Who is Kaye?

2.9K 108 7
                                    


[Cassidy's POV]

"Wow. Nag aral ka ba ng culinary?" I asked leigh.

Nasa mesa kami ngayon, I'm having dinner with attorney masungit and cutie coco. Naghanda siya ng masasarap na pagkain. At meron din ang favorite kong carbonara!

"No. Tinuruan ako ni mom since I was a kid." She said while putting plates on the table.

Pumunta siya sa ref para kumuha ng tubig, from her position na nakatingkayad habang inaabot sa freezer ang ice.. kitang kita ko ang makinis niyang legs dahil nakashort lang siya. I'm staring at her sexy body. Lumilipad ang imahinasyon ko.. I want to hold her waist and grab her in my arms then kiss her hard.

Pero naputol bigla ang pag iimagine ko ng biglang may nagdoorbell.

"Coco, tignan mo kung sino yun." Utos ni leighton sa kapatid niya.

Nagprisinta naman ako, "Ako na lang. Stay here coco." I command.

He nodded, tumingin lang naman si leighton sakin. Dumiretso na ko sa door..

Pagbukas ko, bumungad sakin ang isang magandang babae. Kaedaran ko din siguro. Medyo maliit lang ng kaunti sakin, curly hair with color of burgundy red and may dimples din like me.

"Hey." I said with confusion.

Magkasalubong ang dalawang kilay niya na nakatingin sakin, "Uhm. Who are you?" nagtatakang sabi niya.

Lumapit ako para mas magkausap kami ng maayos, "I'm cassidy, And you are?"

Inaangat niya yung ulo niya para sumilip sa loob ng apartment, parang may hinahanap siya.

"Miss, Are you looking for someone?" I asked.

Well ofcourse, this is not my house.

She stared at me, "Ikaw ba ang bago niyang girlfriend?" pataray na tanong niya.

Nagtaka naman ako bigla, "What? Girlfriend of who?"

Nakatitig pa din siya sakin, pero this time tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Ate kaye!!" Sigaw ni coco mula sa loob.

Lumapit naman bigla yung babae kay coco tsaka yumakap dito. "Coco! I missed you so much." sabay hinalikan niya ng marami si coco.

"What are you doing here kaye?" Lumapit si leighton kay coco para ilayo yung bata sa babae. "Coco, go to your room, Now!" nalulungkot naman na umakyat si coco sa kwarto niya.

"Leigh. Please, Di pa ba maliwanag sayo? Hiniling ng mommy mo yun sa akin. Maniwala ka naman sa akin na ginawa ko yun kasi mahal kita." Halos magmakaawa na yung babae.

Leigh spoke, "You should've told me about the letter before, Di ka dapat naniwala sa kanya. I can control my own life kaye. Tapos malalaman ko nagpakasal ka na sa iba. Nagsinungaling ka kaye! Kung pinaglaban mo ko sana di nangyari lahat ng 'to."

Gumigilid na yung luha ni leigh, halatang sobrang nasasaktan siya habang nagsasalita.

"Paano? Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa desisyon ko nung umalis ako leigh. Masakit din sakin yun pero all this time wala akong ibang minahal kundi ikaw."

Nanahimik lang siya, naghihintay ako ng isasagot niya pero nanatili siyang tahimik.

Lumapit na si kaye at hinawakan ang kamay ni leigh, "Baby, I'm sorry. I have to do that for your own good. Mas gugustuhin kong lumayo kaysa pilitin ka ng mommy mo tumira kasama ang daddy mo na nang iwan sa inyo."

Butterflies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon