A E L I A
"GAEL, wala pa rin talaga akong makita."
Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko habang kausap si Gael sa phone, pagkauwi kasi namin kanina galing sa fast-food chain, hindi na kami nagsayang pa ng oras. Pareho kami ngayon naghahanap ng ghostwriter na puwedeng gumawa ng story ko.
Marami na kaming nakausap na nag-offer kanina pero ni-isa, walang pumapasa sa akin. Sa sobrang taas ng standards ko, pakiramdam ko, sa ending ako pa rin ang magsusulat nito.
[Try natin tanungin si Kenzo? Baka may kakilala.] He suggested dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Are you nuts? Hindi nga natin pinapaalam sa kaniya ang tungkol dito kasi he will be against us. Mag-isip ka nga, Gael," I said out of frustration. Napatingin ako sa orasan, matatapos nanaman ang araw at wala pa rin akong nauumpisahan.
[Nag-biro lang eh. Kalma, makakahanap din tayo.] He said. Napaupo na lang tuloy ako sa harap ng computer ko, malapit nang mawalan ng pag-asa.
"Let's talk later na lang muna," I said and then turned off the call. Hindi ko na hinintay pang makapagsalita si Gael.
Susubukan kong maghanap pa sa iba pang mga freelancing sites ng commissioners na puwedeng tumanggap ng request ko. I'll update Gael na lang, wala rin kaming mapapala kung mag-uusap lang kami sa phone.
Hours passed pero puro mediocre stories lang ang nakikita kong ready-made na. Puwede naman sana akong magpagawa ng bagong story mismo kaso it'll take a lot of time to make one and hindi ko pa sigurado kung maganda ang quality.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang biglang may dumating na notification sa phone ko.
@Kenz07 retweeted @Sunny's tweet.
It was Kenzo. Ano itong ni-retweet niya?
Agad kong pinindot ang notification para makita iyon and to my surprise, it was one of Charlotte's bashers— the infamous Sunny.
My eyes squinted when I read his caption.
@Kenz07 retweeted.
This user proves how petty people can be.
Woah. First time kong makitang pumatol siya sa mga ganitong issue sa Twitter. Hindi ko akalaing may pakialam pala siya sa mga ganito.
Habang tinititigan ko ang retweet niya, biglang kumulo ang dugo ko. Basta talaga involved si Charlotte, automatic na umiinit talaga ang ulo ko.
I impulsively liked his retweet and then turned off my phone. Bakit kailangan niya pang kampihan si Charlotte? Tama kaya mga pinagsasasabi ni Sunny mapa-Twitter man iyan o sa blog niya mismo.
Imbes na isipin pa ang retweet ni Kenzo ay ibinalik ko na lang muli ang atensyon ko sa paghahanap ng ghostwriter. Ayokong magsayang pa ng oras lalo na't hindi sa lahat ng pagkakataon, may available na publisher na puwedeng mag-publish ng gawa ko— ipinagawa ko.
Habang nagtitingin ako sa bagong site na napuntahan ko, bigla nanamang tumunog ang phone ko, and this time, galing naman sa Instagram ang notification.
With confusion being evident on my face, binuksan ko ang Instagram account ko. Hindi naman ako active rito, bakit may notification?
My eyebrows furrowed when I saw a message request from a dummy account. Nang buksan ko iyon, my jaw almost dropped after reading the message.
'Hi, I heard that you need a ghostwriter. I have a ready-made novel and the price is negotiable. Here's the story synopsis and blurb.'
Agad kong pinindot ang naka-attach na file at binasa ang content. Unlike sa mga nauna kanina, nagustuhan ko ang daloy ng story nito. Even the choice of words and structure, it's undeniably neat!
I immediately responded with the commissioner. Maganda ang story na ito, nakapasa siya sa standards ko!
'Hello, how much po ba for the whole novel?' I asked. The moment I hit the send button, saktong tumawag si Gael.
[May nahanap na ako!]
"May nahanap na ako."
Sabay naming bungad ni Gael sa telepono. Bahagya naman akong natawa dahil doon, ganoon din siya.
"May nahanap na ako, I like her story. Promise, gusto mo mabasa?" I uttered. Tumawa naman siya sa kabilang linya.
[Sa IG iyan ano? Siya rin ang tinutukoy ko, ako ang nagsabi na mag-chat sa'yo. Magpasalamat ka sa akin, Miss Rosenheim.] He said leaving me speechless. Kaya naman pala biglang may random message na lang na darating sa inactive account ko.
"Ayoko mang sabihin pero thank you, talaga Gael."
Narinig kong humagalpak siya ng tawa sa kabilang linya kaya pinatay ko na ang tawag. Kinilabutan ako sa sinabi ko kanina pero totoong grateful ako sa kaniya.
Kung hindi dahil kay Gael, siguro sumuko na ako.
~*~
DAYS passed at nandito na sa akin ang novel na binili ko. It was attached in a document para raw ma-edit ko pa. Si Gael na pala ang nag-asikaso sa pagbayad. Since mukhang fresh account ang nagbenta, through cash and meet up ang ginawa naming mode of payment pero hindi na ako sumama. Hindi rin naman ako pinasama ni Gael kasi baka raw kriminal itong makahaharap namin, at least daw siya, kaya niyang tumakbo't iligtas ang sarili niyang buhay unlike kapag kasama ako na dalawa raw ang iniisip niya. Ayaw na lang sabihing pabigat ako.
Nandito ako ngayon sa library ng university namin, kaharap ko si Gael. Si Kenzo naman, busy daw sa practical nila ngayon kaya hindi niya kami mamemeet ni Gael, though nagco-comply pa rin naman siya sa company nitong isa.
"How's the story?" He asked habang nakaupo sa harap ko. Kasalukuyan naming binabasa ang buong nobela. Diretso na rin naming inaayos ang kailangang ayusin.
"So far, maganda naman ang daloy. Para talagang professional writer ang nagsulat," I commented pero mahinang tawa lang ang isinagot sa akin ni Gael. Hindi na siya nagtanong pa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko, nagkatinginan kami ni Gael nang kapwa naming makita ang pangalan ni Aunt Carmina sa caller's I.D.
Nagtataka ko itong sinagot. Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang iyakan sa kabilang linya.
[Aelia, n-nasaan ang papa mo?]
"Nasa school po ako ngayon auntie, hindi ko po alam kung nasaan. Bakit po?" I asked. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari, which is obvious naman.
Bigla kong nabitawan ang phone ko matapos marinig ang sinabi ni auntie. Namanhid bigla ang katawan ko, hindi ako makagalaw.
I may hate her but hearing this news turned my world upside-down.
[A-Aelia, Charlotte t-took away her own life...]
BINABASA MO ANG
Quill (✔)
General Fiction(RAW / UNEDITED : COMPLETED) Being a well-known writer is what they are born for, yet there are dark secrets that hinder something. As Aelia Rosenheim makes her name in the writing industry, Charlotte Millers starts to meet her tragic downfall as s...