Andito ako ngayon sa garden ng school nakatambay dahil wala pa naman akong klase. Hiniram ko din ang gitara ni kuya para may mapagkaabalahan ako.“Hmm...” I softly muttered while running my fingers through the wires of the guitar.
Nag patugtog din ako ng iba at nag search din ako ng chords ng ibang song para aralin.
“Ang hirap naman...” Bulong ko habang tinitignan ang mga chords sa cellphone ko.
“Need a help?” Nagulat ako nang makarinig ng malamig, malalim at panglalaking boses.
Lumingon ako sa pinang galingan ng boses at nakitang si kuya Klyde ito.
Umupo sya sa tabi ko at tumingin lang sa mukha ko. Maliit akong ngumiti sakanya at kumaway pero nanatili ang walang emosyon nyang mukha na nakatingin sakin.
“H-hi... po...” Mahinang sabi ko. Hindi ko pa alam kung isasama ko yung ‘po’ or hindi na.
Naku! Lagot ako nito kay kuya kapag nalaman nyang may kasama akong lalaki at kaming dalawa lang dito!
Lumayo ako nang onti sakanya kaya tinaasan nya ako ng kilay.
“Why?” He asked. Pogi sya nung last na kita ko sakanya pero sa tingin ko ay mas pogi sya ngayon!
Umiling lang ako sakanya at tumingin ulit sa cellphone ko. Napansin kong nilapit nya ang ulo nya sa gilid ko para siguro tignan ang cellphone ko.
Nag scroll pa ako nang nag scroll sa google para sa madadaling chords nang marinig ko syang mag salita.
“I can teach you.” Narinig kong ani nya.
Nang lumingon ako sa gawi nya ay ganon nalang ang paglaki ng mata ko nang makitang sobrang lapit ng mukha nito sakin!
Mag ka-dikit na nga ang ilong namin pero hindi pa rin sya umiiwas at tinitignan pa ako sa mata.
“K-kuya Klyde...” Bulong ko. Hindi ko na nakaya ang bigat nang mga titig nya kaya umiwas na ako ng tingin.
“Kuya?” From my peripheral vision, I saw him frown.
Napatingin ulit ako sakanya but this time, inusog ko na palayo ang mukha ko.
Tumango ako at ngumiti. “Opo! Nalaman kong mas matanda ka sakin kaya kuya kita.” Sabi ko.
He just stared at me with no emotions on his face but I saw his eyes soften.
“You're interested in me?” He asked, expecting me to say yes.
“I'm interested in all of you.” I said, correcting him.
Nakita ko ang disappointed na emosyon sa mukha nya kaya kumunot ang nuo ko.
“Bakit po? Ayaw mo ba na inaalam ko ang mga ganong bagay? Sorry...” I said sincerely. I looked at him and pouted.
“Hindi naman sa ganon.” Malamig nyang sabi. Tumango nalang ako sakanya.
Tumayo na ako at nakita kong sinundan nya ako ng tingin. Ngumiti ako ng maliit sakanya at isinabit na ang strap ng gitara ko sa aking balikat.
“Mauuna na po ako.” Sabi ko at tumalikod na. Nagulat ako nang hulihin nya ang kamay ko.
Napansin kong napatayo na rin sya at nakatingin lang sakin.
Lumingon ako sakanya at lumaki ang mata nang hilahin nya ako palapit.
“I don't know what you're doing to me but I love the way you do it.” Sabi nya at umalis na.
‘A-anong ibig nyang sabihin?” Tanong ko sa isip.
He really is a weirdo.
YOU ARE READING
Captivated by the Basketball Captain.
RomanceElena Sophia, a sweet, nice, and innocent girl. She's a head turner, a girl that every guy would want. She experienced bullying at her former school so she had to transfer. On the other hand, Klyde, the basketball captain is very different from her...