A E L I A
NANDITO ako ngayon sa library ng university namin, naghahanap ng mga puwedeng gamiting inspiration para sa isusulat kong novel pangtapat kay Charlotte.
I'm with my blockmate, Vivienne, na busy din maghanap ng pang-RRL niya sa individual research niya sa isang subject. Mabuti na lang at nakapagpasa na ako niyan last week pa.
Kanina nakaupo si Vivienne, samantalang ako, naghahanap pa ng mga librong puwedeng basahin para mag-improve writing style ko, besides, reading other author's novels helps me formulate plot ideas na magagamit ko sa stories ko.
Nang makuntento sa hawak ko ay tumabi na ako kay Vivienne. Shock was evident on her face the moment she saw the pile of books on our table.
"Babasahin mo lahat iyan?" She said in astonishment. Tumango naman ako bilang tugon at inumpisahan nang magbasa ng isang nobela. I'm planning to stay here until 6:00 pm, wala naman na kaming klase ngayong hapon.
"Ako napapagod sa iyo, Aelia," puna nanaman ni Vivienne which made me raise my eyebrow.
"Then quit staring at me, Vivienne," I shortly replied. She just scoffed and then continued doing her business.
Hours passed and naka-tatlong libro na ako, si Vivienne naman, patapos na sa ginagawang RRL niya. Maya't maya nga siyang nagtatanong sa akin tungkol sa ginagawa niya kaya napuputol ako minsan sa mga binabasa ko. Kaunti na lang, kapag ako nainis, siya na papagpabasahin ko ng mga ito.
"Aelia, mauna na ako, sa bahay ko na lang tatapusin itong ginagawa ko. Ikaw ba?"
Napahinto nanaman ako sa pagbabasa nang bigla niya akong kalabitin, and this time, hindi na siya nagpapaturo. Nagpapaalam na siya kasi uuwi na siya.
Instead of uttering a word, I just smiled at her and then waved my hand. Ganoon din ang ginawa niya sa akin bago umalis. She even told me na huwag masiyadong magpa-gabi kasi delikado nang umuwi. As if namang magco-commute ako, we have our family driver, puwede naman akong magpasundo.
~*~
PASADO alas-syete na nang makarating ako sa bahay at gaya nga ng plano ko kanina, nagpasundo ako sa family driver namin.
Hiniram ko sa library at dinala pauwi ang ilang librong hindi ko pa tapos basahin. Mayroong limang libro ngayon na nakatambak sa lamesa ko. Mabuti na lang at napag-desisyunan kong magbasa-basa kanina kasi nagkaroon ako ng idea kung paano uumpisahan ang libro ko. I became aware of the needed contents and even improved my writing skills after observing how the other authors played their words and diction.
"Miss, kumain na raw po kayo sabi nina madam," one of our maids said as she knocked and opened my door. Napatingin naman ako sa orasan ko, it's already 8:00 pm. Wala pa rin akong naiisip na plot para sa nobelang isusulat ko. Baka biglang hingiin ni Gael ang first draft, ayoko namang sabihing wala pa akong nagagawa. Nakakahiya at nakakababa ng pride. Ako pa naman ang nag-offer sa kaniya na ganito ang gawin namin.
"Tell mom and dad na done na akong kumain kanina sa labas, thank you," pagsisinungaling ko. Kapag iwanan ko kasi ngayon itong ginagawa ko para lang kumain, may tendency na lalo akong mawawala sa focus. Nahihirapan na nga akong mag-sulat eh. Siguro kung article ito o blog story, kanina pa ako tapos.
I grabbed a pen and started scribbling nonsense stories. Puro flash fictions lang nagagawa ko, hindi ko na kayang pahabain pa ang mga naisusulat ko. Paano ba ito nagagawa ni Charlotte?
Out of frustration, I opened my computer and then tried searching some of Charlotte's stories. I want to be familiar with her writing style in order to know how attack her without any mercy.
Pero sa halip na story ni Charlotte, iba ang bumungad sa akin.
And it made my heart leap.
Sunny's Blogspot.
I can't help it but to smile while reading the articles posted in here. It's all about Charlotte— her stories, darkest secrets, and even embarrassing moments na para bang kilalang kilala siya ng may-ari ng blog na ito.
I tried searching Charlotte's name once again pero nangunguna talagang sa mga lumalabas ang site na ito, ang blog na sigurado akong ikasisira ni Charlotte. It seems like someone really paid to promote and increase the audiences in this blogsite.
Good job, Sunny.
Sa halip na magsulat ay nawili ako sa blog. Nababasa kaya ni Charlotte ang lahat ng ito ngayon?
I feel pity for her pero if 'Sunny' will serve as a way to pull her down, then I'll be with Sunny. I'm sorry, Charlotte.
Minutes passed and nakaramdam ako ng gutom kaya napagdesisyunan kong bumaba muna para kumuha ng pagkain.
Pagdating ko ng kusina, halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nandoon pa si daddy. Nakapantulog na ito't may hawak na mug, sa tingin ko ay kape.
"D-dad," I stammered as I greeted him. He just gave me a nod as he mixed his coffee.
Bubuksan ko pa lang sana ang refrigerator nang biglang nagsalita si daddy.
"How's your novel?" He asked.
"Uhm... Great. Malapit na po akong matapos," I lied. If ever kasing sabihin kong wala pa akong nauumpisahan, he'll bombard me with endless sermons and comparisons with Charlotte. Gusto ko munang magpahinga kahit saglit lang.
Call me weird but my father's pressure somehow serves as my motivation to always stay on top. Nagrereklamo man ako sa ginagawa niya, pero hindi ko maipagkakailang malaki ang naitutulong nito sa akin to keep myself forward. Ito rin naman ang gusto ko, hindi ba? Kaya kahit nahihirapan na ako, hindi ko pa rin sinusuway ang tatay ko.
My dad instantly gave me a blank look after hearing my answer.
"Siguraduhin mo lang, Aelia. Ayokong mapahiya sa iba nating kapamilya, lalo na sa nanay ng pinsan mong iyan," he said which made me gulp.
"Opo," tangi kong naisagot. Nawalan na ako ng ganang kumain.
"I'll check your story tomorrow morning," he said kaya tumango naman ako.
I glanced at the wall clock located here in our kitchen, it's already past ten. Maling desisyon atang nagsinungaling ako.
Dali-dali akong bumalik ng kuwarto ko para magsulat, kailangan kong makakalahati kahit papaano ngayong gabi.
~*~
YOU have a new notification.
Sunny's Blogspot posted an article.
Carrie's New Novel []
See Live Comments:
SecretUser: Wow, new novel to boycott!
AntiFan123: Ang pangit naman pala ng plot ng bago niyang story. Buti hindi ako umorder noong pre-order period.
123abc: Whoever this Sunny is, well, ang laki talaga ng galit mo kay Carrie pero, thank you for opening our eyes about that flop author!
BINABASA MO ANG
Quill (✔)
Ficção Geral(RAW / UNEDITED : COMPLETED) Being a well-known writer is what they are born for, yet there are dark secrets that hinder something. As Aelia Rosenheim makes her name in the writing industry, Charlotte Millers starts to meet her tragic downfall as s...