Ending

1.5K 38 1
                                    

[Leigh's POV]

After several days, nagkanya kanya muna kami ng buhay.

Inayos ang isa't isa at binangon ang bawat sarili.

Nakatanggap kami lahat ng text mula kay cass after six months.

From cass:

It's my birthday. I'm inviting you to spend this wonderful day with me. Come, I'll have a party tonight.

I smiled knowing na okay na siya. After all that happened.

Tinapos ko agad lahat ng trabaho ko at dumiretso na sa party niya kasama si coco.

Ang bongga.

Sa mansion nila gaganapin ang party echos niya. Gusto niya daw kasi bongga.

Ang daming nakasabit na white and purple baloons. May isang malaking pool sa side then ang table ay iisa lang, for 8 seaters.

Akala ko party na maraming tao ang balak niya. For close friends lang pala.

Napansin kong nauna ako dumating. Si cass nag aayos pa ng iiihaw niya.

"Leigh!" Niyakap niya ako pagkakita niya.

"Coco" Mas mahigpit yakap niya sa bata, ang daya.

She spoke again, "Sakto lang ang dating niyo. Malapit na sila vince."

"Bakit iisang table lang? Akala ko ba party?" I asked.

"Party naman ito ha." She said excitedly, "Pero syempre for my love ones only." she winked.

Tinulungan ko siya sa pag iihaw para di siya mahassle ngayong birthday niya.

"Where's my gift?" Tanong niya.

Meron talaga akong gift for her. Di ko naman kinalimutan kaarawan niya eh. Actually last last month ko pa binili.

"I'll give it later."

She smiled, "Wala bang hint? Pakaba ka naman eh."

I shook my head, "Bawal. Secret yun."

After an hour dumating na si vince at mandy.

"Ang laki naaaaaa!" Gulat na gulat si cass na hinawakan ang tyan ni mandy.

"Syempre magaling mag alaga ang daddy." Sabi ni mandy.

Bumeso siya kay vince, "Ikaw, ingatan mo 'tong inaanak ko. Kukunin ko yan paglabas." Biro niya.

Tumawa naman kaming lahat.

"Liam!!" Sigaw ko nung makita ko siyang dumating.

I hugged him tight, "Kamusta ka na?"

"Mas okay na." Maikling sagot niya.

He look at cass then bumeso, but cass pulled him for a hug.

Napangiti kaming lahat sa tuwa dahil finally okay na ang lahat.

"Happy Birthday." Sabi ni liam sabay abot ng isang gift.

Cass took it, "Thank you liam."

Tita amanda spoke from behind, nandito pala ang mommy ni cass. Akala ko ay siya lang.

"Please have a sit everyone. Nagluto ako ng masarap na pagkain." Tita amanda said.

Our friends greeted her. I can see that she's happy now.

"Para saan 'tong isang upuan?" Sobra kasi ng isa.

"That's for max." Cass answered with a smile.

Butterflies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon