CHAPTER TWO

145 4 0
                                    

Tumingin sa akin si Mama, may nakita naman akong butil ng luha niya. Heaven, antanga mo. Ang pinaka ayaw ko ang umiiyak si mama sa harap ko. Kumirot naman ang puso ko dahil nakita ko si mama na umiiyak. Kaya bago pa ako mahawa ay niyakap ko siya.

“Alam ko na mahirap Ma, pero sayang 'din ang oportunidad na iyon. Dadalaw-dalaw naman ako mama. Wag kang mag-alala please Ma, pumayag ka na,” naramdaman ko namang hinaplos ni Mama ang buhok ko.

“Wala akong magagawa anak kung 'yan ang gusto mo ang maipapayo ko lang na kahit na anong mangyari wag na wag kang makikisali sa mga gulo ha!” paliwanag niya na nagpangiti sa akin, dahil ang akala ko ay hindi siya papayag.

“Opo, promise!” nakangiting ani ko.

Andito ako ngayon sa kwarto at nag iimpake ng gamit dahil maaga kaming luluwas bukas ng maynila. Naalala ko naman ang sinabi ni papa kanina.

FLASHBACK

“ Sana wag mo itong pagsisihan anak, hindi mo kilala ang Pamilya Peterson,” nag-aalalang sambit ni papa, naguguluhan ako sa mga sinasabi ni papa. Kilala niya ba ang Pamilya Peterson.

“ Pa! Kilala mo po ba ang Pamilya Peterson?” takang tanong ko rito kay papa, hindi ako sinagot ni papa sa halip ay niyakap niya ako.

“ Mag-iingat ka anak.” aniya, yumakap naman ako pabalik. “Opo, pangako po.”

END OF FLASHBACK

Napatingin naman ako sa ginagawa ko at nakitang patapos na pala ako sa pag aayos ng gamit. Ng tuluyan ng matapos ay itinabi ko na ang bag ko sa tabi ng kama. Nahiga na ako at pipikit na sana ng—

Napatingin naman ako sa gawing kanan ko kung saan nakalapag ang cellphone ko at lumantad ang pangalan ni Skyler. Kinuha ko ito at sinagot.

“Hello! Heaven, nasabi ko na kay Auntie na pumayag ka sa offer ko, dadaanan ka na lang 'daw diyan ni Auntie bukas,” aniya.

“ Sige, basta 'yung pangako mo saken ha! Tuparin mo 'yon,” naniniguro kong sabi.

“ Ano ka ba! Hindi ako paasa ano!” aniya.

“Naninigurado lang.” turan ko.

“Sige na matulog ka na, Naku! Pag nakita mo ang magiging amo mo siguradong maglalaway ka,” humalakhak naman siya.

“ Wala akong pake kung ano man siya. Kaya nga lang ako pumayag para mabayaran 'yung mga utang namin,” saad 'ko.

“Naku! Wag kang magsalita ng patapos. Heaven, tignan mo lang. Tawagan mo na lang ako bukas pag nakarating na kayo sa maynila, bye na ingat ka,” ani nito.

"Bye!” sabi ko sabay patay ng linya.

Pumikit na ako at tuluyan ng nakatulog.

KINABUKASAN...

Nagising ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko, nag alarm nga pala ako.

Inaantok pa ko.

Bumangon na ako at ginawa ko ang morning routine ko.

Makalipas ang isang oras ay nayari na 'rin ako. Nakasuot ako ng maong na short at isang plain white t-shirt at sinuot ko ang regalong sapatos ni papa.

Nang matapos ay binitbit ko na ang mga gamit ko at bumaba na nadatnan ko naman sila sa sala.

“Good Morning,” nakangiting bati 'ko sa kanila.

“ GOOD MORNING ATE!” napatakip naman ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni Iyah, nakalunok ba to ng microphone nakakainis talaga nitong batang ito kalapit-lapit ko lang eh.

Nakita ko naman siyang nakangisi kaya lumapit ako sa kanya at binatukan siya, “OUCH! Aray! Ate naman e, bakit 'ka ba namamatok 'kay aga-aga nananakit ka,” bulyaw niya n inirapan ko lang at dumiretso na ako sa may sofa at nilapag doon ang gamit ko.

Tumingin ako sa gawing kaliwa ko at tinignan ang orasan 6:09 am na si tita Martha nalang ang hinihintay ko.

“Anak kumain ka muna at malayo layo ang pupuntahan ninyo baka magutom ka sa gitna ng biyahe,” wika ni mama, ngumiti naman ako kay mama at lumapit sa kanya, “ Ma, mag iingat ka ah wag ka masyadong mag pagod alam mo naman hindi na kaya ng katawan mo,” nakangiting sambit ko, ngumiti naman si mama sa akin pabalik.

“ Wag kang mag-alala anak kaya ko naman ang sarili ko atsaka andiyan pa naman ang dalawa mong kapatid,” nakangiting sabi ni mama.

Bumaling naman ako kay Amanda at Iyah.

“ Kayong dalawa wag na kayong mag-aaway ha!” pangaral ko sa kanilang dalawa. Nakita ko namang tumango si Iyah, tumingin naman ako kay Amanda at ang lintek umirap lang, Tss.

Umupo na ako at nag simula ng kumain at ng matapos ay tumayo na ako at bumalik sa sala bumaling naman ako sa may orasan 6:35 na.

Ilang minuto lang ay dumating na si tita Martha. Napamaang nalang ako sa ganda ng kotse mukhang mamahalin, sakanya kaya iyan? Pero alam ko namang hindi siya mahilig sa mga mamahaling kotse.

“ Kumusta ka na Elizabeth,” nabaling naman ang tingin ko kila Mama at Tita.

“Ayos lang naman ako Martha balita ko mayaman kana,” sabi ni mama at nagbeso sila.

“Naku! Papayaman pa lang oh. Eto na pala si Heaven, ang laki mo na nung huli kitang nakita pitong taon ka palang,” sabi ni tita at lumapit sa akin.

Niyakap ako ni tita pagkatapos ay nag ngitian kami, “Kailangan na nating mauna tiyak ay hinahanap na ako ni Sir Liam,” sabi niya, tumingin naman ako kay mama at tumango naman siya sa akin.

Nagpaalam na ako kila Amanda at Iyah na mauuna na kami. “Mag iingat kayo Martha, ang Anak ko bantayan mo ha!”

“Wag kang mag alala Elizabeth hindi ko pababayaan si Heaven,” sabi ni tita.

Nabaling naman ang tingin sa akin ni Tita Martha, ngumiti siya sa akin at inalalayan niya ako papasok sa loob ng kotse. Tumingin naman ako sa gawi nila mama nginitian 'ko sila at sinabing, "MAHAL KO KAYO..." walang boses na lumabas sa bibig ko pero alam kong naintindihan nila iyon, pagkasabi ko no'n ay ang kasabay ng pag bagsak ng luha ko.

To be continued...

Poor Slave Girl : Peterson Series #1Where stories live. Discover now