"Sorry na, gusto ka lang niya kase makausap." Kanina ko pa dinededma ang mga sinasabi ni Bea habang nakasimangot na naglalakad pauwi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya dahil naiinis talaga ako sa ginawa niya.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay nakasunod lang siya sa akin. Para siyang aso na nakabuntot sa amo, dinaig pa niya sila Frutos dahil kung saan ako ay nandoon rin siya. Kahit sa pagpunta ko sa banyo ay nasa labas siya naghihintay sa akin.
Pagkalabas ko sa banyo ay may inabot siyang dutchmill sa akin. Nung una, hindi ko 'yon tinanggap pero nung may kasama nang cookies and cream na ice cream ay kinuha ko na 'yon ng padabog sakanya.
"Rurupok rin pala sa dutch mill at ice cream." natatawang sinabi niya habang nakasunod ulit sa akin papuntang kwarto. Sumunod rin sila Frutos at Toffee at doon nila pinagpatuloy ang paglalaro.
"You got a lot of explaining to do," I said. "Teka nga, kailan pa kayo naging close ni Joaquin?" I saw her blush for a second and tried to brush it off, but then again, she really couldn't hide it.
"Well, siya yung guy na nakilala ko sa gym. Naaalala mo pa ba yung kinuwento ko sayo noon?" Tumango ako sa sinabi niya habang kumakain ng ice cream. I didn't know that Joaquin is 'that' guy.
"Oo, siya yung unang crush mo sa gym natin-" Hindi ko naituloy yung sinasabi ko nang tapunan niya ako ng unan. Muntik pa mahulog yung kinakain ko na ice cream! "Oh? Bakit? Kinilig ka 'no?" panunukso ko na ikinapula ng buong mukha niya.
"Shut it, Xan!" nahihiya niyang sinabi at umiwas ng tingin sa akin.
"Crush mo pala 'yon eh bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya nung pinakilala kita? Baliw!"
"Hindi ko siya namukhaan- Teka nga, diba dapat galit ka sa akin ngayon? Lovelife mo pinaguusapan dito, hindi yung akin!" Galit nga ako pero mas interesado na ako ngayon sa lovelife niya.
Pagkatapos ko siya paulanan ng maraming tanong kung paano sila nagkamabutihan ni Joaquin ay kinompronta ko na rin agad kung bakit niya ako nagawang traydorin.
"Well, he asked Joaquin for help and then Joaquin ask for my help. The guy just wants to talk to you—I heard na natotorpe raw siya para kausapin ka. Ang intimidating mo naman kase! Ah basta, I won't steal his spotlight kaya hintayin mo na siya yung magsasabi sayo." She said. I still feel clueless. Bea doesn't want to tell me a full detailed story, mas lalo ako hindi makakafocus sa readings ko dahil sa sinabi niya.
"Ayon lang? Hindi ko gets kung bakit need pa niya ako kausapin." sabi ko.
Baka lang naman gusto niya makipagkaibigan? Or he needs a new connection since nagmomodel siya at maraming followers? I dont know anymore!
"Para masagot lahat ng katanungan mo," Tumayo si Bea at lumapit sa akin para kunin yung phone ko. Binuksan niya ito at pinakita ang friend request kanina ni Caleb. "Accept mo siya at tanungin mo kung bakit gusto ka niya makita." I sighed and took my phone from her.
I hesitated for a moment, my thumb hovering over the "Accept" button. I looked at Bea, who had a hopeful expression on her face. "Fine," I said, finally pressing the button and accepting Caleb's friend request.
Almost immediately, a message notification popped up.
What the heck? Nakaabang ba siya sa account ko!?
"Oh my gosh! Ano sabi? Kinikilig ako sa inyo!" Binato ko ng stuffed toy si Bea at binuksan yung message ni Caleb.
Caleb Setheron Grayson:
Hey, dutch mill girl ;)
Xanrille Davis Hishinuma:
[Like emoji]
BINABASA MO ANG
Sunsets and August
Teen FictionHave you ever witnessed a romantic moment that left you breathless and speechless? Imagine experiencing that feeling every time you watch the sunset. That's how I feel when I think about the moment I fell in love with Caleb Setheron Grayson in Augus...