kaniya at lumakad na, nararamdaman ko namang nakasunod ito sa akin.
Wala pa kaming isang minutong pag-lalakad ay puno reklamo na ang naririnig ko sa kasama ko, tss. Bakit kasi sumama ka pa.
Tinignan ko naman ito, nagulat naman ako sa reaksyon nitong 'di mawari, natatawa naman akong tumingin ulit sa kaniya.
Napansin naman nito'ng nakatingin ako sa kaniya“ What's funny?” sabi nito habang nakakunot ang noo. Umiling naman ako at nginitian siya ng matamis.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad, huminto kame sa bilihan ng manok. Nakita ko naman si ateng tindera na nakatitig ng nakatitig sa kasama ko kaya bago pa malusaw si Sir. Liam ay binigay ko na sa kaniya ang napili kong manok. “ Ate magkano po?” tanong ko dito na ngayon ay hindi na maipintas ang mukha.
Anyare 'kay Ate, naiihi ba siya?
Tinanong ko pa siya ng isang beses at sa wakas tumingin 'rin sa akin. “ Magkano po?” tanong ko ulit.“ 280 lahat, kaano-ano mo ba itong kasama mong pogi.” Malanding ani niya, kinuha ko na ang binili kong dalawang kilong manok at sinabing. “ Amo ko po siya.” sabi ko dito.
Wala na akong balak patagalin pa ito kaya hinila ko na si Sir. Liam, lalakad na sana kami ng magsalita ulit si Ateng tindera, “ Sandali lang! Baka kailangan niyo pa ng katulong,” aniya, talagang na love at first sight si Ateng sa kasama ko ah.
“ Pasensiya na kailangan kasi naming umalis na e, marami rami pa kasi 'yung bibilhin namin. Bye!” nagmamadali kong sabi at hinila ko ulit 'yung laylayan ng damit niya.
Huminto naman kami sa Bilihan ng gulay, hinihingal ko naman binitawan ang laylayan ng damit ni Sir. Liam, tumingin naman ako dito nakakunot naman itong nakatingin sa akin. Anyare dito?
“Who told you that you can touch my Shirt! Look how dirty it is. Wash it later, make sure I don't have to see dirt. If you don't want to punish you.” galit na galit na saad nito.
Sa isip-isip ko naman ay ganon lang nagalit na s'ya napakaliit na dumi lang ang nadikit sa damit niya ganon na s'ya umasta.
Sinalubong ko naman ang mga tingin niya at sinabi ko na lang na ako na bahalang maglaba at ni isang dumi wala s'yang makikita.
Bumaling naman ang tingin ko sa mga tindang gulay at pinili ko na lahat ng nakalagay sa listahan hindi 'rin nagtagal ay natapos na ako at binayaran ko na ito sa tindero.
Bumaling naman ako sa katabi ko, taka naman ako ng wala na ito, namataan ko naman s'yang naglalakad na palayo. Napanguso naman ako dahil magpapatulong sana ako dahil ang dami nito hindi ko madadala.
Binuhat ko na lahat ng pinamili ko at huminga ng malalim saka nagsimulang mag-lakad, ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng biglang mahulog isa-isa ang pinamili kong calamansi. Nakita ko namang butas ang supot. Hindi pala dinoble nung tindero 'yung supot, hayss.
Pinulot ko naman isa-isa 'yung mga nagsihulugang calamansi. Taka naman akong tumingin sa lalaking nakatalikod habang pinupulot ang mga ilang pirasong calamansi sa tabi ko.
Sino 'to?
Humarap ito sa akin at tulala naman akong tumingin sa kaniya, ngumiti s'ya ng labas ngipin at kumurba naman sa magkabilang pisngi n'ya ang dimples n'ya.
Shit! Ampogi.
Hindi ko naman maipinta ang mukha ko tila nangamatis na sa pula, nakakahiya. Halatang kinikilig ako, natawa naman s'ya ng lalo akong mamula, please wag ka ng ngumiti baka maihi na 'rin ako sa hiya.
Inabot naman nito ang mga calamansi sa akin at sinabing, “Tulungan na kita.”
“ H-Huh.” tumawa ulit s'ya, ano ba nakakatawa sa mukha ko?
Walang sabi-sabi ay kinuha niya sa kamay ko ang mga pinamili kong gulay, gulat naman akong bumaling sa kaniya. Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.“ Ako na, may kasama ka ba?” tanong nito.
“A-ah, Oo doon nakaparada 'yung kotse ng amo 'ko,” sabi ko rito.
Sinabi naman n'ya sakin na ihahatid n'ya ako kung saan nakaparada ang kotse ni Sir. Liam, hanggang ngayon ay hindi parin ako makatingin sa kan'ya sa tuwing tatanungin n'ya ako at kailangan pa n'yang ilapit ang muka n'ya sa akin.
To be continued...
YOU ARE READING
Poor Slave Girl : Peterson Series #1
RomanceAbout the woman who entered the Peterson Family as a slave recommended by her friend. Wanting to improve their lives, he agreed to the offer. But how long will he last in the Peterson family as a slave. Disclaimer : This is a work of fiction, Names...