Habang nasa sala ako at chill na nanonood ay pumasok ang nagmamadaling si Sam.
Mukha syang nag pa-panic at inilibot nya ang mukha nya hanggang tumigil ito sakin.
Lumapit sya sakin kaya nakita ko nang malapitan ang mukha nya. Umiiyak sya.
“E-Elena...” Tawag nya sakin. Umiiyak pa rin sya at nakikita kong nanginginig pa ang labi nya kaya nataranta din ako.
“Sam! Anong nangyari sayo?!” Natataranta kong tanong. Pasigaw na din ang tono ko dahil nag aalala na talaga ako sa lagay nya.
“Soph, ang Mommy at Daddy mo...” Umiiyak nyang sabi. Lalo akong kinabahan nang banggitin nya sila Mommy.
3 days ko na silang hindi nakikita kaya naman nag aalala talaga ako.
“Oh, anong nangyari?!” I asked. Gusto kong sagutin nya ako ng diretso.
“C-car accident... Sila Tita... Malala daw ang lagay nila...” Putol putol nyang sabi.
Nanghina ako dahil sa sinabi nya at nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko.
“Nasa'n sila?” Mahina kong tanong dahil umiiyak na rin ako kasama nya. Hinang hina na ako.
Kung ito yung kapalit ng mga masasayang ginawa namin ni Klyde, sana hindi ko na pala tinuloy.
“Sumama ka sakin, Soph...” Humihikbi nyang sabi. Tumango ako sakanya. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko para kunin ang cellphone at wallet ko.
Nag suot na din ako ng over sized hoodie kasi gabi na.
Lumabas na ako at bumaba, andon pa rin si Sam na may katawagan sa cellphone nya.
“Oo, papunta na kami...” Mahina nyang sabi. I assumed it's because she just stopped crying.
Nang nakita nya ako ay nagmamadali nyang pinatay ang tawag at tumayo na. Nauna sya sa sasakyan kaya sumunod ako.
Sumakay na ako sa passenger seat at sya naman sa driver's seat.
Habang nag d-drive sya ay hindi talaga ako mapakali kaya tinry kong tawagan sila Sunny.
Naka ilang ring na pero wala pa ding sumasagot. Tinawagan ko rin sila Shine pero kahit sila, unreachable.
“Si kuya pala? Okay lang ba sya?” Medyo paos kong tanong kasi yung sa sipon.
Saglit syang tumingin sakin at tumingin ulit sa daan. Maliit syang tumango.
“Oo... Hindi kagaya kila Tita na malala talaga...“ Ani nya. Madiin kong kinagat ang labi ko.
Nagkalikot pa ako sa cellphone ko para sana tawagan si Klyde at sabihing wala ako sa bahay. Nag ring ito ng tatlong beses pero pinatay nya din agad.
Nangunot ang nuo ko.
09********* :
Where are you? Answer my calls.
Text ko sakanya. Hindi nya ito si-neen kaya pinatay ko na ang phone ko.
Puro ako buntong hininga dahil hindi talaga ako mapakali. Kinakabahan ako sa kalagayan ng parents ko, maging kay kuya.
Napatingin ako kay Sam nang hawakan nito ang kamay ko. She gave me a reassuring smile so I smiled back.
Hindi ko alam na sa Batangas pala ang pupuntahan namin. Akala ko malapit lang.
Nag taka pa ako nung hindi kami huminto sa isang ospital malapit sa bahay namin at dinaanan lang ito.
Triny ko pang tawagan ulit si Klyde pero gaya kanina, nag ring lang ng tatlong beses at pinatay nya na ito.
YOU ARE READING
Captivated by the Basketball Captain.
Roman d'amourElena Sophia, a sweet, nice, and innocent girl. She's a head turner, a girl that every guy would want. She experienced bullying at her former school so she had to transfer. On the other hand, Klyde, the basketball captain is very different from her...