KABANATA 5: Ang "Noche Buena" Ng Isang Kutsero

4 3 0
                                    

Nang dumating si Basilio sa San Diego ay kasalukuyang inililibot ang prusisyon ng Noche-buena sa mga lansangan. Siya'y nabalam nang may ilang oras sa daán dahil sa ang kutsero na nakalimot dalhin ang kanyang sedula, ay pinigil sa daán ng Guardia Civil, binugbog at sakâ pa iniharáp sa kumandante.

Natigil uli ang karumata upang paraanin ang prusisyón, samantalang ang kutserong nasak- tán ay buong-galang na nagpugay sa unang imahen, na sa pagkakalagay sa andás ay may anyóng nápakadakilang santó, at saka nagdasal ng isang Ama namin.

Ang násabing imahen ay larawan ng isang matandáng lalaki na may mahabang balbás, nakaupo sa gilid ng isáng libingang nasa ilalim ng isang punungkahoy na maraming tinuyóng ibon. Isáng kalán na may isáng pa- layók, isáng almirés at isáng kalikot ng hitsó ang kanyang mga kasangkapan, na para bagang ibinabalità na siya'y naninirahan sa tabi ng isang libingan at doon din siyá naglulutò.

Ito ay si Matusalem sang-ayon sa pag- lalarawang makarelihiyón sa Pilipinas; ang kanyang ka- sama at marahil ay kapanahon ay tinatawag na Noel sa Europa, nguni't may anyóng masayá at kaakit-akit.

"Nang kapanahunan ng mga santó," ang nasabi sa sarili ng kutsero, "marahil ay walang mga Guardia Civil sapagka't kung mayroon ay hindi sila mabubuhay nang ma- tagál sa pangungulata."

Sumunod sa dakilang matanda ay ang tatlong Haring Mago na nangakasakay sa mga kabayong dumaramba, lalung-lalo na ang sa maitim na haring Melchór na tila ibig sumagasà sa mga kabayo ng mga kasama niya.

"Talaga, talagang walang mga Guardia Civil noon," ang patuloy ng kutsero na kinaiinggitán pa ang maliga- yang panahong iyon,

"sapagka't kung mayroón, ay mada dalá na sa bilangguan ang maitim na iyán sa piling ng dalawang kastilà-Gaspar at Baltazar."

Alám pô Nang makita ng kutsero na ang maitim ay may korona at siya'y hari ring kagaya ng dalawang kastila, na alaala niya ang hari ng mga indiyo, kaya't nagbuntonghininga siya at saka mapitagang nagtanóng: ba ninyo kung ang kanang pag niya ay wala nang tall ngayón?"

"Kanang paá nino?" ang tanong ni Basilio.

"Ng hari!" ang mahiwagang sagot ng kutsero. "Sinong hari?"

"Ng ating hari, ang hari ng mga indiyo."

Ngumiti si Basilio at ikinibit ang mga balikat, saman- talang ang kutsero ay muling nagbuntung-hininga. Ang mga indiyo sa kabukiran ay naniniwalà ayon sa isang ala mát, na ang kanilang hari ay nakakulóng at nakatanikala sa yungib ng San Mateo, nguni't dáratíng isang araw at si- la'y palálayain.

Sa bawa't sandaáng taon ay nalalagót ang isá niyáng tanikala kaya't nakakalág na ngayon ang mga kamay at kaliwáng paá. Wala nang natitirá ngayón kundi ang kanan niyang paá.

Kung nagpúpumiglás o gumaga láw ang haring itó, ay lumilindól at yumayaníg ang lupà; siya'y napakalakás, na upang makipagkamáy sa kanya, ang iniaabót ay isáng butó na nadudurog sa kanyang pisil. Tinatawag siyáng Bernardo ng mga Tagalog nang hindi malaman kung bakit, marahil ay pinagkakamalán styáng si Bernardo del Carpio.

"Kapag nakalág na ang kanan niyang paá," ang bu lóng ng kutsero, "ay ibibigay ko sa kanya ang aking mga kabayo at maglilingkód akó sa kanya habang-buhay, pag- ká't ililigtas niyá tayo sa mga Guardia Civil"

At sinundán niyá ng malungkót na tingin ang tatlong haring papalayo na. Sumunod na rito ang dalawang hanay ng mga batang lalaki, malungkót at walang kakibú-kibo na animo'y pilit lamang ang pagkasama nila roón. Ang ilán ay may sulô, ang iba'y may daláng kandilà at ang iba'y may mga paról sa dulo ng kawayan sakâ malakas na nagdarasal ng rosaryo na wari'y nakikipagkagalit.

El FilibusterismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon