Hindi ko inaakala na mahihiwalay ako sa kanila. Pero kakayanin ko para lang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS huminto kami sa malaking bahay marahil ay ito na ang sinasabi ni Skyler na bahay ng pamilya Peterson.
“Heaven, makinig ka sa akin wag na wag kang gagawa na ikakagalit ni Sir Liam ha!” pangaral sa akin ni Tita na siyang ikinabigla ko, kinabahan naman ako sa sinabi ni tita.
“Bakit Tita masungit ba 'yung si Sir Liam?” tanong ko.
“Ma'am hinahanap po kayo ni Sir Liam,” napatingin naman ako 'kay kuyang driver.
“Mauna na ako Heaven, wag ka mag alala hindi ka maliligaw dito dahil maraming katulong ang nakakalat dito sa loob ng mansiyon wag kang mahihiyang magtanong ah, mauna na ako pasensiya na kung hindi lang ako pinatawag sana ay nasamahan kita,” mahabang lintanya niya, tumango na lamang ako kay tita.
Bumaba na ako at kinuha ko na ang mga gamit ko, tumingin naman ako sa paligid, marami nga ang mga katulong na nakakalat yung iba ay may sari-sariling ginagawa at yung iba nagwawalis pero wala naman akong nakikitang winawalis.
“Hello po! Pinatatawag po kayo ni Sir James," tumango naman ako rito at itinuro niya sa akin ang daan.
Habang naglalakad ay napapalingon ako sa paligid dahil ang gaganda ng mga bulaklak maraming klase ng bulaklak, bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko. Pag talaga nakakakita ako ng bulaklak nawawala ang lungkot ko.
Flowers really take away sadness.
“Andito na po siya Sir James,” napatingin naman ako sa isang maginoong lalake hindi nalalayo ang edad nila ni papa pero mukhang bata pa itong maginoo feeling ko nasa 40+ palang ito mahigit.
“ Iha ikaw pala ang sinasabi ni Martha. Napakagandang bata ako nga pala si James Peterson,” nakangiting aniya, “ At ikaw?”
“Uhmm... Heaven Mckenzie p-po,” nahihiyang sabi ko, napayuko at napapikit naman ako sa kaba.
“Dad! Why are you sending me here? I still have a meeting with the company,” napaangat naman ang ulo ko at napamaang nalang ako dahil ang gwapo niya.
“ Don't shout Owen we have a guest it's embarrassing if you behave like that,” Owen pala pangalan niya napayuko naman ako sa hiya dahil bumaling naman ang tingin niya sakin.
“ Who is this?” sabi niya habang tinitignan ang kabuuan ko.
“ Siya ang binanggit sa atin ni Martha nung nakaraang araw.” ani ni Sir. James, napatango-tango naman si Sir. Owen.
“ Heaven, meet my son. Owen Peterson ang pangalawa sa mga anak ko.” ani nito, tumango naman ako at bumaling ang tingin nito kay Sir. Owen. “ So be nice to him Owen,” nakangiting sabi ni Sir James.
“Mckenzie...I think I've heard that last name. By the way, I need to talk to you Dad. I have something to tell you,” aniya at muling tumingin sa akin.
“ All right, let's talk in my room.” napahinga naman ako ng maluwag ng hindi na nakatingin sa akin si Sir. Owen, Nakita ko namang tumikhim si Sir James kaya napatingin ako sa kanya.
“ Iha ipapasama nalang kita sa isang maid dito para maihatid kana sa magiging kwarto mo,” tumango na lamang ako bilang tugon.
“ Esmeralda! Dalin mo na si Heaven sa magiging kwarto niya,” 'yun na lamang ang sinabi niya at umalis na.
“ Dito po tayo,” sumunod ako sa kanya napatingin naman ako sa gawing kaliwa ko isang family picture, nahagip naman ng mata 'ko ang katabi ni Sir Owen sa tingin ko ay kapatid niya ito hindi 'rin nalalayo ang itsura nila dahil mag kamukang magkamukha sila. Mas malamig nga lang ang awra nitong isa kaysa kay Sir Owen.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at huminto kami sa may tapat ng pinto sa tingin ko ay ito na ang magiging kwarto ko.
“Dito na po tayo, mauna na po ako,” nginitian ko naman siya at tinanguan.
Binuksan ko na ang pinto at lumantad sa akin ang mga nag gagandahang gamit nito.
Wow!
Sakin ba talaga itong kwarto nilibot ko naman ang mga mata ko sa loob ng kwarto, lumapit ako sa may bintana at tinignan ang kabuuan sa labas ng bahay.
Ibinaba ko naman na ang mga gamit ko sa isang sulok at nagtungo ako sa cabinet kung saan ay may mga damit na nakalagay kanino kaya ito? Binuksan ko pa ulit ang isang cabinet at bumungad sakin ang mga nakasampay na hanger buti naman walang nakalagay na damit. Dito ko nalang ilalagay 'yung mga damit ko.
Nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko.
MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO natapos na 'rin akong magligpit ng mga gamit ko at tumingin naman ako sa may pintuan kung saan nakasabit ang orasan 5:02 pm na pala. Nakaramdam naman ako ng pagod dahil na'rin siguro sa haba ng biyahe.
To be continued...
YOU ARE READING
Poor Slave Girl : Peterson Series #1
RomanceAbout the woman who entered the Peterson Family as a slave recommended by her friend. Wanting to improve their lives, he agreed to the offer. But how long will he last in the Peterson family as a slave. Disclaimer : This is a work of fiction, Names...