As I was getting food at the fridge nakaramdam ako ng masamang presensya sa likod ko.
Nang matapos akong kumuha ay umayos na ako ng tayo at humarap sa taong ito.
Si Zane.
Tama ang instincts ko, masama nga.
“Oh? Ginagawa mo dito?” Tanong ko sakanya at tinaasan sya ng kilay.
“You really did changed.” Sabi nya na parang may ginawa akong masama.
“Masaya ako sa naging pagbabago ko.” Ani ko. Bumuntong hininga sya dahil wala naman syang magagawa. Desisyon ko 'to.
“At least masaya ka, okay na samin yun.” Sabi nya at ngumiti ng maliit.
“Kumusta ka naman sa States?” He asked. Sumubo ako ng isang strawberry at nilunok muna bago ako sumagot sakanya.
That's the only thing that didn't changed, my love for strawberries.
“Ayos lang. Mas better kesa dito sa Pilipinas.” I said then shrugged my shoulders.
“Eh kayo? Kumusta?” Pangbabalik kong tanong.
“Ayos din.” Saad nya kaya tumango naman ako.
“May plano ka pa bang bumalik sa States?” He asked again. I looked up, thinking.
“As for now, yes meron. Pero kung sakaling ma-enjoy ko ang presensya nyo, who knows I might stay.” Sabi ko at nagkibit balikat.
“Kumusta love life?” Hindi talaga sya titigil sa kakatanong, damn.
“Hindi ka nauubusan ng tanong, 'no?” I jokingly asked.
Hinawakan nya ang batok nya at tumingin sakin.
“What do you expect? Hindi tayo magkakasama for the past 5 years.” Isang beses ay dinalaw nila ako sa States, nung kakalipat palang namin.
“Hmm... Walang love life, pero masaya.” Sabi ko at pinatunog ang daliri ko.
Kinuha ko yung Nutella sa gilid ng table at kumuha ng strawberry. Isinawsaw ko ying strawberry dun bago sinubo. Sarap talaga!
“Pero may plano ka pa?” He kept on asking me! Hindi ba sya marunong makiramdam na ayaw ko ng ganitong topic?!
“Fuck love, masama yan sa kalusugan.” Sabi ko at tumawa bago sumubo ulit ng strawberry.
“Kami na ni Rain—” Naputol ang sasabihin nya nang mabilaukan ako.
“Tubig!” Sigaw ko at natatarantang kumuha naman sya ng tubig.
“Ayos ka lang? Ano?” He asked while still struggling.
“Putang—” Agad akong napatakip sa bibig ko bago pa ako makapagmura.
“You and Rain?!” Hindi makapaniwala kong tanong.
“Yes.” Sabi nya at tumango tango pa.
“How?! Hindi nga kayo magkasundo dati!” Sabi ko at nag takip ulit ng bibig, gulat na gulat.
“Nalaman naming gusto namin ang isa't isa then boom!” Sabi nya at itinaas ang dalawang hintuturo at ipinagdikit.
“Wow, I didn't expect that.” Namamangha ko pa ring sabi. Hindi lang talaga ma proseso ng utak ko.
Matunog syang ngumisi.
“Zane tumira ng tres, Ulan na pa yes!” Sabi nya at nag kunwari pang may dini-dribble na bola.
Tumawa ako at pumalakpak! Sila na! Sila ang nag katuloyan!
“Sana all!” Sigaw ko habang pumapalakpak pa rin.
YOU ARE READING
Captivated by the Basketball Captain.
RomanceElena Sophia, a sweet, nice, and innocent girl. She's a head turner, a girl that every guy would want. She experienced bullying at her former school so she had to transfer. On the other hand, Klyde, the basketball captain is very different from her...