8

20 2 2
                                    

"Xan, gising na. Inumin mo 'to para mawala hangover mo. Aalis pa tayo." Nakapikit pa ang isa kong mata nung pumasok si Alliyah sa kwarto ko. Nilagay niya sa side table ko ang isang gamot, tubig at isang strawberry dutch mill. 

Pagkatapos ko 'yon inumin ay pinilit ko na ang sarili ko bumangon. Naligo na ako agad at nag-ayos ng sarili. Nagbibihis pa nga lang ako ay kinakatok na nila Bea ang pintuan ko. Pinapababa na ako kase may plano pa kaming lumabas ngayon. Kasabay naman ng pagkatok nila ay ang mga tahol ni Frutos at Toffee. 

"Good morning!" bati ni Althea na may hawak pang mga grapes sa isang kamay nung bumaba na ako papunta sa kitchen. Inalok niya naman sa'kin pero tinanggihan ko ito. I still don't have the appetite to eat. Feeling ko ay masusuka ulit ako. 

"Kumain ka muna." sabi ni Shaina habang kumukuha ng plato para sa'kin. 

"Hindi na, wala ako gana."

Nagkatinginan sila sa sinabi ko. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang tahimik nilang pag-uusap gamit ang mga mata. Tumikhim ako at kumuha nalang ng kaonting pancake sa plato para matahimik ang utak nila.

"Ganyan siguro effect 'pag nagdrudrunk call." bulong ni Thea kay Alliyah kahit rinig ko naman. "Joke! Baka mamaya ako yung kasuhan mo."

Kahit nalasing ako ay tandang tanda ko pa rin ang nangyari. I just had a few shots pero sa sobrang low tolerance ko ay nahilo pa rin ako at gumawa pa ng problema. Mabuti na lang at wala pa mga magulang ko kaya lahat ng mga kaibigan ko ay naisipang mag-sleep over nalang dito sa bahay kagabi. 

"Ano ba kase talaga ang nangyari? Why is he there?" tanong ni Christian. Tinignan ko naman ngayon si Bea na nabulunan sa kinakain. 

"Sorry. Nakita ni Wack— Joaquin yung story ko at nagtanong kung asan tayo..." I sighed. We know that something is going on between them pero hindi pa talaga namin alam kung nanliligaw ba si Joaquin sa kaniya o mag-kaibigan pa rin sila. 

Now, it makes sense. Kaya pala nung paalis na kami sa Hidden Hatch ay nakita ko ang gamit niyang sports car. Nag-sorry naman ng ilang beses si Bea sa'min dahil hindi naman niya inaakala na magkakagulo kami. 

"Bakit ka naman nag-drunk call?" Bumalik naman ang atensyon nila sa'kin ngayon.

"Hindi ko rin alam kung bakit ko siya na-unblock." paninimula ko.

Hindi ko talaga alam yung rason. Kahit ako ay naguguluhan sa sarili. Nung nasa P. Campa pa kami ay inaamin ko na tipsy na ako pero natuloyan na ako nalasing nung nasa Poblacion kami. Siguro dahil galit ako sa kaniya at dumagdag pa na nakainom ako kaya ko siya tinawagan? 

Kinuwento ko sa kanila ang buong nangyari. Mga nakakahiyang sinabi ko rin sa call at ang napag-usapan namin ni Caleb ay detalyado ko rin sinabi sa kanila. Humingi rin ako ng tawad nung sinabi nilang nag-aalala na sila sa paghahanap sa'kin kagabi. Mahina rin daw kase ang signal sa loob ng bar kaya hindi nagiging accurate yung location ko sa Life 360 at sa Air Tag.

"Akala ko nga na-kidnapped ka na! Malalagot kami sa pamilya mo kapag may nangyari sa'yo." sabi ni Ezra habang nilalaro si Frutos. 

"Sorry, sa rest room talaga ang punta ko pero hindi ko ineexpect na makikita ko siya." 

Natahimik sila sa sinabi ko. Narinig ko naman na tumikhim at unti-unting lumapit sa'kin si Shaina at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Kumunot lang ang noo ko nung tinitigan niya ako na parang binabasa niya kung ano man ang nasa isip ko ngayon.

"Ano? Why are you looking at me like that?" 

"Xan, I know that... It was a mix of emotions that led you to that impulsive action last night," sabi niya. "But, I think you are afraid to acknowledge some emotions, or should I say..."

Sunsets and AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon