Chapter 19

17 19 11
                                    

A E L I A

TIME check: 6:30 am.

It's been hours yet I still hadn't finalized my plot. Marami na akong naisulat pero pakiramdam ko, hindi pa rin iyon sapat kaya umuulit nanaman ako.

Wala pa akong tulog, ayokong matulog knowing na wala pa akong matinong nauumpisahan. Alam kong hindi na ito dahil sa pressure ni dad, ginusto ko na rin ito. I'm determined to write a story— a novel, that will crush my cousin down.

May klase kami ngayon pero here I am, currently inside my room, staring at my blank notepad— wondering how on Earth would I write a novel that would surpass my cousin's achievements in being a novelist.

Amoy kape na ngayon ang kuwarto ko, five times na ata akong pabalik-balik sa kitchen para mag-refill ng kape't malabanan ang antok.

"Aish!" I exclaimed as I read the latest draft that I've written. Ang pangit!

Magsusulat na sana ulit ako nang biglang nag-ring ang phone ko, someone's calling. Sinong matinong tao ang tatawag nang ganito kaaga?

"Hello?" I said as I answered, I even almost yawned, mabuti na lang at napigilan ko.

[Hello, good morning Aelia. Naistorbo ko ba ang tulog mo?]

Napatingin ako sa caller I.D. nang mapagtanto kong pamilyar ang boses ng nagsasalita.

It was Gael.

"Hindi pa ako natutulog," I responded. I heard him gasped from the other line, OA talaga.

[Why? Don't tell me, you're forcing yourself on that novel of yours? Aelia, magaling ka sa ibang bagay. Huwag mo nang pilitin ang sarili mo kung hindi mo na kaya] Dama ko ang pag-aalala sa boses niya pero hindi ako nakinig sa kaniya.

Noon pa man din, hindi na ako nakikinig sa kaniya. Anong pinagkaiba niyan ngayon?

"Kaya ko ito," I almost whispered.

[I'll cut off our deal if ganito lang din naman ang gagawin mo.] He said dahilan para magising ang diwa ko.

"Huwag!" I shouted. Huminga muna ako nang malalim bago siya kausapin ulit.

"Kaya ko ang sarili ko, Gael. Alam ko ang ginagawa ko, alam ko kung hanggang saan lang ang kaya ko. Just... just stick up with our deal. Thank you," I said before turning off my phone.

Kung magbago man ang isip ni Gael tungkol dito, pipilitin ko ulit siyang makiisa sa akin. Hindi ko kakayaning maging isa sa mga sikat na manunulat ng bansa kung hindi niya ako tutulungan.

Gagawin ko na talaga ang lahat maibalik lang sa dati ang tingin sa akin ng mga tao, lalo na ng mga malalapit sa akin.

My gaze turned to the family picture beside my working area and it immediately made me plaster a bitter smile on my face.

I was good at everything. My family adored me not until she came... Only when Charlotte entered the frame. She took everything away from me. The attention, the love, my family, and even the fame that is meant to be mine.

A loud sigh was heard when my timer rang. Okay, back to work, Aelia.

Nang paupo na ako ay may napansin ako bigla. My eyes widened when I noticed how messy my room was. Am I this busy to the point that I tend to ignore my surroundings?

"Aelia!" I froze when I heard a familiar voice. The door swung open, and my dad came in.

"How's your story— what the... Anong klaseng kuwarto ba ito!? Ang kalat. Mabuti pa si Charlotte, napaka-organisado. Bakit hindi mo siya gayahin? Kaya ka nalalamangan eh!" He exclaimed and slammed the door after preaching. I bit my lower lip after absorbing what he said. Napupuno na ako.

"Puro nalang Charlotte." I whispered to myself and grabbed my pen. I scribbled something on my paper while pouring my heart out. I must finish this draft soon or never.

I crumpled the paper for the ninth time. I'm not satisfied with what I am writing. Ano ba! I'm getting frustrated na.

"Hindi naman ako ganito noon," I mumbled and started writing once again. I may not be feeling well, dala na rin siguro ng antok kaya hindi na ako nagfafunction nang maayos.

My pen suddenly fell when my phone rang once again. Hindi ko na sana ito papansinin kasi akala ko si Gael nanaman pero the moment I peeked through the caller I.D., I immediately creased my forehead.

Charlotte is calling,

I took a deep breath before answering the phone call.

Bigla akong natigilan nang marinig ko ang mga hikbi niya sa kabilang linya. She's crying.

[A-Aelia... Sunny... S-sunny is....]

Her voice is full of pain. She's crying— she can't even finish a sentence pero parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

[A-are you sure you're not her?] She asked between her sobs. Ako talaga ang suspect niya na naninira sa kaniya through blogs.

Hindi ko na sinagot ang tanong niya't pinatay ang tawag. Call me evil but her pain caused me to form a smirk on my face.

'Oh, dear Sunny, you're making my job and plan easier than expected.'

~*~

"MUKHA kang zombie. No offense ah? You're pretty Aelia pero ngayon, hindi maipagkakailang mukha kang zombie. Ang laki ng eyebags mo," puna nanaman ni Gael. Pang-sampung beses na ata ito.

We're currently here at the nearest fast-food chain, discussing about something important— my novel.

"Wala ka talagang maisip na plot? Writer's block?" He asked. Tumango naman ako while sipping at my coke float.

"Paano na iyan?" Tanong niya muli. Nagkibit-balikat lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap, inaantok din pa talaga ako.

"Grabe, parang dati lagi tayong nag-aaway tapos ngayon, tinutulungan na kitang maresolbahan mga problema mo," he said out of nowhere, parang tanga lang.

"Kailangan mo rin naman kasi ang tulong ko," I answered which made him laugh.

"Okay, sabi mo eh," aniya na para bang ayaw niya nang makipagtalo sa akin.

Mabuti naman.

Wala nang nagtangkang magsalita pa sa amin. Hindi rin kasi ako makausap ni Gael nang maayos kasi maya't-maya'y humihikab ako. Feel ko nga gusto na niya akong pauwiin eh kaso hindi pa ubos ang pagkain.

As I was getting used to the peacefulness and comfort, biglang nagising ang diwa ko nang hampasin niya ang lamesa. Nakakagulat naman siya!

"Alam ko na kung paano natin matatapos ang novel mo," he said. Parang biglang nawala ang pagka-antok ko't nakinig nang mabuti sa sasabihin niya.

"Don't tell Kenzo about this. I'm sure na makasisira lang siya sa plano natin," he said as a disclaimer, pabitin naman!

"Ano ba iyon?" I asked— nawawalan na ng pasensya.

"Bumili tayo ng gawang novel and let's name it as yours," aniya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Hindi ba ako makakasuhan ng plagiarism niyan?" I asked. Nahihibang na ba siya?

"No, sa mismong author tayo bibili. Parang ghostwriting ba, and tayo-tayo lang naman ang nakakaalam," seryoso niyang sambit which made me realize something.

May pera naman ako para bumili, maybe walang masama kung gawin ko ito? Right? Besides, pati ang copyrights, kasama na iyon sa binayaran ko if parang ghostwriting ang tinutukoy ni Gael.

I took a deep breath as I made my final decision.

"Let's do it, Gael."

Quill (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon