Successful Plan

1.7K 64 5
                                    


[Leigh's POV]

Nahibang kaming lahat sa nangyari kagabi. Kakagising ko lang pero hindi pa din ako makapaniwala sa mga ginawa ni vince nung party. Bumangon ako at pumunta sa kwarto ni coco para gisingin siya for school. When I open the door, nakita ko na mahimbing na natutulog si coco habang yakap ni cass na may hawak na librong pambata.

Dahan dahan akong lumapit nang bigla kong nasanggi yung psp ni coco na nasa sideboard. Medyo malakas yung paghulog kaya nagising si cass. Dinampot ko yung psp as I spoke, "Hey."

Bumangon na siya habang nag iinat, "Good morning." She said, "Binasahan ko siya ng bedtime story kagabi, hindi raw kasi siya makatulog."

"Ah. Sinumpong nanaman siguro siya ng insomnia. Thank you cass, nagpuyat ka pa para sa kapatid ko."

She walk towards me and smiled, "You're always welcome leigh." tapos tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Ginising ko na din si coco para makapag ayos na.

Maliban sa pasabog ni vince, may isa pang sobrang ikinagulat ko kagabi. Tinuloy ko ang balak kong paghanap ng ebidensya sa bahay nila vince kaya nawala ako ng matagal sa party kagabi. Totoo yung sinabi ko kay cass na may nakaiwan ng wallet sa cr tapos hinabol ko hanggang garden pero di ko naabutan kasi sobrang dami ng nakaharang na tao sa daan. Hinagilap ko siya at napahinto ako nang makita ko si tita karen at yung babaeng nakaiwan ng wallet na nag uusap na sa pool side. Mukhang napakaseryoso ng usapan nila. Dahan dahan akong lumapit para makinig sa usapan nila. May puno kasing malaki sa gilid nila. Nilapit ko yung tenga ko para mas marinig ko ang pag uusap nila pero maingat ako sa bawat galaw kasi kapag nakita nila ako magtataka sila kung anong ginagawa ko.

"It's your son's birthday pero nakapang office suit ka." Sabi ng babae.

"This day is just a normal day." Tita karen said, "He's 27 pero gusto niya pa ng mga party na ganito. So immature of vince."

"Don't be harsh on him tita. He said earlier na may news daw siyang sasabihin bago matapos ang party. Nagtataka ako kung ano man yon."

"I don't have any idea. But whatever it is, panigurado hindi mahalaga yon."

"How's tito flyn?" Pag iiba niya sa usapan, "At hanggang kailan mo itatago sakanya ang katotohanang nagkaanak kayo ni tito henry?"

Nanlaki ang mata ko, Nagkaanak si tita karen(vince's mom) at si tito henry(cassidy's dad)? WHAT?!!!

"Shhh." Tita karen whispered, "I told you not to open up about that again."

"Sorry tita." She apologized, "But what if malaman ni tito flyn na totoong anak mo talaga si max? The worst part is matalik na kaibigan niya pa ang tunay na ama."

OH MY GOD. Magkapatid si max at cass. Tapos balak ipakasal ng parents nila si vince at cass? Hindi maaari dahil parang magkapatid na din silang dalawa dahil si max ay anak ng daddy ni cass at mommy ni vince. WHAT IS HAPPENIN!

It took a few seconds bago sumagot si tita karen. "He'll never know, depende na lang kung sasabihin mo. Ikaw at si henry lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ni max. Binaon na ni henry sa hukay ang sikreto na yun kasabay ng paglibing niya. Nakaplano na ang lahat, inaayos ko na din ang kasal ni vince at cass."

"You're very smart tita. You're using vince and cass to gain a lot of money from their wealth." She said raising her glass of wine, "Cheers!"

They walk together papunta sa loob. Naiwan ako ditong tulala pa din sa mga narinig ko. Mabilis akong tumakbo papuntang cr na dala pa din ang wallet ng babae kanina. I'm curious about her kaya binuksan ko yung wallet para malaman kung sino man siya. Sobrang daming cards, sa tingin ko mahalaga lahat yun. Tinignan ko yung isang ID, "Hazel Montes" I read.

Butterflies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon