Damn! Nalalasap ko na ang mainit at mabahong hangin ng Pilipinas. Nakauwi na nga ako!
Kasunod ko naman ang isang tanga na naka jacket at may t-shirt pa sa loob.
“Fuck, ang init pala dito.” Reklamo nya nang makalapit sya sakin. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil nga syempre, mukhang Amerikano tong kasama ko.
“Mag kaiba ang Pilipinas sa America, Chase.” Sabi ko at naunang nag lakad. Dala nya ang mga baggage namin.
Nag aantay ako ngayon ng taxi at tamang tama nang may lumapit samin.
“Put it at the back of the car.” Utos ko kay Chase. Tinulungan naman sya ni kuyang driver at nang matapos sila ay pumasok na kami sa taxi.
Buti nalang at aircon ang mga taxi, pero mainit pa din.
“Ah... Where... Where are you Ma'am, Sir?” Nahihirapang sabi ni kuya driver kaya mahina akong tumawa habang si Chase ay humahalakhak na.
“Kuya, nakakapagsalita po kami ng tagalog.” Saad ko para hindi na sya mahirapan.
“Ay, ganon po ba. Saan po tayo patungo ma'am?” Nahihiyang tanong ni kuya. Tumatawa pa rin si Chase kaya kinurot ko sya sa tagiliran para manahimik.
“Manila po kuya.” Sabi ko at ngumiti. Tumango naman si kuya at nag simula nang mag drive papunta sa Manila.
Susunduin kami ng driver namin do'n.
Malapit lang naman ang Airport sa Manila kaya hindi na kami nag tagal at nakarating agad doon.
“How much po?” Tanong ko habang kinukuha ang wallet ko.
“Ah, 300 ma'am.” Sabi ni kuya. Dumukot ako ng 500 at ibinigay ito sakanya.
“Keep the change po kuya.” Sabi ko at ngumiti. Nakuha naman na ni Chase yung baggage namin, eh.
“Naku! Salamat po ma'am!” Ani kuya at bahagya pang yumuko.
Umalis na si kuyang taxi driver at yung driver naman namin sa bahay ang pumalit.
Nang makarating kami sa bahay ay mga katulong ang nag dala ng gamit namin.
Pag pasok ko palang sa loob ay nakapatay ang ilaw kaya hinila ako ni Chase at isinandal sa pader.
“Gustong gusto na kitang halikan kanina pa, Lena...” Bulong nya tapos hinalikan na ako. Ibinuka ko ang bibig ko at hinalikan sya pabalik.
Hinawakan ko sya sa leeg at ipinagdiinan ang mukha nya sa mukha ko para mas lalong lumalim ang halikan namin hanggang sa—
“Surprise!—”
Nanlaki ang mata ko at itinulak si Chase kaya natigil ang halikan namin. Nakita kong nabuksan na ang ilaw at nakita ko na rin ang mga taong isu-surpresa dapat ako.
Si Sam, Sunny, Shine, Rain, Zane, Troy, at si Gab na nakangangang nakatingin samin.
Si kuya ay napapailing nalang.
“Hi, guys! I missed you all!” Sabi ko at lumapit sakanila na nakatulala pa rin sakin at nakanganga.
Iniwan ko si Chase do'n na nakatayo at lumapit sakanila para mag group hug.
“Bakit ganyan suot mo?!” Panimula ni Sam at tinignan ako gamit ang nanlalaki nyang mata.
Tinignan ko rin ang sarili ko. Nakasuot ako ng dress na itim, backless at hapit na hapit sa katawan ko. Pero nakasuot din naman ako ng jacket na croptop.
“Anong meron sa suot ko?” Sabi ko pa.
“Nasaan ang Lenlen namin?!” Nag hi-hysterical na tanong ni Shine at niyugyog ang balikat ko.
YOU ARE READING
Captivated by the Basketball Captain.
RomanceElena Sophia, a sweet, nice, and innocent girl. She's a head turner, a girl that every guy would want. She experienced bullying at her former school so she had to transfer. On the other hand, Klyde, the basketball captain is very different from her...