Chapter Two

7 1 0
                                    

#PUTGEChapter02

I know napilitan ka lang sabihin 'yon dahil kay daddy," aniya bago nilagok ang alak.

After the meeting nag aya siyang makipag inuman para mapag-usapan namin ng kami lang ang tungkol sa pag babysit ng bata. Hindi ko alam kung mag uusap lang ba talaga kami o makig-inuman lang siya sa'kin dito.

Maling tao ata hinamon niya.

"Ano naman kung 'oo'?" Iritang sagot ko sa kanya at kunot noo niya akong tingnan bago ko pa man magawang inumin ang alak na nasa baso ko.

"I need a serious answer, Lavinia,"

"Did I ever lie? I'm always serious Kale," I rolled my eyes and drank another shot.

"Kobe is a chill kid yet he's very emotional, Khalil is very chill as well pero hindi nagsasalita kung anong masakit kaya minsan nag-aalala ako. Kallie is the most hard-headed one. I can't explain her personality," he sighed.

"When are you planning to let me see them?" I asked.

"Tonight," agad bumaling ang paningin ko sa kanya sa sinagot niya sa'kin.

"W-what?"

"They need to drink their milk and I can't do it anymore tonight, they're just 5 and they need it now."

Umawang ang labi ko. Bakit ba kasi nag iinom pa siya kung may mga anak na naghihintay sa bahay niya? And for god's sake they're just 3! May topak ata 'tong lalaking 'to sa utak.

"Give me your goddamn keys now! And tell me where you live ihahatid na kita."

Gosh! I never expected na ngayon agad ako mag babysit ng bata at 10 P.M.

"I lived next to you," aniya sabay bigay ng susi.

Wow, I never knew that he lives next to me. Casa de Proscenium huh?

Tinulungan ko siyang makatayo at naglalakad patungong parking lot. Medyo may kabigatan siya at nahihirapan ako dahil nakasuot ako ng heels. Maingat ko siyang pinapasok sa front seat ng BMW sedan niya at sini-seatbelt-tan ko rin ang topak.

Napa buntong hininga ako ako bago pinaandar ang sasakyan at nagsimulang magmaneho. Binuksan ko ang mga bintana ng sasakyan at sinandal ang kaliwang kamay sa pinto habang gamit ko ang kanang kamay sa pag ikot ng manibela.

Ramdan ko ang pagtitig niya sa'kin kaya sinulyapan ko siya saglit. Ngumiti siya bago ipinikit ang mata. Mahina akong natawa dahil sa itsura niya. I wonder what his kids look like. Gusto ko silang mahawakan at pisilin ang kanilang mga pisngi lalo na yung si kobe. I wanna hug him. I feel like he's the reason for me to take time to think before I adopt them.

After kong iparke ang sasakyan niya ay agad akong tinulungan ng mga guwardiya na buhatin siya patungo sa condo niya. Napabuntong hininga ako bago buksan ang pinto.

"Papa?"

My eyes stilled at the kid who's holding an iPad. He doesn't look like a three year old kid because of his height. The kid looks familiar to me and I think I know who might be the biological mother.

"Kobe," Kale called his son habang hawak ko pa rin siya sa balikat.

"Papa, why's tita Lavinia's with you?"

What? Bakit alam nila ang pangalan ko?

"Papa is drunk anak and she's taking care of me," ang usapan ay timplahin ang mga anak mo ng gatas bakit may pa 'she's taking care of me' siya diyan?

"T-tita just take him to his room niya po and we need to talk po," my jaw clenched.

Ganito ba talaga magsalita ang mga 5 years old nowadays? Why does he sound like an 18 year old kid?

Parallel Universe: The Great Escape (Between Us #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon