KABANATA 6: Si Basilio

11 3 0
                                    

Nang simulán ang pagtugtog ng kampanà pará sa misa sa hatinggabi, at nang ang mga nasásarapán pa sa mahimbing na pagtulog kaysa mga pistá ay nangagising na bumubulung-bulóng dahil sa kaingayan at kaguluhan, si Basilio naman ay maingat na nanaog, nagpaliki- likô ng dalawá o tatlong balik sa mga landás at nang ma- tiyak na walang sinumang makakikita sa kanyá o sumusu- nód kaya, ay tinuntón ang landás na di gawing daanan ng tao at tumungo sa matandáng kagubatan ng mga Ibarra na ngayo'y ari ni Kapitán Tiago, na siyang nakabili simulâ nang samsamin ng Pámahalaán ang mga lupaing iyon. Dahil sa ang Pasko ay natamà sa pagliít ng buwán, ay totoong madilím sa landás na iyon.

Ang tugtog ng kam- panà ay nátigil na at wala nang máririnig kundi ang alingawngaw na kumakalat sa katahimikan ng gabi, kasa- báy ang mga lagitik ng mga sanga ng kahoy na naúugâ ng hangin, at ang lagaslas ng lawà na animo'y hilik ng isáng natutulog nang mahimbing.

Atas ng kadakilaan ng sandali at ng kinaroroonáng poók, ang binata'y pavukong naglalakád na wari'y may ibig maaninaw sa gitna ng dilim. Paminsan-minsang ná titingala at pinagmamasdan ang mga bituing napakikit sa mga siwang ng malalagóng kahoy, at patuloy sa pag- lakad at hinahawi ang mga baging at binabalták ang mga yantók na nakasasagabal sa kanya. Kung minsan ay nang- bábalik sa nalakad na, o dili kaya'y mápasuot ang kanyang mga hakbang sa mga tinik, matisod sa nakalimbutód na mga ugát at mábangga sa nakabuwál na puno.

Pagkatapos ng kalahating oras ay nakarating siyá sa isáng batisan na sa kabilang pampang ay may isang wari'y bundük-bund kan na sa gitna ng kadilimán ay tila malaking bundók, Tinawid ni Basilio ang batis, nagpalundág-lundág siyá sa mga bató na wari'y itim sa ibabaw ng kinang ng tubig, umakyat sa bundúk-bundukan at tumungo sa isáng munting pook na nakukulóng ng matandá't sirá-siráng muóg Tinungo ang baliting malaki na nakatayo sa kalagitnaan, ang mahiwagang kahoy na nagiging kagalang-galang dahil sa kanyang mga ugát na umaakyát at nananaog na muli na gaya ng kanyáng mga sangá'y nagkákalikaw. likaw.

Huminto sa harap ng isang buntón ng mga bató, ina- lis ang sumbrero at wari'y nanalangin. Doón nálibing ang kanyang mahal na iná at sa tuwing máuuwi siyá sa ba yang iyon ay una niyang dinadalaw ang libingang nasabi na walang nakababatid o nakamamalay. Dahil sa kinabuka. san ay dadalaw siya sa mag-aanak ni Kabesang Tales ay sinamantala niya ang gabing iyon upang tupdin ang ga yong katungkulan.

Umupo sa isang bató at waring nag-iisip. Nábulay- bulay niya ang panahong nagdaan na wari'y isang maitim na anino, mapulá-pulá sa una, pagkatapos ay nakapangi. ngilabot, may bahid na dugo, at sa huli'y maitim, naging abuhing malinaw at unti-unti nang lumiliwanag. dakong dulo'y hindi niya namalas, sapagka't natatakpán ng isang ulap na kinababanaagan ng maluningning na bukáng-liwayway.

Ang may labintatlong taon nang araw-araw at halos sa la. hát ng sandali ay nagugunitâ niyang ang kanyang inay namatay sa poók na yaon sa gitna ng karálitaán, noong isang magandang gabing maliwanag ang buwan at ang mga kristiyano sa buong daigdig ay nagsasayá.

Sugatan at pipiláy-piláy, nakarating doon sa pagsunod sa kanyang inang baliw, na hindi nakakilala at bagkus kinatakutan pa ngå ang napakikilalang anak. Doón nalagután ng buhay may lumapit na di-nákikilalang lalaki na nag-utos sa kan yang gumawa ng isang sigå; sinunod niya ang utos na
itó at nanguha ng kahoy sa gubat at nang siya'y bumalik ay may nakitang isang bangkay na hindi rin kilalá, na ka- piling ng kanyang inang bangkay rin.

Anóng lungkot na umaga at gabi ang mga lumipas na yaón! Ang nag-utos ay tumulong sa kanyang pagsisiga na siyang pinagsung- gan ng bangkay ng lalaki, hinukay ang pinaglibingan na anyang ina at matapos abután siya ng kaunting kuwaltá ay ipinag-utos sa kanyang umalis sa poók na iyon. Noón lamang niya nakita ang lalaking iyon, mataás, mapupulé ang mga mata, mapuputla ang mga labi't may katangasan ang ilong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

El FilibusterismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon