CHAPTER EIGHT

10 1 0
                                    

Nandito pa ‘rin ako at pinakiramdaman ko naman ang kasama ko at tila ba'y may malalim s'yang iniisip. Tahimik lang akong nakaupo rito at pinag mamasdan ang mga bulaklak sa harap ko.

Napapikit ako ng dumampi sa aking mukha ang malakas na simoy ng hangin na s'yang nagbibigay ng ginhawa sa pakiramdam ko ngayon.

Hindi ko naman napansin na napatagal ang pagpikit ko at pinakiramdaman ko naman ang kasama ko at ng napagtanto ko na wala na ito sa tabi ko.

Napangiwi naman ako ng maalala ko ang iniasta ko sa kanya.

Tumayo na ako at pinagpag ang sarili at pumasok na sa loob ng mansyon. Dumiretso naman na ako sa kwarto dahil nakaramdam na ‘rin ako ng antok marahil ay mag aalas onse na ng gabi.

Nahiga ako sa malambot na kama at tuluyan nakong nilamon ng antok.

Nagising ako dahil sa alarm clock na nasa tabi ko, alas kwatro na pala.

Tumayo nako at nag inat bago pumasok sa Cr at nagsimula ng mag ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako at nag simula ng mag linis ng mga kalat.

Napagtanto ko na si Sir. Owen ang pinakamakalat sa kanilang lahat dahil lahat ng papel na nandito ay nasa sahig at tila ay hinayaan lang kagabing kumalat lahat.

At ang pinakamalinis naman sa kanila ay si Sir.Liam dahil napakaarte niya sa lahat ng bagay daig pa ang babae kung makaarte.

Habang naglilinis ako ay iniisip ko naman ang mga susunod kong gagawin.

Nang matapos ay napagpasyahan ko nalang magdilig sa garden dito malapit sa may tapat ng office ni Sir.Liam, napaisip naman ako kung ito ba ay tulog pa o gising na dahil nakabukas ang ilaw ng loob ng office.

Pumasok na naman sa isip ko ang itsura ni Sir. Liam, hindi naman mapagkakaila ang kagwapuhan nito, sa kanilang dalawa si Sir. Liam ang may pinaka malamig na awra marahil dahil sa kilos nito at pananalita. At si Sir. Owen ang may malakas ang appeal dahil ito ay palaging nakangiti nung una ay akala ko ay masungit siya, pero simula nung makailang araw ay mas lalo kong nakilala si Sir. Owen dahil madalas ko syang nakakasalubong.

Hindi katulad ni Sir. Liam na palaging nasa kwarto at office niya dahil busy sa trabaho. Napapaisip ako ano kaya ang ginagawa nya pano sya nakakatagal na buong maghapon hindi lumalabas sa kwarto.

Di bale na, buhay naman niya iyon at wala akong karapatan na pakealaman siya dahil katulong lang ako rito at siya ang boss ko.

Ilang linggo na ako rito at hindi pa ako dinadalaw ni Tita sabi niya ay madalas niya akong dadalawin pero hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin siya dumadalaw. Madalang ko nalang ‘din matawagan si Skyler at ang pamilya ko dahil sobrang dami kong ginagawa rito at madalas ay tulog ako sa sobrang pagod.

Pumasok na ako sa loob at nag handa na ng pinagkainan ni Sir. Liam dahil oras na ng breakfast niya, mabilis ko namang nakabisado ang routine niya dahil nagbigay si Esmeralda ng listahan ng mga ginagawa niya araw-araw na ginagawa ni Sir. Liam, napaisip naman ako kung hindi ba sila naboboring dito dahil sobrang tahimik, parang ang lungkot lungkot wala man lang kabuhay buhay sa mansion na ito.

Hindi katulad sa bahay namin kahit ganon lang kami na maliit lang ang bahay at simple lang ay masaya kami dahil hindi nawawalan ng maingay sa loob ng bahay namin.

Nakita ko nalang pababa na si Sir. Liam, nakasuot pa itong panjama at sando at nakasuot itong salamin marahil ay maaga itong nagising at nagtrabaho na agad, siguro nga nandon siya sa may office niya kanina.

Pagkababa niya ay dumeretso na siya sa hapag at umupo na, dumiretso naman ako sa kusina upang kuhanin ang tinimpla kong kape para sa kaniya, pagkatapos ay inilapit ko na ito sa harap nya.

“ Pumunta ka mamaya sa office, may ipapaayos ako sayo,” walang ganang sabi nito. “Yes po,” nakangiti ko namang sabi dito dahil napakatamlay niya ngayon baka sakaling ngumiti ‘din siya pabalik pero nabigo ako, tinignan niya lang ako ng blankong tingin na parang sinasabi nito na close tayo?

Napakamot nalang ako sa sintido ko dahil kay aga-aga ganon ang mood niya.

Mabilis lang siyang natapos kumain dahil tutok na tutok talaga sya sa pagkain niya, lunok lunok na lang ata ginagawa netong lalakeng to dahil halatang nagmamadali siya sa pagkain, ano ba yan! Pati sa pagkain ba naman. Jusko pano kaya kung mabulunan siya?

Eh pake ko ba.

“What? Ano na naman pumapasok sa isip mo” nakatingin ito sa akin ngayon at titig na titig marahil ay hinuhulaan ‘din kung ano yung nasa utak ko.

Nailang naman ako at tumingin sa kabilang direksyon dahil hindi ko masabayan yung tingin niya, feeling malulusaw ako eh.

“Wala naman po Sir hehe” iyon na lamang ang nasabi ko.

Nandito na ako ngayon sa office niya at nagsimula ng ayusin ulit ang sandamakmak na papel, pinagsama sama ko ang magkakaparehas at isinalansan iyon sa drawer. Napatingin ako sa gawing kanan ko kung saan nakalagay ang picture frame ng isang babaeng maganda, silang dalawa ni Sir. Liam iyon, siguro ay girlfriend niya ito dahil nakaakbay ito sa babae.

To be continued…

Poor Slave Girl : Peterson Series #1Where stories live. Discover now