02

6.6K 138 14
                                    

It's been what? A week since i transferred and today is the first day of classes.

I mean first day ko sa school ni kuya.

Baka makahanap pa ako ng friend do'n! Well, hopefully!

Some people find me weird in some... reason. I just asked someone if he wanted to do bj with me. A 13 years old told me it was buko juice.

Tinawag nya akong bastos at bayaran. What was that supposed to mean? I don't even work! Bakit nya ako babayaran?

"Sophia! Halika na!" Narinig kong sigaw ni kuya kaya't nagmadali na akong bumaba. I'm wearing a pink dress, above the knees.

Kuya told me it was okay if mag susuot ako ng ganto dahil wala pa naman daw akong uniform.

Pumasok na ako sa kotse ni kuya at sa passenger seat sumakay. While we're on our way to school he kept on reminding me of things.

"Wag kang sasama sa mga hindi mo kilala, lalo na kapag lalaki." I just nodded as a response. Alam ko naman yun.

"I know that." Hirit ko.

"It's good you know." Hirit nya pabalik.

"Ako dapat ang kasabay mo mag lunch mamaya ha?" Tanong nya pa.

"Of course, kuya! Ikaw lang naman ang kilala ko do'n!" I said then chuckled.

"Who knows? You might find some friends there." Ani nya kaya nagpilit ako ng ngiti sakanya.

"Sana lang ay hindi sila ma-wirdohan sakin!" Pabiro kong sabi at nagpilit ng tawa.

Kung ano ano pang paalala ang sinabi nya sakin hanggang sa makarating na kami sa university nila. I was right! It's so big!

"Hintayin mo ako sa main gate, mag pa-park lang." Sabi ni kuya kaya tumango nalang ako.

Papunta na sana ako sa main gate na sinasabi ni kuya nang may makabunggo sakin.

"Oh, I'm sorry I didn't see you-" Naputol ang sasabihin nya nang mapatingin sya sakin. Tinignan ko sya ng nagtataka dahil bigla syang huminto sa pagsasalita. "there..."

"Oh no, It's okay! Nakatayo din kasi ako sa gitna at nakaharang sa daan." Nakangiti kong ani habang kinakaway ang kamay ko sa ere.

Tumabi na ako sa gilid para bigyan sya ng daan nang makitang nakatulala lang itong nakatitig sakin. Nangunot ang nuo ko nagpitik ng daliri sa harap ng mukha nya.

"Hey? Okay ka lang?" Parang nabalik sya bigla sa ulirat nya dahil sa tanong ko.

"Y-yeah, I'm sorry. Are you new? Ngayon lang kasi kita nakita dito." Sabi nya kaya napangiti ako.

"Yes! I just transferred." Nakangiti ko pa ring ani. Tumikhim sya bago mag salita ulit.

"Gusto mo i-tour kita?" Sabi nya at napahawak sa batok na parang nahihiya.

Napanguso ako dahil sa tanong nya.

"No, you can't. I have my kuya with me, eh." Sabi ko, maikling nagpapaliwanag.

Tumango nalang sya at naglahad ng kamay.

"Brix Montenegro. You?" Kinuha ko ang kamay nya at nakipag-shake hands.

"Elena Sophia Celeste." Pagpapakilala ko sa aking sarili. Nangunot ang nuo nya dahil sa narinig.

"Celeste? Kaano-ano mo si Jay?"

"Kuya nya. Bakit?" Nagulat ako nang may mag salita sa likod ko at pag tingin ko dito ay nakitang si kuya ito.

Agad kong binawi ang kamay ko kaya't nakangunot ( si kuya ) ang nuo nyang napatingin sakin.

"Oh... Didn't know that." Sabi ni Brix.

"Of course you don't. Kailan ka pa ba nag karoon ng interest sa buhay ko? Aren't we rivals?" Nangunot naman ang nuo ko sa sinai ni kuya.

Hinila ko ang dulo ng laylayan ng damit ni kuya kaya't napatingin sya sakin.

Tinignan ko sya ng nangungusap kong mata. "Let's go, please...?" I asked making my voice as sweet as possible.

Marahan syang bumuntong hininga at tinignan nya si Brix.

"Don't you mess with my sister, fucker." Huling ani ni kuya bago ako hinila gamit ang braso at dinala na sa loob.

"I told you, wag kang lalapit sa mga lalaking di mo kilala." Sabi nya habang nakasimangot.

"Hindi ko naman sya nilapitan, ah! I bumped to him!" Sabi ko at tinignan sya habang nakanguso. Hila-hila nya padin ang braso ko kaya't pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Jay! Bro!" Narinig kong tawag nila kay kuya.

Huminto kami sa paglalakad at nilingon ni kuya yung tumawag sakanya. Lumingon din ako at nakitang puro lalaki ito.

Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin dahil alam kong overprotective si kuya, magagalit sakin yan kapag nakitang may tinitignan akong boys.

Napatingin ako kay kuya at nakitang naniningkit ang mata nitong nakatingin sakin kaya ipinakita ko sakanya ang puppy eyes ko.

"Hi dude!" Bati pa ulit nila kay kuya. Naramdaman kong nag fist bump sila dahil nadala pa ni kuya ang wrist ko doon.

"Ouch!" Ngalngal ko nang maipit nila ng onti ang balat ko.

Napatingin sila sakin at nanlaki ang matang napatingin kay kuya.

"Bro! Sino 'yang kasama mo? Ipakilala mo naman kami!" Narinig kong sabi ng kung sino man sa kanila.

"Not now, Jace." Rinig kong sabi ni kuya at tinabi ako sakanya.

Inabutan ako ni kuya ng facemask kaya napatingin ako sakanya ng kataka-taka. What is this for? Wala naman akong sakit.

"Wow naman! Protective kuya!" Sabi ni... Nevermind, hindi ko kilala nagsabi nun.

"Kuya para saan 'to? Wala naman akong sakit ah." Ani ko at ngumuso. Sinundan iyon ng tingin nung mga lalaki kaya nailang ako.

"Just wear it. Go away now! Stop lusting over my sister, assholes!" Asik ni kuya.

"Sige na nga! Hahanap nalang ako ng makakadate... sa kama!" Pabirong sabi nung isa at nag tawanan naman yung mga kasama nya.

Nangunot ang nuo ko dahil sa narinig. Date sa kama? Bakit sa kama sila mag de-date?

Tumatawang umalis yung mga kausap ni kuya kanina at nagpaalam pa sila sakin.

"Kuya bakit sa kama sila mag de-date?" Tanong ko habang hila-hila nya na ako papasok sa university.

Nang tumingin ako sakanya ay nakita ko ang bahagyang pag laki ng mga mata nya at parang nag iisip ng sasabihin sakin.

"Wag mo nang isipin yun. Walang magandang maidudulot sa'yo yun." Kuya said, dismissing me.

I just pouted and shrugged my shoulders. Napatingin pa sya sakin at mahinang napatawa.

.
.
.
.
.

<3

Captivated by the Basketball Captain. Where stories live. Discover now