CHAPTER FIVE

113 2 0
                                    

Narinig ko namang tumunog ulit ang tiyan ko.
Kumuha na ako ng pagkain at pagkatapos ay inilapag ko na Ito at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos ay napagpasyahan ko ng umakyat papunta sa kwarto ni Sir Liam.

“Come in,” aniya at binuksan ko na ang pinto. Pagkapasok ko palang, bigla na lang nanlamig ang buong katawan ko.

“Pakiayos lahat nito,” sabay pakita ng isang kahon na papel bigla naman akong nanlumo dahil jusmee ang dami.

Tumango nalang ako at lumapit atsaka kinuha sa kaniya ang isang kahong papel.

Umupo naman ako sa isang sulok kung saan katabi ko kung saan naroon ang cabinet niya at katapat ko naman kung saan siya nakahiga. Sinimulan ko ng ayusin ang mga papel na ito.

MAKALIPAS ang ilang oras ay konti nalang at matatapos na ako tumingin naman ako sa may orasan at 10:27 pm na kanina pa ko hikab ng hikab dahil inaantok na ako. Tumingin naman ako kay Sir Liam at nakita ko namang natutulog na siya ng mahimbing.

Pinagmasdan ko naman ang maamo niyang mukha at isa lang ang masasabi ko nasa kaniya na ang lahat.

“ Tapos ka na?” Gulat naman akong tumingin sa kaniya ng mapansing gising siya.

" H-Huh.." namula naman ako sa hiya.

“ I said, tapos kana bang titiganan ako?” Lalo pa akong namula ng malamang alam pala niya na nakatitig ako sa kaniya.

Napayuko naman ako sa hiya.“All right, pwede mo na ulit akong titigan,” dagdag pa niya ng may halong ngisi sa labi.

MAKALIPAS ang ilang minuto ay natapos na ako sa ginagawa ko pagkatapos ay pinatong ko na Ito sa table niya. Pagkatapos ay nag stretch muna ako bago lumabas. Nang tuluyan na akong makalabas ay dumiretso na ako sa aking kwarto.

Agad naman akong pumunta sa CR upang maglinis na ng katawan dahil kanina pa ako nilalagkit pagkatapos ay kinuha ko na ang tuwalya at nakatapis ako ng lumabas.

Namili na ako ng damit, ng makapili ay agad ko na itong sinuot. Sinuklay ko na ang mahabang buhok ko at pagkatapos ay humiga na. Ipinikit ko na ang Mata ko at tuluyan na akong nilamon ng antok.

KINABUKASAN gumising ako ng maaga dahil ayaw ko namang matanghali ng gising baka isipin nila na puro pasarap lang ginagawa ko Kaya bumangon na ako at nag inat-inat pagkatapos ay niligpit ko na ang hinigaan ko.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa banyo para magsepilyo.

MAKALIPAS ANG ILANG ORAS Nandito ako ngayon sa may sala habang naglilinis linis. Narinig ko namang may nag busina ng kotse sa labas sa palagay ko ay kay Sir Owen iyon.

Nakita ko namang nakababa na siya at may dala dalang malaking kahon, ano kaya laman 'non.

“ Hello! Good Morning,” aniya ng makapasok ngumiti naman ako. “ Andiyan ba si Liam?” dagdag pa niya.

“ Opo, Hindi pa po bumababa eh baka natutulog pa po,” Sabi ko.

“ Okay, thank you” aniya at ngumiti sa akin.
Tinapos ko na ang ginagawa ko para sa garden naman ako pupunta didiligan ko ang mga nag gagandahang mga bulaklak. Nang matapos ay niligpit ko muna ang pinag gamitan ko.

Bigla ko namang naalala sila mama hindi ko pa alam kung kailan ako makakadalaw sa kanila Basta gagawan ko nalang ng paraan para naman Makita ko na sila. Napangiti naman ako dahil mababayaran na namin ang mga utang namin sa oras na sumahod na ako.

Nagtungo na ako agad sa Garden, bigla namang gumaan ang pakiramdam ko ng makarating ako dito dahil sa simo'y ng hangin at sa mga nakapalibot at nag gagandahang mga bulaklak.

Sinimulan ko nang magdilig, habang nagdidilig ay sinabayan ko namang kumanta.

♪She's always on my mind
From the time I wake up
'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know ♪

Pinikit ko ang mata ko habang nilalanghap ang simo'y ng habang kinakanta ko ang paborito kong kanta.

♪ And thought she's so far away
It just keeps gettin' stronger everyday
And even now she's gone
I'm still holding on
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't wanna let her go♪

“ Hey!”

Patuloy lang ako sa pagkanta.

♪Maybe my love will come back someday
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
′Cause heaven knows♪

“ Stop there, come with me to buy something,”

♪My friends keep tellin′ me
That if you really love her
You′ve got to set her free
And if she returns in kind
I′ll know she's mine
But tell me where do I start
′Cause it's breakin′ my heart
Don't want to let her go♪

Pagpatuloy ko sa kanta, idinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Sir Liam.

Gulat naman akong tumigil sa pagkanta ng makitang andito sa harap ko si Sir Liam.

" Are you done? " aniya, nakakahiya.

Tumango naman ako at sinabing “S-Sorry p-po Sir. Liam 'di ko napansin na andiyan kayo,” paumanhing saad ko.

Tinaasan naman ako nito ng kilay, napayuko naman ako sa hiya.

“ Samahan mo ko may bibilhin ako,” aniya at sabay alis hindi naman na ako naka sagot, nakakahiya talaga.

Agad ko naman itinabi lahat ng pinag-gamitan ko at nagtungo sa kwarto pagkapasok ko ay agad akong nag hanap ng maisusuot. Nang makahanap ay nagpunta ako sa CR at nagsipilyo at nagbihis na.

Nang matapos ay sinuklay ko ang buhok ko at itinali nang matapos ay nagpolbo lang ako at nag liptint ng kaunti.

Lumabas na ako at nasalubong ko naman si Esmeralda.

Tinanong ako nito kung saan pupunta at sinabing sasamahan ko si Sir. Liam, nakisuyo naman ito na ako na ang mamalengke hindi naman na ako tumanggi at kinuha sa kanya ang listahan ng lahat ng ipapamili.

Nakita ko namang nasa labas na si Sir. Liam at ang kotse niya, sumakay na ako at ng makasakay ay ipaandar na niya ito.

Huminto kami sa isang Mall at ipinarada muna niya ang kotse niya pagkatapos ay bumaba, sumunod naman ako sa kaniya. Binati naman siya ng guwardiya at tinanguan niya ito.

To be continued....


Poor Slave Girl : Peterson Series #1Where stories live. Discover now