WARNING! READ BY YOUR OWN RISK!!
jealousy
"
iha ayos ka lang?" napatalon ako sa gulat dahil sa sinabi ni aling myrna na may dala dalang prutas na ipinatong niya sa lamesa
"ayos lang po ako"
"sure ka? ba't parang lagi kang tulala anak?" taka niyang tanong
"ayos lang po talaga ako aling myrna, can you make a meryenda nalang po?" utos ko na agad naman niyang sinunod
pumunta muna ako sa kwarto para kunin ang bag ko dahil naroroon kasi yung plates ko na hindi ko pa natatapos
"aya" malamig na boses mula sa likuran ko, agad ko namang nilingon ito na seryosong nakatingin sakin habang nakasandal sa pader malapit sa pintuan ko
"why?"
"wear it tonight, may pupuntahan tayong event" saad niya at walang emosyong nilapag ang malaking box sa kama ko at walang sabi sabing tinalikuran ako
hindi ko muna binuksan ang box na yun at ipinagpatuloy ko nalang ang pag issketch
tuwing baba naman ako hindi ko maiwasang makita ang dalawa sa baba na parang bata kung magharutan, mahigit limang araw narin kasing hindi ko pinapansin si grey. simula kasi ng dumating ang babaeng yan, dun narin ako nagising sa katotohanan na asawa lang pala talaga ako sa papel.
nakatitig ako ngayon sa blue night dress na binigay sakin ni grey kanina dali dali ko namang sinuot ito, hanggang tuhod ko lang ito at medyo revealing ang likod kaya naiilang ako. sinuot ko narin ang blue night sandals na partner ng dress na 'to at sa tabi nito ay may maliit na pouch. naglagay lang ako ng unting make up pagkatapos nun ay bumababa na ako. huminga muna ako ng malalim at dahan dahang naglakad palapit kay grey.
nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng biglang lumapit si Eli kay grey. niyakap niya muna ito bago halikan para siyang batang nakatingin kay grey. nahuli ko namang tumingin sakin si grey pero agad niya akong iniwasan.
naka red dress si Eli, bagay na bagay sakanya ang suot niya dahil mas lalo siyang gumaganda.
ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko hanggang sa makarating kami sa kotse, sa likod na ako sumakay dahil alam kong si Eli ang nasa passenger seat na dati kong inuupuan.
tahimik akong nakikinig sa kwentuhan ng dalawa hanggang sa makarating kami sa napakalaking bahay.
mabilis kong binuksan ang pinto nilapat pa ni grey ang kamay niya sa harapan ko pero tinanggihan ko lang yun at dali dali nang nauna sa loob. halos madapa dapa ako dahil sa malalaking hakbang na ginawa ko.
"good evening beautiful" bati ng bantay sa pinto. tinuro niya saakin ang aming mauupuan.
masayang nagtatawanang lumapit sakin si grey at eli, hindi ko rin mapigilan ang inggit at selos na nararamdaman ko ngayon.
habang nagsasalita ang isa sa mga pinakamayaman at kilalang negosyante sa harapan ay nagulat ako ng biglang tawagin si grey at isinama ako sa harapan.
wala akong nagawa kundi kumapit sa braso niya dahil sa kaba, nagulat naman ako ng bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko at maingat akong inalalayan paakyat sa hagdan.
"nice to meet you Mr. and Mrs. Alegre" bati ng lalaki na medyo may katandaan na.
nag shakehands muna ang dalawa bago umupo at nag usap
YOU ARE READING
TEACH ME TO LOVE YOU by: Injelxnne
Ficción General[ bakas series: soraya and greigo ] Soraya Montecillo chose to marry the person she loved even though she knew he would never love her back. Greigo Alegre thought of nothing else but to hurt and take revenge on his wife. nangako rin itong kahit kail...