6

14 2 0
                                    

Hell week.

Ayan nalang ang masasabi ko sa sobrang dami ng gawain na tinatapos namin ngayon. Bakit ko nga ba pinili ang course na 'to? Gusto ko nalang mag-shift! 

"Ayoko na!" si Bea at tumayo papunta sa counter. Nagbabalak na bumili ng pang limang kape niya ngayong araw. 

"Mag milkshake ka nalang, baka mag-palpitate ka ulit." Kahit labag sa kalooban niya ay sinunod pa rin ang sinabi ko. Kahit hindi ko na sabihin ang gusto ko ay nag-order na rin siya ng cookies and cream milkshake para sa'kin.

Nandito ulit kami sa coffee shop ni Sammie. Nag decide kami ni Bea na gumawa dito ng aming mga backlogs. Inaya na rin namin dito ang aming mga kagrupo sa thesis para maayos ang communication namin sa paggawa ng paper. 

Habang may tinitipa ako sa laptop ay may lumapit sa'kin na babae. Umupo siya sa harapan ko at inilahad niya ang kamay sa'kin. I don't want to be rude lalo na mukha naman siyang mabait kaya nakipagkamayan ako sa kaniya. 

"Hi! I'm Casey, nice to meet you!" 

"Hello, Casey. I'm Xanrille, but you can call me—"

"Xan, right?" Tumango na lamang ako nung hindi niya ako pinatapos. Bakit niya alam ang nickname ko? 

Parang alam ko na ata ang rason kung bakit alam niya. 

"I'm Sammie's best friend!" 

"Oh! Really?" I asked, getting curious. 

"Yup! Wait, i'll show you a proof." Nilabas niya ang kaniyang phone at nahagip ng tingin ko ang kanyang wallpaper. Tumikhim ako at hinintay na lamang siya magsalita. 

It was a photo of Caleb's back. Sigurado akong siya 'yon kase nakita ko ang sleeve tattoo niya. 

Pinakita niya sa'kin ang picture nila ni Sammie at nag-kwento kung paano sila nagkakilala. Sinabi niya rin sa'kin na na-recognized niya daw ako kanina dahil sa post ni Caleb nung nakaraan kaya niya ako nilapitan. 

"So, what's the deal between you and Kuya Caleb?" Muntik na ako nagmura sa harapan niya. Here we go again. Pang-ilan na ba siya? I've heard this question a lot since last week, and this woman right in front of me could be one of his fan girls, or worse, one of his ex-flings or girlfriend again. 

Hindi na ako nagugulat kung may mga nagtatanong kung kami na ba, ano ang meron sa'min, bago niya ba akong fling at kung ano ano pa. Marami rin nagpapakilala sa'kin na sila yung ex niya pero kung tatanungin ko kung may proof, wala rin naman maipapakita. 

And my answer to their question never changed. 

"We are just friends." 

Friends, ayon lang. Ilang beses ko na rin sinabi sa ibang mga taong nagtatanong na dare lang 'yon pero ayaw nila paniwalaan. Nung wala na sila makuhang sagot pa sa'kin ay umaalis nalang silang naiiyak, tumatawa na parang baliw o kaya binibigyan ako ng relationship advice.

"Really?" I saw her eyes twinkling at what I said. Maybe this is not one of his crazy girls. She looks like a teenager in her senior high year. May crush siguro 'to kay Caleb. 

"Yeah, why?" I asked. Nilingon ko rin ang kakarating lang na si Bea galing sa counter habang nakataas ang kanyang kilay sa taong kausap ko ngayon. 

"Oh, nothing! Sorry for disturbing you pala. Nice to meet you!" She suddenly excused herself nung nakita niya ang mataray na mukha ni Bea. 

"No worries, nice to meet you too." Ngumiti muna siya sa'min bago ito nagtungo sa office ni Sammie. Nagaalala naman akong tinitigan ng aking kaibigan. Napabuntong hininga nalang siya dahil alam kong alam niya ang nangyayari.

Sunsets and AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon