CHAPTER SEVEN

159 4 0
                                    

Hindi ‘rin nagtagal ay andito na kami at pinasok ko na lahat ng pinamili ko sa loob ng kotse, humarap ako sa kaniya.

“Salamat.” iyon lang ang nasabi ko at tila nakulangan pa siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga naman s'ya.

Bakit? May kailangan pa ba akong sabihin? Nalilito naman ulit akong bumaling sa kaniya. Ngumiti naman ito at lumabas na naman ang dalawa n'yang dimple na s'yang nakapag-papula ng mukha ko.

Tila nagustuhan naman niya ang ikinapula ng muka ko dahil lalo pa s'yang ngumiti.

Nagulantang naman ako ng malakas na bumusina si Sir. Liam, ayy oo nga pala. Ayaw niya ng pinag-hihintay siya kaya bago pa siya magalit ay binalingan ko ulit ng tingin itong lalakeng nasa harap ko.

Nahiwagaan naman n'ya ang ibig kong sabihin. “ Wait, pwede ba malaman ang pangalan mo?” aniya. “ I'm Luke De Guzman.” dagdag nito at iginawad nito ang kamay niya.

“ Heaven Mckenzie.” ani ko at nakipag-kamay sa kaniya.

“ Masaya akong nakilala kita Heaven, Sana magkita pa tayo.” sabi nito sabay kindat.

Ayoko nang patagalin pa ito at nag paalam na ako sa kaniya, sumakay na ako sa kotse at halos masuka naman ako dahil sa bilis mag-maneho ni Sir. Liam, tila bang nakikipag karerahan itong kasama ko. Nang makita ko yung mga pinamili ko ay nag si hulugan na.

Hindi ko naman magawang pulutin isa-isa dahil nakakapit ako ng mahigpit sa inuupan ko, malapit na 'rin akong masuka. Kung 'di lang kita amo kanina pa kita hinampas ng mga pinamili ko.

Tsk,Lamog na lahat ng pinamili ko.

Pagewang-gewang naman akong bumaba sa kotse ni Sir. Liam, tumingin naman ako sa kaniya ng masama.

Sinabayan naman n'ya ang masamang tingin ko.

“Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pinag-hihintay ako.” aniya at lumakad papunta sa kinaroroonan ko, umatras naman ako at naramdaman ko namang wala na akong aatrasan ng mapasandal ako sa Kotse n'ya.

“ At sa susunod na makipag-landian ka, wag sa nakikita ko. At sa oras pa talaga ng trabaho mo? Pwede ka namang makipag-landian pag wala kang trabaho.” literal namang na laglag ang panga ko dahil sa sinabi n'ya, ano akala n'ya sa akin malandi.

Tsk.

Imbis na sumagot ay inirapan ko na lang ito na s'yang ikinakunot ng noo n'ya.

Kinuha ko na ang pinamili ko sa loob ng kotse n'ya at walang sabi-sabing nilagpasan s'ya, tinawag ako nito pero hindi ko na s'ya sinagot. Ano akala n'ya sakin malandi?

Tsk. Tsk.

Atsaka hinatid lang naman ako ni..Teka..Ano na pangalan non? Ah, Luke. Tama. Hinatid lang naman ako ni Luke dahil iniwan n'ya ako doon, di man lang n'ya ako tinulungan.

Nakasalubong ko naman si Esmeralda at kinuha n'ya sa akin lahat ng pinamili ko. Nagpaalam na ako na pupunta na sa kwarto, wala akong ganang kumain ngayon dahil badtrip ako.

Hindi parin nawawala yung hilo ko, argh. San ba pinag-lihi yung lalaking 'yun. Nakakainis.

Humiga muna ako at ipinikit ang aking mata. Napagod ako ng sobra. Tapos sumabay pa yung kanina. Tuwing naiisip ko 'yun nang-gigigil ako.

Pwede naman kasing mag dahan-dahan s'ya mag drive, hayss.....

Unti-unti na kong nilalamon ng antok hanggang sa nakatulog ako.

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na katok. Mukang alam ko na kung sino ang kumakatok kaya bumangon na ako at pumunta sa may pinto upang buksan.

Tumambad sa akin ang muka n'yang naka pokerface, naalala ko na naman 'yung nangyari kanina. Pero dahil katulong lang ako dito at amo ko siya ay isinantabi ko muna ang inis ko sa kaniya.

“ What are you doing here? Hindi pa tapos ang trabaho mo.”

Ano magagawa ko inaantok ako eh, saglit lang naman labhan yung damit n'ya konting dumi lang naman 'yon masyado lang syang maarte daig pa ang babae.

“ Tatayo ka na lang ba diyan?” naiinis na sabi nito.

“ Sorry, hindi ko kasi napigilan 'yung antok ko, kaya nakatulog ako. Lalabhan ko na po yung damit n'yo.” turuan ko, sinarado ko na ang pinto ng aking kwarto at napansin ko naman s'yang nagpunta na sa silid n'ya.

Andito na ako sa may labahan, nakakamangha ang lawak nito kumpleto 'rin sa kagamitan at maayos na nakasalansan ang mga ito. Dalawa ang washing machines gayundin ang dryers.

Kumuha na ako ng maliit na palanggana at tinapat ito sa may gripo, tumayo naman ako upang kuhanin ang damit n'yang nakapatong sa may lamesa, nagpunta naman ako sa may lagayan ng mga sabon, namangha naman ako sa dami nito.

Kumuha ako ng sabon at sinimulan ko ng kusutin ang damit n'ya hindi 'rin nag-tagal ay natapos na ako. Binanlawan ko na ito at pagkatapos ay sinampay na.

Minasahe ko naman yung braso ko bago umalis at nagtungo sa kusina, nakaramdam ako ng gutom kaya kumuha na ako ng pag-kain.

Umupo na ako at nag-simula nang kumain.
Naalala ko namang bukas pala ang sahod ko, tiyak na matutuwa sila dahil makakapag-padala na ako sa kanila.

Napag-pasiyahan ko ng pumunta sa kwarto dahil gabi na 'rin naman na para ituloy yung naudlot kong tulog.

Dumiretso naman ako sa C.R upang maglinis ng katawan pagkatapos ay nag bihis.

Humiga na ako at ipinikit ang mata.
Dumilat ulit akong muli ng hindi ako makatulog.

Bumangon ako at balak ko sanang pumunta sa garden. Pagkalabas ko ay wala na akong makitang tao tiyak na natutulog na silang lahat.

Dahan-dahan namang akong naglakad dahil ayokong makagawa ng ingay na ikakagising nila. Nang makalabas ay sinalubong ako ng malamig na hangin.

Niyakap ko naman ang aking sarili. Nakalimutan ko palang mag-suot ng jacket.

Umupo ako sa damuhan at nilanghap ang simo'y ng hangin.

Pinag-mamasdan ko ang mga bituin sa langit, nakaramdam naman ako na parang may nakatingin sa akin.

Wait...Wala naman sigurong multo dito, luminga-linga naman ako pero wala namang tao..

Napatingin naman ako sa may likod ko at halos himatayin ako sa gulat ng may nakita akong nakatayo, namukaan ko naman ito agad.

Akala ko naman multo.

“Scared huh?”

Tumingin naman akong muli sa kaniya ng mag-salita s'ya. “A-Ah a-ano kase akala ko multo.” napapahiyang sabi ko rito. Nakita ko namang gumuhit ang ngisi sa labi n'ya.

To be continued...

Poor Slave Girl : Peterson Series #1Where stories live. Discover now