Chapter VI: Tall Dark and Handsome

225 10 0
                                        

Weeks have passed and I still haven't responded to Madam Victoria's offer. Ilang beses ko nang pinag-isipan ang tungkol sa offer na 'yon na kung tutuusin ay sapat na...ay mali, hihigit pa ang perang 'yon sa mga gastusin ko kada buwan.

Tapos na ang shift ko ngayon and I decided na magpunta sa merkado para bumili ng tusok-tusok. Ramdam ko na ang kalam ng aking sikmura matapos ang mahabang araw.

Nilakad ko lang 'yon dahil malapit lang naman. The area was very busy dahil uwian na ng mga galling sa trabaho.

Maraming namimili, namamalengke, at nagde-date sa bahagi ng food court. Sana all, when kaya? As I was looking at some couples I've realized kung gaano nga talaga ka-boring ang buhay ko. I mean it's nice to be alone but sometimes it's much better to have someone to be alone with.

Ang sarap siguro sa pakiramdam na tuwing uuwi ka ay may naghihintay sa'yo. That when you're restless and tired from work there's someone who's ready to open their arms wide for a hug. That when you cannot understand yourself, there's someone who's willing to be by your side despite of the deafening silence. That there's someone who's willing to be with the different versions of yourself may it be the person you've grown tired to become, the person you fumed with endless hopes and positivity, or the person you couldn't recognize any longer.

All these years gina-gaslight ko lang yata talaga na I'm a strong independent woman pero minsan ay nangungulila talaga ako sa atensyon, mga yakap, at halik-kimi. Pero totoo, I want to become someone's someone rin ano. Inaamin ko 'yon.

When kaya ako makakahanap ng lalaking mamahalin ako sa kung ano ako? Sana naman ay papi siya. Universe, kung nasaan man ang future husband ko sana ay i-guide niyo siya sa mabuting landas. I hope he's doing well right now. Baka hindi pa talaga ito ang tamang oras para sa amin.

I just chuckled after thinking about all of that random thoughts. Sa takbo ng ekonomiya at estado ng buhay ko ngayon may gana pa talaga akong humiling kay Lord ng lovelife?

Agad akong nagpunta sa stall ni Mang Erming. Masarap kasi ang mga paninda niya kaysa sa iba, lalo na sa sawsawan maarte kasi ako pagdating do'n.

Maraming nakapila pero pinilit kong makipagsiksikan. Nagalit pa ang isang babae sa'kin dahil nasanggi ko. Sorry po, tom jones na kasi.

"Mang Erming! Dalawang kwek-kwek tas isang-daang fishball," ani ko. Nang maaninag ako ni Mang Erming ay lumawak ang ngiti niya.

"Oh, Dorothy! Maghintay ka!" natatawang aniya. Napasimangot na lang ako.

Wala akong nagawa kun'di maghintay na matapos ang ibang customer. No, choice kun'di tiisin dahil may motto si Mang Erming na first come first serve. Hindi rin naman ito nagtagal. Nang mabigyan niya na ang iba ay nagsi-alisan na ang mga ito. Pero nagtataka ako bakit ang dami pa ring fishball at kikiam na nakasalang sa mantika.

"Manong, kanino 'yan? Dami ah? O hinahanda mo lang?" tanong ko pa.

"Kay ser yan," aniya sabay sulyap sa katabi ko.

I turned my head to take a look at someone beside me. Grabe na lang ang pagkamangha ko nang makita ang hitsura niya.

The man beside me is tall, kutis tsokolate, at may kulot at clean cut na buhok. His eyes are almond shaped in a hazelnut color. It's as if the gods had molded him in perfection together with his sharp jawline and fit figure. He's wearing a black slacks paired with a black lacoste polo. Naka eyeglasses rin at may cross piercing sa tenga.

He smiled at me.

He smiled at me?! Agh! Hindi ko naiwasang mapamulahan dahil sa hiya. Napansin niya na yata na tinitignan ko siya.

Bitten In Love (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon