9

15 2 0
                                    

Hindi na ako bumalik kagabi sa bonfire. Sinabihan ko naman ang mga kaibigan ko na mag-enjoy at baka hanapin kami ng blockmate ko. Pero ayaw nila ako iwan kagabi kaya si Christian at Ezra na lang ang bumaba para magpalusot sa may-ari na napagod na kami at kinakailangan na mag pahinga.

Umiyak ako buong gabi at hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog dahil tinatahan ako nila Bea. Siguro sa pagod na rin sa byahe ay nakatulog na ako.

Namumugto tuloy ang mga mata ko pagkagising. Nag-aalala rin mga kaibigan ko kung magpaparoom service na lang kami at mag momovie marathon. Nahihiya naman ako sa kanila dahil mababago tuloy ang mga plano namin ngayon kaya pinilit ko ang sarili maging maayos.

"Pahiraman ba kita ng shades?" tanong ni Althea while braiding my hair. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.

"Lagyan kita concealer." si Krish na ngayon ay nasa harapan ko hawak hawak ang kikay kit niya.

Pagkatapos nila ako ayusan ay tahimik kaming naglakad sa dining hall. Sa malayo pa lang ay nakita ko na ang mga mata ni Caleb na nakatingin sa'kin na para bang kanina pa niya ako hinihintay.

He's with his girlfriend and his friends na nakasama namin sa Chilltop. Sammie and Casey is with them too. Kumaway naman si Sammie sa'kin at inaya akong lumapit sa kanila. I want to say no but I don't know how, kaya naman nung nakita ni Ezra ang sitwasyon ko ay siya na mismo ang kumausap kay Sammie na need namin magmadali dahil may gagawin. 

Mabuti na lang at nakasuot ako nung glasses nung nasulyapan ko ang girlfriend niyang parang tarsier kung makakapit sa braso nito. I rolled my eyes nung tinalikuran ko na ang table nila. Habang kumakain ay naibalik rin ang energy ko. Nakikitawa na ako at nakikipagbiruan ulit sa mga kaibigan kahit minsan ay nasusulyapan ko sila Caleb na tahimik lang at parang pinapanood kami.

Their circle is our opposite, very different from ours. While my friends and I are loud, energetic, and always up for some mischief, Caleb's group is more reserved, composed, and often deep in their conversations. 

Marunong rin naman sila mag-enjoy kagaya nung pumunta kami sa Cubao pero parang ang tahimik nila ngayon. Si Joaquin na pinakamakulit at maingay sa kanila ay tahimik lang rin sa gilid, abala sa kanyang phone. Ang maingay lang sa kanila ay yung girlfriend niya. 

"Saan ka natulog?" Rinig kong tanong ni Casey sa girlfriend ni Caleb. 

"Sa room namin ni Caleb!" 

"In one bed?" 

"Yup!" she said with a smile habang pinipisil ang braso ni Caleb. I saw how Caleb's brows furrowed, and he whispered something to her that made her giggle. Napainom tuloy ako ng tubig at umiwas ng tingin. 

"Girl, alam kong naka-shades ka pero 'wag mo naman ipahalata na nakikinig ka sa kanila." natatawang sinabi ni Althea sa'kin. 

"Sorry." ayon na lang ang nasabi ko bago ko inubos ang pagkain. 

"Really? Bakit sa veranda natulog si Kuya kung gano'n?" Casey asked with an irritating tone. 

Imbes na sumagot ang babae ay iniba na lang niya ang usapan. Natawa na lang si Joaquin nung sinusungitan na ni Casey yung girlfriend ni Caleb. Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kung anong nangyari sa kanila kagabi at bakit sa veranda siya natulog.

"Stop it, Aljaye." rinig kong sinabi ni Caleb sa girlfriend niya bago kami nagdesisyon na umalis sa dining hall. 

Aljaye. That's his ex and probably his girlfriend again.

I don't want to hate the girl, especially if I don't know her personally. Hindi ko nga rin alam kung eto yung ex niya na nag-cheat noon o iba pa 'yon. This one looks pretty, kind at mukhang mahal na mahal niya si Caleb. Pero hindi ko maiwasang maramdaman ang kirot sa puso ko tuwing nasusulyapan ko sila.

Sunsets and AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon