The following weeks went by smoothly. Hindi na namin napag-usapan ni Madam ang nangyari noong gabing 'yon. Bukod sa hindi naman niya brining-up pa ay wala na rin naman akong balak na pag-usapan ang tungkol dito. If she's gay it's not a big deal. It's her personal life and she's my boss I shouldn't delve deeper into it.
Lumipas ang mga araw na medyo naging busy kaming dalawa sa mga agenda niya sa buhay. The last time we went to Tagaytay para sa isang meeting tapos no'ng nakaraan naman ay nagpunta kami ng BGC at Ayala pero hindi ko naman siya kasama dahil si Carmela at ang ibang mga tauhan ang kasama ko. Most of the time ay nasa office building niya kami doing some paper works. Kapag naman nag-oout of the country siya which would only last for two to three days ay nagzu-zoom call kami minsan just to address ang mga trabahong iniiwan niya sa akin.
I'm quite enjoying it seriously. Pakiramdam ko kasi tumatalino ako. I've learned a lot of things under her care. Dati ay takot na takot akong humawak ng laptop dahil baka may mapindot akong mali. Nung senior high school naman kasi palagi lang naka-lock ang computer lab ng school namin kasi baka masira raw sabi ng principal. Edi anong silbi ng computer do'n display?
She bought me a personal laptop. Mukhang 'yun pa ng ang latest macbook ng apple, she got me a new phone too. I told her na ibawas na lang sana sa su-suwelduhin ko ang gagastusin niya pero she told me that it's fine since it's for work. Naka Iphone 16 pro max 1TB White Titanium tuloy ako ngayon hays.
I'm thankful. Kung tutuusin hindi niya naman kailangan bumili ng latest na model. Keri pa naman ng Realme C11 ko, humihinga pa siya. Wala akong balak na iwan dahil bigay at pinag-ipunan namin 'yon ni lola.
Working for Victoria Feliz helped me with my growth. I learned a lot of new skills and I'm still continuing to learn more. Although sometimes, lagi siyang highblood sa ibang tao at akala mong araw-araw nireregla siya ay oks lang. Medyo nahahasa rin ang english ko kasi minsan lang mag-tagalog si Madam pag trippings niya. Medyo humaba rin konti ang pasensiya ko kasi once in a blue moon mabait siya kapag umaayon sa kaniya ang mundo. Sana palagi.
I pressed the send button when I finally finished typing an email for her clients. The hotel's anniversary would be held in three days. I was assigned to deliver invitations to some people through email, although may physical copy naman ng invitation ang sabi niya ay mag-send pa rin ako ng email for them. Wala na rin naman akong reklamo dahil parte naman ito ng trabaho ko.
I'm currently here in her office. Wala si Madam ngayon at nasa isang overseas agenda at bukas pa ang dating. It's 11:32 am in the morning at malapit nang mag lunch. Hindi ko alam kung bababa pa ba ako or magpapa-deliver na lang ng makakain. Pero wala pa naman kasi akong suweldo kaya tipid-tipid na lang muna siguro noh? May canteen naman sa baba for the employees which is free naman.
Agad akong napabalikwas sa gulat nang biglang mag-ring ang phone ko. I grabbed my phone on the table to check who it might be. Tawag 'yon mula kay Trisha. I pressed the green button to answer the call.
"Hello, beh? Bakit?" I answered.
"Anong bakit? Ang laki na ng utang mo sa'kin. Kala ko ba lalabas tayo?" may halong pagtatampo sa tono niya.
Oo nga pala I promised her na lalabas kami sa free time ko. Ang kaso wala naman akong free time, teh. Juskolord pa'no ba naman kasi kahit weekends minsan may meeting si Madam akala ko pa naman wala talagang ganap sa mga panahon na 'yan.
After a few days of staying sa villa ni Madam hindi nagmintis sa pagtawag si Trisha asking if I was doing fine, kung kinakawawa ba ako rito, if I feel comfortable staying sa villa. Sobrang concerned niya akala mo naman siya nagpa-dede sa'kin no'ng sanggol ako eh wala naman na akong nanay. I just re-assured her that I was fine and doing well. As much as possible ayoko talagang nag-aalala siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Bitten In Love (GL)
VampireMary Dorothy Clava is an ordinary girl struggling in living her life. It's as if the heavens have punished her for whatever she did on her past life. Struggling to live with her own expenses, Dorothy's willing to sacrifice her dignity to a job which...
