"Finally, nandito na ang mahal na prinsesa!" Niyakap naman ako kaagad ni Althea nung nakita niya akong papalapit na sa parking lot. Binigyan rin naman ako ni Alliyah ng tubig dahil nawawalan na talaga ako ng hininga.
Gasping for air, I gratefully accepted the water and took a few deep gulps. As my breathing steadied, I looked around at my friends waiting patiently for me.
"What took you so long?" tanong ni Ezra habang nakikipag agawan sa fries ni Christian.
"Naghanap lang ng dutch mill." I lied. Ayoko ma-hotseat ngayon lalo na hindi talaga nila ako titigilan pag nalaman nilang iba talaga ang ginawa ko.
Umalis na rin kami kaagad para mag-grocery ng kailangan namin sa sleepover. Hindi rin kami nagtagal sa grocery kase susulitin talaga namin magbonding ngayon sa condo ng kaibigan namin.
"Ang daya daya mo Christian!" Nagsitawanan kami nang ibigay ni Christian lahat ng cards niya kay Ezra. Naglalaro kase kami ngayon ng UNO at biglang binagsak ni Christian ang panlaban niya na swap card. Si Ezra ang napili niya kase siya na ang may kaonting cards.
"Gumaganti lang naman ako! Ginawa mo rin sa akin yan last month!"
"Gago! Ang tagal na nun! Yung galit mo sa larong 'to umabot talaga nang isang buwan!" natatawang sinabi ni Ezra.
Sa huli, si Christian ulit ang talo kase tinulungan namin si Ezra para mabigyan si Christian nang maraming cards. "Ayoko na! Madaya kayong lahat!" Nakakatawa lang na palaging si Christian ang talo kapag naglalaro kami ng UNO.
Binigyan talaga namin siya ng goal sa buhay na kung mananalo siya ay mapapasakanya ang isang sports car ni Ezra.
"Buti nga kumpleto tayo ngayon." Nangingiting sabi ni Shaina sa amin. We gathered around in a small circle, and talked about our dreams and aspirations. Minsan na lang kase kami magkita dahil sobrang busy naming lahat sa acads pero active naman kami sa group chat namin.
Nasa OLFU pareho si Alliyah at Althea, sabi nga nilang dalawa noon kila Shaina at Krishelle 'kung sa UST may trauma, sa OLFU may impyerno.'
Alliyah dreamed of becoming a successful nurse, providing care and comfort to those in need. Althea aspired to become a skilled medical technologist, contributing to advancements in healthcare. Shaina and Krishelle aimed to become accomplished architects, designing magnificent structures. Pareho rin silang nasa UST Architecture.
Ezra and Christian, on the other hand, had their sights set on thriving careers in multimedia arts, expressing their creativity through various mediums. Sila namang dalawa nasa Benilde. Tapat lang ng campus namin. As for Bea and me, we express our passion for politics and desire to impact our society as political science students positively.
Kahit na magkakaiba kami ng univesity, we still supported each other's dreams. Simula noong high school kami sila na ang kasama ko. These friends had been with me through ups and downs, celebrating victories and offering comfort during challenging times.
"Si Krish tahimik lang pero may crush na yan sa culinary." pang-aasar ni Shaina sa kanya.
"Wow ah, parang hindi nagpapasama saakin para dumaan sa nursing department." sabi naman ni Krish. Tumango tango pa si Alliyah sa sinabi ni Krish kase nag chat daw si Shaina sa kanya tungkol sa mga nursing terms.
"Mga thomasian talaga, ang galing lumandi pero takot sa commitment." pagpaparinig naman ni Althea at sumang ayon naman sila Ezra at Christian sa sinabi nito. Naalala kong na-ghost pala sila Althea, Ezra at Christian last month sa mga nakalandian nilang thomasian.
Akala ko makakatakas na ako sa usapang lovelife pero ako na naman ang pinuntirya nilang tanungin dahil may naikwento daw si Bea sa kanila nung wala ako kanina. Sinabi ko naman sa kanila ang totoong nangyari kung bakit ako natagalan papuntang parking lot at puro hampas sa braso ang natanggap ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Sunsets and August
Teen FictionHave you ever witnessed a romantic moment that left you breathless and speechless? Imagine experiencing that feeling every time you watch the sunset. That's how I feel when I think about the moment I fell in love with Caleb Setheron Grayson in Augus...