CHAPTER ONE

204 5 0
                                    

“ Ate! Ate! ” naalimpungatan ako dahil naramdaman ko na may gumigising sa akin.

Iminulat ko ang isang mata ko at bumungad sa akin ang bunsong kapatid ko. “Hm…Bakit? Inaantok pa ako Iyah,” Maliyah Mackenzie ang bunso sa aming magkakapatid.

“Eh, kasi Ate narinig ko yung usapan ninyo ni Ate Skyler kahapon sa garden, totoo ba na magtatrabaho ka roon?” aniya, natahimik naman ako sa tanong niya.

“Hindi ko pa alam at saka hindi ko pa nasasabi kay mama ang tungkol doon,” sagot ko rito.

“ Eh, Ate dito ka na lang wag ka ng pumunta roon,” kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

“ At bakit naman Iyah? Sayang 'rin naman 'yon ayaw mo ba non makakakain na tayo ng masasarap? At saka mabibili mo na yung mga gusto mo,” aniya ko.

“ Wala na akong kakampi alam mo namang ikaw lang kakampi ko. Alam mo naman si Ate Amanda masungit,” turan niya, bigla naman akong napangiti.

“Ang kulit mo kasi, kaya ka napapagalitan ni Amanda e," lintanya ko rito, napanguso naman siya sa sinabi ko.

“ Wag ka nga ngumuso para kang bibe," natatawang sambit ko rito, kita ko naman sa kanya na nainis siya kaya ngumisi pa ako ng nakakaasar.

May sunod-sunod na kumatok sa pinto, napatingin kami ni Iyah sa may pinto at iniluwa nito si Amanda. AMANDA MCKENZIE pangalawa siya sa aming tatlo.

“ Anong ginagawa niyo rito?” mataray nitong tanong.

“ Wala pinag uusapan ka lang namin Ate,” pang-aasar ni Iyah, napangiwi na lang ako sa kanilang dalawa. Tiyak na mag aaway na naman to.

“ Talaga? ” sagot ni Amanda.

“ Oo Ate, bakit may angal ka,” pabalik na ani ni Iyah, dahil 'don biglang nangunot ang noo ni Amanda sa sinabi ni Iyah.

Pumagitna na ako sa kanilang dalawa at baka kung saan pa mapunta ang usapan nila.

“Kayong dalawa malalaki na kayo nag-aaway pa kayo. Wag na wag kayong mag aaway sa harap ni mama ha!” pangaral ko sa kanilang dalawa, nakita ko namang tumango silang dalawa.

“ Oh, sige na, pumunta na kayo sa baba tignan ninyo si mama, at maghain na kayo ng umagahan matutulog muna ako inaantok pa ko,” nahiga na ako at pipikit ko na sana ang mata ko ng hindi pa 'rin umaalis si Amanda.

“ May problema b-” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong batuhin ng unan.

Anak ng!

“ Galing mo naman mag utos. ” usal niya sabay alis.

Siraulo talaga.

Nahiga ulit ako at pinikit ko na unti-unti ang mata ko at tuluyan na akong nilamon ng antok.

Naalimpungatan ako sa ingay ng aso bumangon na ako at sinimulan ng ligpitin ang hinigaan ko. At pagkatapos lumabas na at bumaba, nakita ko naman silang nanonood ng TV kaya pumunta na ako sa may kusina para kumuha ng pagkain.

Napatingin naman ako sa may lagayan ng bigas namin kaunti nalang ito hindi na aabot sa isang buwan. Tiyak na mangungutang na naman kami.

Kumuha na ako ng ulam at kanin at naupo na sinimulan ko ng kumain ng biglang may kumatok.

Napatingin naman ako sa pinto, nakita kong binuksan ni Iyah at iniluwa nito si papa.

“ PAPA!” sabay-sabay naming sabi at patakbong pumunta sa kinaroroonan ni Papa.

“ Kumusta naman ang tatlong prinsesa ko,” nakangiting sambit ni papa.

“Maayos naman po Papa maganda pa 'rin,” bulalas ni Iyah.

“ Papa 'bat ngayon ka lang?" tanong ni Iyah, napatingin naman ako kay papa.

“ Na-traffic lang ako mga anak kaya natagalan si papa. May dala pala akong pasalubong sa inyo. Mag hati-hati na kayo diyan ha!” aniya, sabay abot samin ng pasalubong ni papa.

“ Salamat pa!” sabi naming tatlo.
Nanguna naman ang dalawa kong kapatid.

“ Ate ito sayo hihi," sabay abot sakin ni iyah ng hita ng manok. Kinuha ko ito at bumalik na sa lamesa at nag simula na ulit kumain.

Ilang saglit lang at natapos na ako. Niligpit ko na ang pinag kainan ko at pagkatapos ay bumalik ako sa sala. Nakita ko naman silang natutulog ng mahimbing.

Bigla nalang akong napangiti. Sumagi naman sa isip ko ang alok ni Skyler, hindi ko kayang humiwalay sa kanila.

Hindi....

Hindi ko kaya...

“Hello, Misis Elizabeth! "

Narinig ko namang may tumatawag kay mama sa labas kaya dali-dali akong nagtungo roon.

Bumungad sa akin ang isang matandang lalake sa tingin 'ko kasing edad lang niya si papa.

“Hello po!”

“Iha, andiyan ba si Misis Elizabeth?” nakangiting tanong nito.

“ Opo, ano po kailangan n'yo kay mama?” takang tanong ko rito.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa iha pasabi nalang sa mama mo na apat na buwan ng hindi nakakabayad ng renta sa bahay, pag hindi pa kamo makakabayad sa susunod na buwan ay mapipilitan akong paalisin kayo diyan," paliwanag nito.

“A-Ah sige po sasabihin ko po kay Mama,” tugon ko, pano iyan wala pa kaming sapat na pera.

“ Mauna na ako iha 'yon lang naman ang ipinunta ko rito," tumango naman ako bilang sagot.

Saan kami kukuha ng pera kung gagamitin ko naman ang ipon ko ay walang pambili ng gamot si Mama. Napaisip naman ako kailangan ko na sigurong tanggapin ang alok ni Skyler, alam kong mahirap marahil ay ngayon pa lang ako mawawalay sa kanila, tatanggapin ko para lang makabayad sa bahay.

Pumasok na ako sa loob nakita kong nakatayo si mama sa may tapat ng bintana. Tiyak na narinig niya 'yung sinabi nung matandang lalake. Lumapit ako kay Mama.

“Ma! Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ko, nag-aalala ako baka atakihin na naman siya ng sakit niya.

“Ma, may sasabihin po ako,” kailangan ko na sigurong sabihin na magtatrabaho ako.

“May i-noffer sa akin si Skyler kahapon Ma, malaki po ang sahod naisip ko na pag pumasok ako roon ay mababayaran na natin lahat ng utang natin,” sabi ko pero hindi parin umiimik si mama, “At mapapag aral ko sina Amanda at Maliyah ma, hindi na tayo mag hihirap,” patuloy ko.

To be continued....

Poor Slave Girl : Peterson Series #1Where stories live. Discover now