Sa Ilalim ng Kama(one-shot)

18.2K 108 5
                                    

Tanghali yon, huli kong natatandaan, nang mangyari ang lahat.

Eto ang oras na di ko makakalimutan, 

ang nawala sa akin ang bandera ng pilipinas.

============

Tawagin nalang natin sya sa pangalang na first. 

Ang lalaking bumihag sa puso ko sabi nga nila.

Tall, dark and handsome sya. Tipikal na katangian ng isang lalaki sa panaginip ng iba.

Kaklase ko sa high school, second year.

Nobyo ko na sya noon.

Pero may problema...

Hindi kami legal sa magulang ko.

Pero sa magulang niya okay lang.

Alam mo naman pagbabae at bata pa, strict talaga ang mga magulang.

-----------

"Mary!, tara sa inyo ngayon?", tanong ni first.

"Ha?, kung sa bagay, umalis sila mama at nasa skul pa ang kapatid ko. Tamang-tama walang tao sa amin",sagot ko.

"Haha, maunod tayo ng pelikula ahh?"

"Sure. Pero dapat before 3 umuwi kana. Mahirap nang maabutan ka nila no!"

Tapos nagtawanan kami at umalis na sa school para pumunta sa bahay.

----------

Nakarating kami sa bahay ng 1pm.

Kumain muna kami ng kanin at ulam namin ay cheesedog. Di pa kase ako marunong magluto masyado kaya puro fried lang ang alam ko.

Pagkatapos ay naghanap kami ng mapapanuod na pelikula.

"Eto kayang 40 days and 40 nights?", tanong ko.

"Sige!, mukhang maganda naman eh!"

Nagsimula na kaming manuod ng pelikula.

Maya-maya....

"Bastos!", sigaw ko.

"Asaan?"

"Ayan oh! sa tv!"

Tapos tiningnan niya.

Bwisit tong si first, di pala nanunuod! natulog lang.

"Loko ka talaga! di ka pala nanunuod eh! patayin nalang kaya natin?", saway ko sa kanya.

Nakita ko sya, with an evil mile. A grin o tawang nakakaloko.

Rated SPG pala ang napili naming panoorin.

PLAAAKKK!

"bat moko sinampal?", aniya.

"Kadiri ka! gustong gusto mo pala nyan ha?"

"haha, eh lalake eh. wala tayong magagawa." sabay kamot sa ulo.

EEENNNNGGGG!

Nagakatinginan kami ni first.

Nanlaki yung mata naming dalawa.

Siala mama! Dumating na!

Naririnig na namin yung pagbukas ng gate.

"Patayin mo!Patayin mo!", utos ko sa kaniya na patayin yung tv. Hindi ko malaman kung matatae ba ako sa kaba o ano.

"Anong gagawin natin?", sabi niya sakin.

Pati ako pinagpapawisan na eh. Di na namin alam ang gagawin.

"Ahh,,! dun tayo sa kawarto ko!"

Tapos dali-dali naming inayos yung couch para di mahalatang may tao.

Sa Ilalim ng Kama(one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon