"Aalis ka na ba talaga, beh? Sigurado ka na ba talaga? Final na?" tanong ni Julia sa gilid. Patapos na kami mag-ayos ng mga ibang stocks ng gamit sa kabinet. Ilang minuto na lang ay out na namin bale ito na rin ang huling araw ko sa trabaho.
Buo na ang naging desisyon ko na tanggapin ang trabaho na alok ni Madam. Nakapagpaalam na ako sa tiyahin at tiyuhin ni Trisha tungkol sa balak ko at mabuti na lang ay pumayag sila. Hindi na rin naman sila nahirapang makahanap ng ipapalit sa akin sa sobrang hirap ba naman mamuhay sa ekonomiya ng Pilipinas marami ang naghahangad na makapasok ng trabaho.
Kaya eto nga ako ngayon naghahangad ng mas malaking sahod. Pero iba pa rin ang pasahod ni Madam parang hindi makatotohanan na makatotohanan kasi yayamanin naman siya.
"Sigurado na'ko Julia. Tinapos ko lang talaga 'yung ibang araw ng pasok para kahit papano eh may sisuwelduhin ako sa a-kinse." I chuckled.
Nabigla ako sa biglang pagyakap niya sa'kin, " Mamimiss kita, behhh! Saan ka ba magt-trabaho? Sama mo na lang ako!" kunwaring humagulgol pa siya.
Sa lahat ng mga naging kakilala ko sa ilang buwan na pagt-trabaho ko rito si Julia ang naging mas malapit sa'kin. Hindi naman kasi nagkakalayo ang edad namin. Bukod pa ro'n ay palagi niya akong dinadaldal at sinasama kung saan-saan tuwing break time. Hindi man gano'n katagal kaming magkakilala thankful ako dahil kahit papano eh na-enjoy ko paminsan-minsan ang trabaho kahit nakakapagod.
"Ang OA mo, beh. Bibisitahin kita minsan dito 'pag may oras ako. Tsaka may messenger naman puwede mo naman ako i-chat."
"Wala, iba pa rin talaga beh 'pag magkasama tayo. Wala na'kong kasama kumain tuwing lunch break at makipag-chismisan. Ayoko naman kasama sila Maria, noh pang-nanay na kasi pinag-uusapan nila hindi ako maka-relate." natawa na lang ako sa pinagsasabi niya.
Kumapit siya sa braso ko at isinandal ang ulo niya sa aking kaliwang balikat, "Beh, 'pag nakahanap ka ng pogi 'don i-reto mo sa'kin agad ah?" tinulak ko palayo ang ulo niya.
"Baliw, hindi naman pogi aatupagin ko dun."
"Sus, imposible. Akala ko ba nagc-crave ka na ng lambing lalo 'pag kakauwi galing sa trabaho? Malay mo marami do'n diba?"
"Eh kung totoong marami nga ba't ko naman irereto sa'yo, aber? Hindi ba dapat ig-gatekeep ko 'yun?"
Hindi ko alam kung matatawa o maeewan ako sa sinasabi ni Julia. Bukod do'n hindi ko naman nabanggit sa kaniya na PA ang magiging trabaho ko. Paniguradong wala ring mga lalaki sa villa ni Madam tulad ng nasabi niya noong nakaraan. So paano ako makakakita ng pogi do'n? Pero sabi naman niya eh sa mga private personal properties lang so posibleng sa linya ng negosyo niya ay mayroon. Tulad noong nakaraan na may kasama siyang mga lalaking bodyguards.
Eh kaso bodyguards. Ayoko naman sa mga sobrang maskulado baka pag nagtampo ako bigla akong sikmuraan.
'Yung mga type ko talaga mga matatangkad na moreno, kulot, mukhang bad boy, laging naka-polo ganern. Si Azrael ganyan. Joke lang. Speaking of him I haven't heard of him since that day. Hindi ko rin na siya nakikita o napapansing bumibili ng tusok-tusok pero nakikita ko naman ang mga bata na naglalaro sa may park. Minsan eh nililibre ko pa sila.
Sinubukan kong hanpin ang pangalan niya sa social media pero wala naman akong matinong result na makita dahil hindi ko alam ang apilyedo niya. Hmm, 'di bale. Baka naman next time eh mapadalaw siya ulit. Kung tutuusin ako naman mismo 'di nagbigay ng contact details ko no'ng hinihingi niya no'ng nagdaan.
Mabilis lamang lumipas ang oras. Nagpaalam na ako sa aking mga ka-trabaho. Last duty ko na kasi ito ngayon. Maayos naman ang naging ganap. Si Julia lang naman ang may pagka-OA. Inaaya pa nga ako ng iba na kumain ng pares sa labas para man lang daw maging pa-despedida kaso ay ako na mismo ang tumanggi. Hindi naman sa kill joy ako, medyo pagod na rin kasi ako ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Bitten In Love (GL)
VampireMary Dorothy Clava is an ordinary girl struggling in living her life. It's as if the heavens have punished her for whatever she did on her past life. Struggling to live with her own expenses, Dorothy's willing to sacrifice her dignity to a job which...
