mixed emotions
ilang araw ko nang hindi pinapansin si Grey, he always ask me kung ayus lang ba ako o hindi. tanginang tango lang ang naiisagot ko bago ako umiwas sa susunod na itatanong niya.
hindi ko alam pero nasanay na ako na ganun ang gawin ko para siguro maiwasan na ipakita sakanya na nanghihina at nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang kasama si Elliese.
unti unti kong nilipat ang mga gamit ko sa bagong opisina na ipapahiram sakin, umalis na raw kasi ang dating gumagamit nun kaya sakin nalang nila ipinahiram para daw hindi ako mahirapan at magtiis sa napakaliit na lamesa na binigay sakin ni Grey.
"tulungan na kita" saad ni Grey atsaka isa isang kinuha ang mga nakakalat na plates ko sa sahig
pinigilan ko siya sa pagpupulot pero umiiling lang siya at para siyang bata na ayaw makinig. napakatigas ng ulo, sabing wag na nga.
"don't worry, it's fine. tutulungan kita kasi gusto ko" he said before placing my blue prints on the table.
"hindi naman kailangan" bulong ko.
mabilis naman naming nailipat ang mga gamit ko sa opisina kaya panandaliang muna kaming umupo sa sofa para magpahinga
"Do you have a boyfriend, Miss Montecillo?" agad akong tumikhim sa tanong niya
"It's none on your business"
"curious lang ako, lagi ka kasing nagmamadali sa tuwing natatapos ang oras mo, hindi kaya nakikipag date ka?"
"and so?" taas kilay kong sagot.
hindi ko alam kung bakit niya nasasabi iyan saakin eh wala naman siyang pake saakin at higit sa lahat hindi ko rin kinukwesyon ang buhay niya.
"wala lang" he chuckled "don't think I'm forbidding you. nag aalala lang ako sayo"
"wala kang pake" sarkista kong sagot.
"nag aalala akong baka isang araw wala ng magaling na architect sa office na ito" he smiled.
hindi ko alam kung nang aasar ba siya o totoo ba talaga sinasabi niya. gusto kong maniwala pero ayaw kong umasa. magkakaanak na siya sa babaeng pinagpalit niya saakin kaya hindi na dapat ako magkaroon ng pakealam sa lalaking ito.
pag uwi nang bahay ay agad akong naligo at nag ayus, nag aya kasi si Louis na makipag date saakin. it's a friend date kaya hindi ako dapat mag aalala. wala namang malisya yun noh.
I just wore white tops with a black skirt that reached halfway up my thighs. ngayon lang kasi ako nakapagsuot ng palda kaya nag aalangan pa akong suotin ito. hindi naman kita ang pusod ko dahil hindi naman masyadong revealing ang suot kong tops.
"kapag natuloy ang reunion natin gusto ko nakasuot ka na ng white dress habang naglalakad sa altar" biro ni Louis
"huh? kanino naman ako ikakasal?" taka kong tanong sakanya habang hinihiwa ang inorder naming cake
"maybe someone who love you so much at mahal na mahal mo rin" he gave me a little smile but you can see the sadness in his eyes.
![](https://img.wattpad.com/cover/340041061-288-k153960.jpg)
YOU ARE READING
TEACH ME TO LOVE YOU by: Injelxnne
Fiction générale[ bakas series: soraya and greigo ] Soraya Montecillo chose to marry the person she loved even though she knew he would never love her back. Greigo Alegre thought of nothing else but to hurt and take revenge on his wife. nangako rin itong kahit kail...