A E L I A
[Flashback: Year 2021]
THIS is it! Today's the day where we would showcase our writing skills.
"Kinakabahan na ako," Charlotte whispered as she held my hand who is also uncontrollably shaking. Parang napapasa sa akin ni Charlotte ang kabang nararamdaman niya, lalo na't first time kong sasabak sa Division Schools Press Conference na ito.
"Laban lang guys, kalma," Kenzo whispered who just appeared out of nowhere, may hawak pa siyang cup ng kape na para bang wala lang sa kaniya na araw na ng contest ngayon. Mukhang sanay na sanay na siya ah? Sabagay, he won't be the Editor-In-Chief if wala siyang mga past experiences sa journalism.
I was assigned to compete in the Feature Writing category while Charlotte will compete under the category of Pangulong Tudling. Si Kenzo kasi ang sa english which is Editorial Writing.
Nandito pa rin kami sa school, hinihintay na dumating ang service namin papunta sa host school. Kasama namin ang iba pang journalists na hindi ko nakita noong kasagsagan ng training namin. Maybe because they're mostly from the Junior High School Department.
"Tara na!" Kenzo said when a school bus arrived and stopped in front of us. Lalong humigpit ang hawak sa akin ni Charlotte dahil sa kaba kaya kahit labag sa loob ko ay hinayaan ko na lang siya. Baka himatayin din bigla eh.
Also, seeing her suffer from nervousness makes me want to laugh. Nakaka-benefit din naman pala ako rito.
The team prayed first before we entered the school bus. Napakaingay ng biyahe dahil sa mga kasama naming Junior High School Students. Napagigitnaan ako ngayon nina Kenzo at Charlotte na kanina pa nag-uusap tungkol sa mga possible topics na lalabas.
"Are you sure na it's impossible na lumabas ang topic na ito?" Charlotte asked Kenzo.
"I'm not quite sure pero labas na kasi siya sa mga school affairs. Mostly, about DepEd ang ginagawang topic sa mga DSPC," Kenzo answered Charlotte.
And the saga continues. Bakit hindi na lang sila ang nagtabi? Nadadamay tainga ko sa kanila.
To ease my irritation, nakinig na lang ako ng music sa headphones. I even adjusted the volume to its maximum extent para hindi ko sila marinig.
Kailangan kong magrelax para mamaya. Why would I stress out myself about it kung nakapag-training naman kami? I'm 100% sure na handa na ako, kaya bahala sila riyan mag-brainstorming. Huwag na nila akong idamay.
I'll win this contest, sure ako riyan.
~*~
"HUWAG kang maingay!"
"Nangangawit na ako, gisingin mo na siya."
"You two look cute together pala, chief!"
"Sa totoo lang po. One who is feisty and then one who is calm. Perfect match!"
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang maramdaman kong may mga nakatingin sa akin.
"Shit!"
Agad akong napaayos ng upo nang mapagtanto kong nakasandal na ako kay Kenzo. Halos batukan ko na si Charlotte na tawa na nang tawa sa tabi ko. Ganoon din ang iba pa naming mga kasama.
"Ang bigat ng ulo mo," Kenzo exclaimed pero I just hissed at him. Yumuko na lang ako't niyakap ang sariling bag para makaiwas sa mga panunukso. Geez, nakatulog pala ako?
"Huwag ka na matulog, malapit na tayo," narinig kong bulong ni Kenzo pero hindi ko iyon pinansin. Wala na rin naman na akong balak matulog, gusto ko lang yumuko.
Wala pa bang itatagal ang biyahe na ito? Nauurat na ako.
~*~
"JUST remember, lay down facts as you highlight the story, okay?" My coach reminded me after we signed our names at the registration area. After kasi namin mag-register, pinapadiretso na kami sa mga assigned rooms per category. Hindi ko na rin nakita pa sila Charlotte magmula nang matapos ang opening program at orientation.
Nang makarating ako sa assigned room para sa aming mga Feature Writers, bigla akong nakaramdam ng kaba. Kakaibang kaba na parang naramdaman ko na ito noon.
The nervousness I felt during the journalism tryouts disguised as an Essay Writing Contest months ago at our school; it feels like the anxiousness I felt the moment Charlotte entered the room at that moment.
I shook my head to erase these thoughts. Focus, Aelia.
As the proctor handed us the papers and fact sheets, my mind suddenly went blank. Wala akong maisulat.
"I know you can do it, Aelia. Make me and your mother proud!"
Napalunok ako nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni daddy kanina bago ako umalis papuntang school. I took a deep breath and forced myself to write something about the topic given.
After an hour, the proctor collected our papers. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. At last, natapos din.
Nakakatawang isipin na confident pa ako kaninang makakaya ko pero pagdating doon, na-blanko ako. Pero ayos lang, sa tingin ko ay maganda naman ang nasulat ko.
Pero I was wrong.
~*~
"BAKIT hindi ka nanalo?!" My father almost roared the moment he knew about the results.
"Alejandro, natatakot ang bata," mom said, trying to calm him down pero wala pa rin iyong epekto.
"Your cousin won tapos ikaw, hindi? Nakakahiya ka."
Nanatili lang akong nakayuko habang nakikinig sa mga pangungumpara't insulto ni daddy. Wala rin namang ibang ginagawa si mommy para patigilin siya.
I didn't win the contest but, Charlotte did. She's qualified to enter the Regional Competition.
Siguro, kung hindi ako nablanko noong umpisa pa lang, nakapasok din ata ako.
"Aelia, sinabi ko na sayo, dapat—"
"Mananalo po dapat ako kung hindi niyo ako prinepressure nang ganito!" Kapwa silang natahimik ni mommy dahil sa biglaang pagsagot ko.
"A-ano?" My father asked as if he hadn't heard me the first time. I tried to compose myself at baka masampal na niya ako kapag inulit ko iyon.
"Mauna na po ako, dad, mom," I said and then walked out of his office. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila nilingon pa. Nagsasawa na tainga ko sa mga sermon nilang paulit-ulit na lang.
Pagdaan ko ng living room, nandoon si Charlotte, mukhang kanina pang nakaupo roon at may hinihintay.
Of course, ako iyon.
"Aelia!" She exclaimed and ran straight at me but I just shoved her off.
"This is all your fault," I mumbled.
"What?" She asked, confused. Hindi ko na siya pinansin pa't naglakad na lang pabalik sa kuwarto ko pero she can't take a hint na ayaw ko siyang makausap, sinundan niya ako.
"What did I do? Aelia, please. Talk to me," she almost pleaded pero sinaraduhan ko lang siya ng pinto.
"If nagagalit ka na nanalo ako sa contest, I just did my part as our school's representative. Hindi ko kasalanang nanalo ako't ikaw hindi. It's not my fault that you didn't did your best," I heard her say before leaving. Napakalinaw ng sinabi niya sa akin and to be honest, her words stung like a bee.
Is it really my fault? Hindi eh. It's their faces that keeps on flashing on my mind kanina habang nasa contest kaya ako na-blanko.
My mom, dad, and even her, Charlotte. Hindi ko maatim na makitang nakakangiti siya everytime she wins or lose. I envy her.
I hate to admit it but, I'm envious of her.

BINABASA MO ANG
Quill (✔)
Fiction générale(RAW / UNEDITED : COMPLETED) Being a well-known writer is what they are born for, yet there are dark secrets that hinder something. As Aelia Rosenheim makes her name in the writing industry, Charlotte Millers starts to meet her tragic downfall as s...