Nang galing na sa bahay si Chase and guess what? Daddy liked him!
Sabi nya kay Chase, dapat daw lagi nya akong babantayan. Wow talaga.
Tapos itong si Chase naman ay todo brag na nagustuhan nga daw sya ni Daddy tapos dapat daw maging kami na. Alam ko namang joke lang 'yon pero nakakainis!
Edi si Daddy yung ligawan nya!
Nasa mall kami dahil nag pasama ako sakanya mag shopping.
“Sama nalang kaya ako sa Pilipinas? Wala naman akong ginagawa dito, eh.” Sabi nya sakin.
“Sasama ka kasi ando'n ako?” Kumunot ang nuo ko nang mapatingin sakanya.
“Uy, hindi ah. Masama ba umuwi sa hometown ko.” Sabi nya at humagikgik. Inirapan ko nalang sya.
Kakatapos lang namin kumain at naglalakad na kami ngayon papunta sa kotse nya nang hilahin nya ako at isandal sa isang kotse.
Agad nya akong sinunggaban ng halik at hinalikan ko naman sya pabalik.
Maliit kong binuksan ang bibig ko para mabigyan sya ng access dito.
“Ang tamis talaga ng labi mo. Hindi kita nahalikan kanina eh.” Ani nya matapos naming mag halikan.
Nginisian ko sya. “Small thing.” Sabi ko then I flipped my hair.
Tinawanan nya ako at naglakad na ulit na parang walang nangyari. Siraulo rin 'to, eh.
Dire-diretso syang nag punta sa driver's seat at nilagay sa backseat yung mga pinamili ko.
Inilahad nya ang palad nya kaya nag taka ako.
“Ano? Maniningil ka?” Tanong ko. Nakakunot ang nuo nyang tumingin sakin.
“Stupid. Let me hold your hand.” Sabi nya kaya nuo ko naman ang kumunot.
“Bitch, God gave you two hands.” Sabi ko at inirapan sya. Tumingin na ako sa bintana at narinig ko naman ang mahinang tawa nya.
“Sungit amp.” Bulong nya pa pero narinig ko naman.
Inuwi nya na ako sa bahay dahil sabi ko gusto ko nang umuwi at tinulungan nya pa ako mag buhat ng mga pinamili.
Nakita sya ni Mommy kaya inaya pa syang mag stay for dessert pero pinaalis ko na sya.
“Mommy, look what I bought you!” Sabi ko at nag halungkat sa mga paper bag hanggang sa makita ko ang pink na Chanel bag.
Tumakbo ako palapit sakanila at inabot kay Mommy yung bag.
“Wow, it's so pretty! Thank you, anak!” Mommy kissed my nose so I giggled.
On the other hand, Daddy just shook his head.
Pera nya yung ginamit kong pambili, eh.
Umakyat na ako sa taas dala yung mga paper bags tapos inayos ko ito sa walk-in closet ko.
Naligo din ako after tapos nag suot ng sleeveless black na croptop tapos maikling short.
After that, humiga na ako sa kama ko at natulog. Hapon naman na eh, plus I'm tired.
Simula nung nag punta kami dito sa America, minsan minsan lang kami nakakapag usap ng mga kaibigan ko sa Pilipinas so excited na akong makita sila.
***
“Elena Sophia Celeste with Latin Honors!” Sabi nung MC sa stage kaya tumayo na ako kasama si Daddy.
Nag palakpakan ang mga tao habang naglalakad kami papunta sa stage.
YOU ARE READING
Captivated by the Basketball Captain.
RomanceElena Sophia, a sweet, nice, and innocent girl. She's a head turner, a girl that every guy would want. She experienced bullying at her former school so she had to transfer. On the other hand, Klyde, the basketball captain is very different from her...