12

4.5K 108 7
                                    

I'm here at my room resting cause this day is so tiring for me. Natapos ko na din sagutan ang mga papeles na ibinigay ng Dean sakin, ipapasa ko nalang bukas.

Habang nag s-scroll ako sa Instagram ko ay naisipan kong mag picture upang may malagay sa story ko.

Tumayo ako para mag lagay ng lipgloss at onting powder sa mukha para sana mag mukha akong presentable kahit nasa bahay lang.

Nang makapaglagay na ay bumalik ako sa pagkakahiga at at pumwesto ng gusto kong pose.

Nakailang take ako kaso hindi ako makapili dahil feeling ko ang pangit ko sa mga pictures.

“Ito na nga lang.” Bulong ko sa sarili at pinili ang picture na nakahiga ako sa kama ko, nakapang kiss na pose at naka peace.

Nilagay ko ito sa aking IG story at nag lagay ng caption na ‘Sweet dreams!’.

Pinost ko na ito at maya maya ay tumunog ang cellphone ko.

shining.shimmering :

Wow! Mas sweet pa sa asukal ang dreams ko kung ito ang makikita ko bago matulog!

I giggled at Shine's response and typed my reply.

elenasocute :

Just sleep, Shine. See you tom!

Sinend ko na ito sakanya at hineart react nya naman ito.

May nag chat pa ulit sakin at nakitang si Sunny naman.

arawngbuhaymo :

So cute ng Lenlen namin!

No! My goal is to be pretty and not cute!

elenasocute :

Itulog mo 'yan, Sunny.

Tumunog nanaman ang cellphone ko at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.

Klyde.bnvtr :

:)

What was that?!

Pinindot ko ang pa ang profile nya para masigurado kung sya nga talaga ito, at approved!

Sya nga ito!

Pero bakit nya sya nag reply ng smiley face sa story ko?

elenasocute :

What's that, kuya Klyde?

Hmm... Ano kayang ire-reply nya?

Wala pang isang minuto ay na-seen nya na ito! Nakita kong may nag pop-up na 3 dots, hudyat na nag ta-type sya.

Maya maya ay nawala yung 3 dots kaya nag taka ako. Pinindot ko yung conversation namin para makita kung may sinend ba sya o wala.

Nang wala naman akong makita ay in-exit ko ang conversation namin at nag scroll nalang ulit sa Instagram.

1 message.

Tinignan ko kung sino ito at nakitang si Sam yung nag chat.

Summer_28 :

Matulog ka na.

I giggled at what she sent me. Nagiging kapareho nya na talaga si kuya!

Captivated by the Basketball Captain. Where stories live. Discover now