5

22 5 1
                                    

"Chilltop daw tayo mamaya." 

"Ano meron?" 

"Nag-aaya circle nila Wacky." 

Kakaalis lang namin ng classroom ni Bea pero nag-aaya na agad siya para sumama sa gala nila Joaquin. Napapadalas na rin ata ang pag-usap nila. 

"Cubao na naman?" sabi ko kase kakagaling lang rin namin doon ni Caleb nung isang araw. 

"Just because you were there with your soon-to-be lover doesn't mean you can't join us." Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa sinabi niya. 

"We're just friends! Siguro inaya niya lang ako lumabas dahil sa nangyari sa'kin last time." 

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung tumakas ako sa bahay para lang magkaroon ng peace of mind at nawala na sa isip ko ang mga nangyari. 

Two days ago, Caleb had invited me to join him at the Cubao Expo. I like to think his invitation was an escape from the chaos at home. 

"Ano ginagawa natin dito?" I asked. 

"To have fun? I heard this place is good." He said habang naglalakad kami sa expo. 

"At bakit ako ang inaya mo? Bakit hindi si Joaquin?" 

"Bawal ko na ba ayain ang bago kong best friend?" He smirked at me. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Nag-level up na nga pala ang status namin, according to him, "from strangers to enemies (dutch mill rivals) and now, mag best friends."

Biglaan ang pag-aya niya sa'kin at masasabi kong perfect timing ang pag-aya niya kase hindi ako maka-focus sa readings ko dahil kay Mom. She keeps checking on me, asking if i'm really studying. 

I accepted Caleb's offer that day and lied to my parents na may group study kami nila Bea. Konti lang naman ang readings ko sa araw na 'yon at tapos na sana ako kung hindi lang ako naiistorbo. Sa gabi ko nalang siguro itutuloy yung binabasa ko.

"Sino nagsabi sa'yo?" 

"TikTok." I laughed at his response. Hindi ko alam na mahilig pala siya makisabay sa mga trends ngayon.  

Caleb and I explored different antique shops, a music store, and a cozy coffee shop. We also tried delicious food from various stalls and took a break at a mini chill bar.

But the highlight of our day was when we stumbled upon a tattoo shop. 

"Hindi ako magpapatattoo pero kung gusto mo, sasamahan nalang kita." 

He's a killjoy! Siya ang nag-suggest nung una pero nung na-realize niya na may pinatattoo pa pala siya nung nakaraan at hinihintay pa niya ito humilom ay bigla siya nag-back out! 

In the end, ako nalang ang nagpatattoo. I chose a minimalist blue butterfly for my wrist. I was hesitant at first, since biglaan talaga 'to. Hindi naman ako takot sa needle kase may tatlo na akong ear piercings at lahat ng 'yon ay nasa right ear ko. 

Nang matapos ako ay hinanap ko si Caleb sa labas dahil nagpaalam siya kanina na magwiwindow shopping sa iba pang shops. I was about to message him pero nakita ko siyang kakalabas lang sa isang photobooth door. 

"Oh? Saan ka galing?"  tanong ko habang sinisilip kung ano ang tinatago sa likod niya. 

"Sa ibang planet, nakipag-usap sa mga aliens." pagbibiro niya at tumawa nung umirap ako. "Joke lang! Nagtingin lang ng vintage toy cars... for collection." pinakita niya sa'kin ang paperbag na tinatago niya at pabiro ko rin naman siyang pinagalitan na ang gastos niya.

Sunsets and AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon