Chapter X: Steak or Stake

187 8 6
                                        

Third Person's Point of View

"So what's with the sudden decision of having one?" tanong ni Astrid. Kasalukuyang nakatayo ang dalawang babae sa tapat ng malaking bintana ng opisina.

Bakas ang kuryosidad nito sa biglaang desisyon ng kaibigan na magkaroon ng P.A. Ilang beses na rin kasi niyang pinayuhan ito ngunit patay malisya lamang dahil ayon sa kaniya hindi naman niya kailangan. Marami na siyang tauhan sa kaniyang paligid ano pa nga ba ang silbi ng isang P.A sa buhay niya?

"Don't tell me you hired her para maging personal blood bag mo? Does she even know that you're...different?" she paused.

Still with a stern look the woman replied. "Oh, Astrid. You and your bullshits."

"Yeah right, sabagay if she really is she shouldn't be alive by now knowing how awful your awakening is. Pero I can't still take a grasp kung bakit siya ang napili mong kunin. The looks? I mean she's pretty pero medyo shy type kasi. I know you love the wild ones." anito sabay kindat. Pinagtaasan lang siya ng kilay ng babae.

She heaved a sigh. "She knows. Ah no, she knew. I just erased her memory of it."

"What? Really?! Why? Alam mong manipulating one's memory could greatly affect you. Ilang beses mong ginawa? Isang beses lang ba?"

Bakas ang sobrang pagkagulat sa mukha ni Astrid. Ang mga nilalang na katulad ng babae ay may abilidad na magmanipula ng memorya ng mga tao ngunit kaakibat rin nito ang pangamba sa katauhan nila.

Ang labis na pagkauhaw ay isa sa pangunahing epekto nito. Bagay na ayaw ni Victoria Feliz na isa sa pinagtatakha ni Astrid kung bakit ngayon ay parang wala siyang pakialam. Victoria Feliz is firm with her own principles.

Ngunit bakit nga ba nabali ang prinsipyong 'yon para sa babaeng hindi niya naman lubos na kakilala? Takot? Takot. Dahil sa takot na baka lubos na maapektuhan ang buhay ng babae kung malaman nito ang tunay na katauhan niya. Takot na hindi siya maging katanggap-tanggap. Takot na muling bumalot ang mga pangyayari sa nakaraan.

"Thrice I guess?"

"What the hell, Vicky?!"

"Stop calling me that. You're over reacting." The woman said as she loosened the collar of her shirt.

"Bruh, I am not over reacting. You know how bad it'll be if you go rabid. Akala ko ba ayaw mong mangyari 'yon? The reason why we're partnering for a research right? And here you are just throwing all your ability shits for that woman. We still have a long way ahead so I hope you're not enjoying pretending human too much till it's successful."

The woman scoffed. "I can't believe I'll hear those words come out of your mouth knowing that you didn't even agree on that idea at first."

Limampung taon na ang nakakalipas nang maging magkaibigan si Astrid at Victoria. Sa mga taon na 'yon madalas na dahilan lang ng pagkikita nila ay patungkol sa pag-aaral. Astrid came from a family of well-known healers kaya ang kaalaman nito ay isang malaking tulog para kay Victoria.

"Because I couldn't understand why you want to feel human! You can just accept it as it is. Bruh, a lot of people would envy- even us witches do. Your clan is strong and powerful. Why would you give up on that?" Sunod-sunod na anas ng babae.

"Do you think I enjoy the torment this eternal damnation brings? Sa tingin mo ba gusto kong gumising at mabuhay sa paulit-ulit na gawain? Drooling over other people's blood? My existence? The clan? Everyone around? I hated all of it." Sunod-sunod man ang pagkakasabi the woman still answered her calm and composed.

Bitten In Love (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon