Tapos na ang klase ko at andito nalang ako ngayon sa tapat ng classroom ni Sam dahil mag papasama ako sakanya sa Dean's office.
Hindi ko alam kung bakit pero pinapatawag nya daw ako.
Habang nag hihintay ay may mga bumabati sakin na ibang students, higher levels o yung mga kagaya ko lang na freshman.
“Hi, Elena.” Sabi ng isang babae na hindi ko kilala pero familiar sya sakin. Feeling ko nakita ko na sya.
“Hello po...” I softly said then smiled at her.
“Girl, I told you she's nice.” Narinig kong sabi nung babae kanina sa kasama nya habang naglalakad na sila palayo.
“Elena! Pwede mag pa picture? Ang ganda mo kasi, eh!” A group of boys came to me. Medyo nailang pa ako dahil hindi ako sanay na napapaligiran ng mga... lalaki.
“O-okay po...” Sabi ko at kinuha na nung isang lalaki yung phone nya.
After namin mag picture ay nag pasalamat sila sakin at umalis na. I love the environment here.
Narinig ko na ang tunog ng bell, hudyat na tapos na ang mga klase.
Nakita ko din na nagsimula nang mag labasan ang mga students sa room nila Sam.
Yung ibang students ay kinakawayan at nginingitian pa ako.
Nang hindi na masyadong traffic sa may pinto nila ay napagdesisyonan kong pumasok muna sa room nila.
Nang makapasok ako ay nakita ko ang teacher doon na nag aayos ng gamit kaya binati ko muna sya.
“Good afternoon po...” Sabi ko at nginitian si Ma'am.
Naagaw ko din ang atensyon ng ibang estudyante dahil napatingin sila sakin.
Nginitian ako pabalik ni Ma'am tsaka lumabas. Nang makita ko si Sam sa pinaka dulo ay agad ko syang nilapitan.
“Psst! Sam...” Pang aagaw ko sa atensyon nya. Nag aayos kasi sya ng gamit.
Sinundot sundot ko pa ang tagiliran nya para lang pansinin nya ako pero wala pala syang kiliti do'n!
“Sam!” Medyo napalakas kong sabi kaya napatingin na sya sakin.
“Samahan mo ako sa Dean's office, please...” I asked her a favor and then showed her my puppy eyes.
Bumuntong hininga naman sya at walang magawa kundi tumango.
“Tapos sunod nalang tayo sa gym!” Sabi ko pa. I'm patiently waiting for her here.
Tinanguan nya lang ako at nang maayos nya na ang gamit nya ay inakbayan nya ako at sinabayan sa paglalakad.
“Anong gagawin mo sa Dean's office?” Curious nyang tanong. Hindi ko din alam kung bakit ako pinatawag dun so I just shrugged.
“I don't know either. Let's just hope it's not something bad.” Sabi ko at mahinang tumawa.
Narinig ko ding napatawa sya ng mahina dahil sa sinabi ko kaya nakangiti nalang ako habang nag lalakad.
“Are you flexing your dimples or you're just genuinely happy?” Tanong nya na naging dahilan ng pag lingon ko sakanya.
“I am genuinely happy, what are talking about?” I asked her. I then jokingly raised a brow on her.
“Nothing. Your dimples looks cute, tho.” She said then pinched my cheeks.
I giggled again. Puro lang ako tawa hanggang sa makarating na kami sa Dean's office.
“Gusto mo sumama sa loob o wag na?” Tanong ko sakanya, sana mag oo sya.
“Kaya mo ba mag isa d'yan? Baka naman himatayin ka.” Sabi nya kaya napanguso ako at umiling.
YOU ARE READING
Captivated by the Basketball Captain.
RomanceElena Sophia, a sweet, nice, and innocent girl. She's a head turner, a girl that every guy would want. She experienced bullying at her former school so she had to transfer. On the other hand, Klyde, the basketball captain is very different from her...