Natatandaan pa marahil ng mga nakabasa ng Noli Me Tangere na sa pusod ng gubat ay may nakatirang isáng matandang mangangahoy na ang pangalan ay Selo, Si matandang Selo ay buhay pa at ang kanyang buhok ay maputing-maputi na nguni't may malusog pang panganga tawán. Hindi na siya nangangahoy ni nangangaso pag- ka't nakaipon na at maluwag na ang pamumuhay, dátap- wá't gumagawa na lamang ng mga walís.Ang kanyang anák na si Telesforo na pinalayawan ng Tales ay nakikisamá noong araw sa isang mayaman, nguni't nang magkaroon ng dalawang kalabaw at daán- daáng piso, ay nagsarili na katulong ang kanyang amá, asawa at tatlong anak. Kayâ silá nagkaingin sa dulo ng bayan ay inakala nilang wala nang nagmamay-ari sa mga lupaing iyon. Sa panahon ng pagkakaingin ang buong ang. kán ay nagkasakit ng malarya at ang iná ay namatay pati ng panganay na Lucía na nasa kabanguhan kung baga sa bulaklak.
Ang bagay na iyon ay siyang pinakabungang nararapat hintayin sa pagkakabungkál ng lupang saganà sa iba't ibang mikrobyo. Inakalà niláng iyo'y paghihi- gantí ng diyos ng gubat, at kinalamay na nila ang loob at ipinagpatuloy ang gawain sa paniniwalang naglubag na ang galit ng diyós ng gubat.
Nguni't nang magsimula ang pag-aani ng kanilang unang pananím, isáng korporasyon ng mga pari na nag- aari ng lupà sa kalapít bayan ang umangkin ng kanilang bukiring malinis at natamnán. Karaka-raka'y naglagay ng mga tandâ at sinakop ang kaniláng lupà at di-umano'y ná- papaloob sa ari ng mga pari ang lupaing iyón.
Gayón ma'y pinapagbabayad na lamang sila ng tagapamahala ng mga pari ng mababang buwis-dalawampu o tatlumpúng piso isáng taón. Si Tales, isáng tahimik na tao at masunurin sa mga pari ay ayaw na ayaw na makipag-usap kayâ upang maiwasan ang pag-umpóg ng palayok sa kawali, gaya ng sabi niya, (sa ganang kanya, ang mga prayle'y mga kawa ling yari sa bakal, at siya'y isang palayok na yari sa luwad), bakit hindi siya maalam magsalita ng kastila at wala naman siyang ibabayad sa mánananggól, ay sumang- ayon na.
"Magpaumanhin ka na," ang payo ni Tandang Selo
"Sa isang taong pakikipag-usap ay makagugugol ka ng makásampúng dami ng ibabayad mong buwis sa mga pa- ring puti Marahil ay ipagmisa ka naman nila bilang ganti. Ipagpalagay mo nang ang tatlumpung pisong iyon ay natalo sa sugál o kaya'y nahulog sa tubig at sinakmál ng buwaya."
Napakabuti ang kanyang ani at marami siyáng pi- nagbilhán. Binalak niyang magpatayo ng bahay na kahoy sa baryo ng Sagpáng, bayan ng Tiani at kanugnóg ng San Diego.
Nang sumunod na taón ay masaganà rin ang ani at da- hil sa ganitó o gayóng sanhi ay ginawa ng mga praylé na limampung piso ang dating tatlumpúng pisong buwis, at ito'y binayaran din ni Tales nang walang kagalitan pagka't umaasa siyáng maipagbibili ang kanyang asukal sa mataás na halagá.
"Pasiyensiya! Ipalagáy mong lumaki ang buwaya," ang alò ni Tandáng Selo.
Noóng taong iyon ay nagkatotoo ang kanyang panga- rap: manirahan sa poók na maraming tao, sa isang ba- hay na tablá, sa nayon ng Sagpang. Inisip ng amá at ng ingkong na papag-aralin ang dalawang magkapatid, la- lung-lalo na ang batang babaing si Juliana, o Huli, gaya ng tawag nilá, na sa wari'y magiging kaakit-akit at ma- gandá.
Si Basilio, isang batang lalaki na kaibigan ng kanilang angkán, ay nag-aaral na noon sa Maynilà, at ang batang iyon ay ipinanganák ding dukháng gaya nilá. Dátapwá't ang pangarap na ito'y tila natatadhana sa hin- di pagkatotoó. Dahil sa pag-unlad ng kanyang angkán, pinagkaisahán ng kanyang mga kanayon na siyáy ga- wing "Cabeza de Barangay" sapagka't siyang pinakama- sipag sa kanilang nayon.
Noón ay isang anak niyang may labing-apat na taong gulang, na ang pangalan ay Tanò ang kanyang kasama sa bahay. Sapagka't kabesa na ay kinailangang magpagawa na siyá ng amerikana, magkaroon ng piyeltrong sumbrero at humandâ na sa pag- gastá. Upang maiwasan ang basag-ulo sa pari o sa pámahalaan ay binabayaran na sa sariling bulsá ang mga nakataláng pangalan, na ang ibá ay namatay na at ang ibá naman ay lumipat na ng tirahan.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo
Historical Fiction(Complete chapters) Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda). Isin...