Killer

859 13 0
                                    

[Max's POV]

Ilang buwan na kami naghahanap. Wala kaming ibang maisip na lugar kung saan siya pwedeng mahagilap.

Habang lumilipas ang araw nagsisisi ako sa mga nagawa ko.

Sa mga pagkakataon na sinasabi ni cass sa akin kung gaano siya kagalit sa taong pumatay sa dad niya.

Sa mga pagmamakaawa ni liam na ayaw niya ako mawala sa buhay niya.

Sa mga pawis at hirap ni leigh sa pag iimbistiga kung sino ang pumatay sa tunay na ama ko.

Kinakain ako ng sarili ko araw araw. Kung hindi ko ba ginawa iyon mas mapapabuti ba?

Sobrang galit ang nag udyok sakin upang patayin siya gamit ang isang poisonous na gamot.

Noong araw na pumunta ako sa office niya at nagkunwaring investor para magawa ko ang plano kong lagyan ng lason ang iniinom niyang kape habang nakikipag usap siya.

Sumugal ako kahit alam kong delikado. Sinisisi ko siya sa lahat. Kung pinaglaban niya lang ako bilang anak niya edi sana hindi umabot sa ganon.

May isang bagay na nakapagpalambot ng puso ko. Sa black box na nahagilap nila cass, may isang file sa usb drive na nakapangalan sa akin.

Ang nilalaman ng file na ito ay ang mga pag aari na mapupunta sakin kapag siya ay nawala na.

Marami siyang iniwan para sa akin. Bahay, lupa, mga sasakyan at posisyon sa kumpanya ang nakasaad sa file na iyon.

May balak pala siyang hanapin ako. O siguro hinanap niya ako pero hindi niya natagpuan dahil kay mommy.

Noong oras na yon nagsisisi ako. Bakit sinisi ko sakanya ang lahat? Hindi dapat siya ang nagdusa sa paghihiganti ko kundi si mommy.

Nakatingin lang ako sa balcony habang malalim ang iniisip...

Lumapit si liam at kinamusta ako.

"Liam, siguro oras na para malaman nila ang totoo." I said.

He sighed, "Hindi ko alam kung kakayanin ko ng wala ka. Pero hinanda ko ang sarili ko kung isang beses magbabago ang isip mo."

Humarap ako sakanya at nilapit ang mukha ko, "Huwag ka mag alala. Hindi ako mawawala sayo."

Tuluyan ng bumagsak ang luha niya, "I'm so sorry kung hindi kita napigilan noon."

"Shhhh." Pagtahan ko sakanya, "Wala kang kasalanan. Ako ang may desisyon ng lahat."

Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing, "Mahal na mahal kita liam. I'll do this for us."

Lalong humigpit ang yakap niya kasabay ng pag iyak.

...

[Cassidy's POV]

Bumungad sa amin si tito flyn na nakahandusay sa lapag may saksak ng kutsilyo sa tagiliran habang si tita karen naman ay nakaupo sa corner ng pader at nakahawak sa ulo niya habang umiiyak.

Lumapit agad kami kay tito flyn to see if he's still breathing.

But we're too late. He's dead.

Sa palagay ko nasaksak niya ang asawa niya dahil pinipilit itong sumuko na.

Napahagulgol sa iyak si vince. Naging mabuti ang kanyang daddy sakanya.

Habang lumalapit ang pulis sa suspek ay pilit na pumipiglas si tita karen.

Lalo siyang nagwala ng makita niya si max.

"Ikaw ikaw may kasalanan ng lahat ng 'to!" Sigaw niya.

Butterflies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon