"Victoria, hija. Nakabisita ka na!" Galak na bungad sa amin ng isang babaeng sa palagay ko ay nasa 30's.
She's wearing a blue daster habang may hawak na walis tingting sa kamay. She looks gorgeous with her vibrant smile and wavy hair. Kulay tsokolate ang balat nito. She has this typical probinsyana beauty.
4pm na ng hapon. Kakababa lang namin sa van. Hapon ang flight namin pero umabot pa kami ng kinabukasan bago makarating dito because Madam was busy running some errands na hindi ko alam sa Cebu. She even booked a separate hotel room for us dahil kinabukasan pa talaga kami makakarating given the fact na hindi na kami makakaabot sa huling byahe ng barko.
Although delayed I enjoyed it so much. First time kong makasakay ng barko. Hindi ko na nga inintindi kung paanong may sasakyan kami pagkalapag ng Cebu pero sa tingin ko ayos na lahat ni Madam. I took some photos from the ship. Habang si Madam busy sa kung sinong tumatawag sa cellphone niya. Minsan nga ay pinagtitinginan pa siya dahil siguro hindi rin nila maintindihan 'yung lengguwaheng lumalabas sa bibig nito. Hindi naman kasi bisaya. Bukod do'n mukha naman siyang foreigner.
She's leaning on the railings of the ship with the majestic view of the ocean as background. Hindi ko na napigilang magnakaw ng isang shot ng anggulo niya. She looks cute with her brows furrowed. May inaaway na naman yatang partner.
She raised her brow when she saw me at nag peace sign lang ako. Wala naman siyang pake after.
"Sino itong kasama mo?" The woman asked as she gave me a look and smiled.
"My assistant." She said boredly.
"Assistant? Naku! Magandang araw, hija. Ano'ng pangalan mo?"
"Dorothy po, magandang araw po." I answered shyly.
"Ako nga pala si Esmeralda. Puwede mo'kong tawaging Aling Isme. Tagapangalaga ako ng hacienda ni Victoria."
"Aling Isme? Parang hindi naman po bagay sa hitsura niyo." I said. Kasi totoo naman, she looks young.
"Naku! Bola ka pa. Ang edad ko ay mas matanda sa hitsura ko huwag ka mag-alala." She chuckled.
Napakunot ang noo ko. "Eh ilang taon na po ba kayo if okay lang po na tanungin?"
"Secret." She then winked.
"Kamusta ang hacienda, Isme?" Madam asked as she walked towards the gate.
Nasa labas pa lamang kami. The driver and some of her guards are carrying our stuff sa likuran. Sumunod lamang ako sa mga yapak ng dalawa.
May dalawang trabahador na nagbukas ng napakaliking gate. They greeted Madam Victoria and she just nodded.
Napakalaki ng area. Ang daming iba't-ibang klaseng puno at mga pananim. May mga nakikita pa'kong baka mula sa malayo.
"Dalawampung ektarya itong hacienda kasama na ang taniman ng tubuhan at pinya." Bulong ni Aling Isme sa gilid na siyang ikinagulat ko. Napasapo na lang ako ng aking dibdib.
Pa'nong ang bilis naman niya biglang makarating sa likuran?
"Bukas ay maaari kitang samahan para mag-ikot. Malapit na kasing lumubog ang araw kaya posibleng hindi mo na makita ang ganda ng lugar." ani ni Aling Isme. I gave her an awkward smile.
"Ayan na ang karo." nagulantang na lang ako sa tunog ng mga yapak ng kabayo mula sa likod. Fuck. Pa'no niya naman alam na may paparating mula sa likuran?
Madam Victoria looks unfazed with the sudden entrance.
"Pasensya na Madam at natagalan. May kinailangan lang ihatid sa kabilang bayan." anas ng lalaking nagmamaneho sa dalawang kulay brown na kabayo.
BINABASA MO ANG
Bitten In Love (GL)
General FictionMary Dorothy Clava is an ordinary girl struggling in living her life. It's as if the heavens have punished her for whatever she did on her past life. Struggling to live with her own expenses, Dorothy's willing to sacrifice her dignity to a job which...
