CHAPTER 05

8K 112 0
                                    

momentary pleasure

totoo nga ang sabi sabi na panandalian lang ang kasayahan kaya dapat mong enjoyin dahil hindi ito magtatagal sayo.

almost 2 weeks ng hindi umuuwi si Grey, hindi man lang siya nagsabi sakin. pumunta narin ako sa bahay nila para kausapin si Tita flor pero sabi niya may business trip daw si Grey sa londonm biglaan daw kaya hindi na nya sakin nasabi. pero bakit hindi man lang siya nag text?

"are you ok?" tanong ni Gunner sakin habang inaayusan ako para sa photoshoot.

"yes, i'm ok"

"sorry nga pala sa inasta ko nung nakita kita sa restaurant hindi ko alam na asawa mo pala yun"

"ayos lang, hindi ko kasi nasabi na may asawa ako nun"

"umasa ka ba?" dagdag ko pa.

"oo, akala ko kasi single ka" sagot niya. tumawa naman ako at naghintay na matapos ang pag aayos sakin at sinimulan na akong picturan ni gunner

wala pang isang oras nang ipost ni gunner yung picture ko. nag viral agad ito at maraming kumuha ng products na binebenta nito.

natatawa naman si Lucy na ipinakita sakin ang comment ni louis at treimor na nagbabardagulan sa comment section

the caption: you are the first woman who made me feel that love should not be rushed. @sorayaaa

louiscarter_
@sorayaaa ang ganda mo po sana manotice <3.


trezuarvantez
@louiscarter_ umaayos ka daw sabi ni fafa @kdjwortzski

louiscarter_
@trezuarvantez papansin kayo!

hindi ko mapigilan matawa dahil sa pagbabara ni treimor kay louis

"let's eat?" pag aaya ni gunner.

tumango naman kami pareho ni lucy at sumunod sakanya para kumain. nag volunteer narin siya na daw ang mag oorder para saamin

"2 weeks na hindi pa nauwi asawa mo tapos wala man lang text kahit isa, siraulo ba yan?" inis na singhal ni lucy.

"busy siguro"

"yan ka nanaman eh, lagi mong pinagtatanggol asawa mo! mahal ka na ba niyan?" inis na tanong ni Lucy pero tanging iling lang ang naisagot ko.

mabilis naman na nakabalik si gunner sa lamesa tahimik lang akong kumain samantalang yung dalawa parang aso't pusa na nag aasaran minsan naiisingit nila ako sa topic pero hindi naman ako nagsasalita

"i have to go, need ko pa ayusin yung mga new orders na pumapasok sa account ko, ingat kayo ladies!" paalam ni gunner at napagdesisyonan rin namin ni lucy na umuwi narin. hinatid niya ako sa bahay at laking gulat ko ng matanaw ko ang kotse ni grey, nakalimutan ko na nga atang magpaalam kay lucy dahil sa excited kong makita si grey.

"mang myrna? grey? i'm home!" sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng bahay

may narinig pa akong nagtatalo mula sa kusina kaya medyo hinaan ko yung boses ko at dahan dahang pumunta roon

nakita ko namang natigil sa pag uusap si grey at aling myrna nang makita nila ako, ngumiti naman ng bahagya sakin si aling myrna bago ito umalis.

"grey" saad ko habang papalapit sakanya, sobrang saya ko dahil nakita ko nanaman ang taong mahal ko

"akala ko iiwan mo na ako eh!" bulong ko habang yakap yakap siya, ramdam ko rin ang dahan dahan niyang paghaplos sa buhok ko hanggang sa unti unti na siyang kumawala sa pagkakayakap ko.

"ang laki ata ng pinayat mo grey, kumakain ka pa ba?" taka kong tanong

ngumiti lang siya at tumango pero nababasa ko sa mga mata nito na may tinatago ito saakin, kita ko rin ang pagkalubog ng mata niya dahil sa puyat

"grey naman, pinapagod mo ba sarili mo? you look tired" malungkot kong sambit sakanya.

dahil hindi parin siya nagsasalita ay nagbago nalang ako ng topic

"paglulutuan nalang kita, ano gusto mo? bago yan magbibihis muna ako, amoy pawis na kasi ako eh" tumawa ako at mabilis siyang iniwan sa kusina

habang papunta ako sa kwarto ko ay nakita ko namang nakaawang ang pinto ng kwarto ni Grey na tila ba sa loob nito ay may tao, akmang papasok na sana ako ng biglang iluwal ang magandang babae at eleganteng elegante ito kung titignan, kung titignan mo ito para itong model or actress.

"nice to meet you, I'm Elliese Fortiz. call me eli, I hope you accompany me well"

"who are you?" dagdag pa nito

"Soraya Montecillo, why are you here in my hus-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tinawag ni Grey si Eli

"Babe" sigaw ni grey na unti unti kong kinadurog

tumakbo naman si Eli sa direction ni Grey kung saan iniwan nila akong nakatayo at nakatingin sakanila habang sila ay nagyayakapan, nakita ko rin kung paano halikan ni grey si eli mas lalo kong kinahina

napaupo ako sasahig dahil sa sobrang sakit na nakikita ko ang mahal ko na may kahalikan sa mismong harapan ko

"soraya! are you ok?" mala anghel na tanong ni Eli papalapit sakin

yumuko ako at tumayo hindi ko pinansin ang iba pang sinabi ni Eli. dumiretso ako sa kwarto at nagkulong doon ko nilabas ang mga luhang gustong gusto na kumawala sa mata, parang dinudurog ang puso ko habang iniisip parin ang nangyari kanina

sa sobrang pagod ay hindi ko napansin na unti unti na pala akong nakakatulog, medyo masakit ang katawan ko ng magising ako dahil natulog lang ako na nakayuko at nakapatong sa tuhod ko.

nanghihinang pumasok ako sa cr para maligo at mag ayos, bawat yapak ko sa hagdan ay nararamdaman ko parin ang lungkot at sakit sa puso ko.

"aya, come let's eat nagluto ako ng paborito mo" bati ni aling myrna saakin pagpasok sa kusina

"nasan po si grey?" nanghihina kong tanong

"umalis sila ni Elliese kanina, may family reunion daw.

"ayos ka lang ba iha?" tanong ni aling myrna at dahan dahan hinahaplos ang likod ko dahil napansin niya sigurong umiiyak nanaman ako.

"a-ayus lang po ako" nauutal kong sagot

"alam kong masakit ang mga nakita mo iha pero Eli is Grey's ex girlfriend hindi ko alam bakit nagbalikan sila" paliwanag ni aling myrna

may mga sinabi pa si aling myrna about sa dalawa pero agad naman akong umalis dun dahil ayaw ko ng pakinggan pa ang mga sasabihin niya ayaw kong marinig mula sakanya na parang mas masaya si grey kapag si eli ang kasama niya.

TEACH ME TO LOVE YOU  by: InjelxnneWhere stories live. Discover now