The world of law and love may seem incompatible at times. Law is often associated with logic, reason, and order, while love is associated with emotions, passion, and spontaneity.
As young people, we are still discovering who we are and what we want in life. It can lead to too much trial and error regarding relationships and personal choices.
Sometimes, we decide based on what we think is right according to the law, but it may need to align with our heart's desires.
Other times, we may follow our hearts and act on our emotions, but it may not be what is considered lawful or socially acceptable. These conflicts can lead to internal struggles and even external consequences.
However, there are people in our lives who can change our perspective on these things. They can show us that the law can be compassionate and just and that love can be rational and responsible. They can help us navigate the gray areas between black and white and find a balance between our heads and heart.
We must decide how to live our lives and what values we want to prioritize. Whether it's the law or love, we can learn to make choices aligned with our true selves and lead us to a fulfilling life.
"Lumilipad na naman ba isip mo?"
Natauhan ako nang pitikin ni Bea ang noo ko. Nandito kase kami ngayon sa LRT station at hinihintay yung train. Tinignan ko ang wrist watch ko at may thirty minutes pa kami para makahabol sa first class namin.
"Bakit? gusto mo ba malaman iniisip ko?"
"Ano?"
"Cutting tayo—" Hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko kase hinampas na niya ako sa braso nang hawak niyang Constitution.
Ang kapal pa naman ng libro na 'yon! Sumakit tuloy yung braso ko. Kung pwede ko lang siya kasuhan ng child abuse eh!
"Tigil-tigilan mo ko sa mga ginagawa mong cutting Xan. Hindi lang itong consti ihahampas ko sayo." Natatawa naman akong pumasok sa train habang pinipilit siya mag-cutting mamaya sa class namin.
Nagcucutting lang naman ako kapag boring na at wala kami ginagawa at lagi ko naman binabasa mga readings ko kaya kahit hindi ako pumasok, alam ko na mga ididiscuss ng mga professors namin.
Pero hindi ko irerecommend ang pagcucutting 'pag tamad ka bumawi sa subject na dinitched mo. Proven and Tested.
"Please? Ngayon lang, sabi ni Andrew wala daw tayong gagawin ngayon, kahit i-check mo pa sa syllabus natin." Napabuntong hininga naman siya at nilabas yung ipad niya para i-check yung syllabus namin.
Nang matapos niya tignan ay pinanlisikan ako ng mata at pumayag na sa plano ko. "Papayag ka rin naman pala." sabi ko at tinawanan siya.
"Ngayon lang, at alam kong sa Bloemen hall ka na naman didiretsyo para kumain ng siomai."
"Wala ka lang pambili, sabihin mo lang sa akin kung gusto mo ng libreng siomai." sabi ko.
"Shut up." Tumawa naman ako at tumahimik rin agad dahil nakita ko yung guard na sumisenyas sa akin na huwag magsalita dito sa loob ng tren.
Nang makarating kami sa school ay marami agad akong nakasalubong na kakilala. Hinahatak ko naman si Bea para ipakilala siya sa mga common friends ko dito sa campus. Sa aming dalawa, ako yung introvert at siya yung extrovert pero mas marami pa ata akong kakilala kaysa sa kanya.
"I think Joaquin likes you." Tumigil kami sa harap ng elevator at hinintay ito bumaba sa ground floor tsaka ko lang siya natatawang tinignan dahil sa sinabi niya.
Pinakilala ko kase si Joaquin kanina nung nakasalubong namin siya sa Lasalle Hall. Orgmate ko siya sa isang Political Organization at hindi ko siya masyadong nakakasama or nakakausap unless tungkol ito sa org namin. Bukod doon, ayaw ko talaga sa kanya. He's a playboy.
BINABASA MO ANG
Sunsets and August
Teen FictionHave you ever witnessed a romantic moment that left you breathless and speechless? Imagine experiencing that feeling every time you watch the sunset. That's how I feel when I think about the moment I fell in love with Caleb Setheron Grayson in Augus...