A E L I A
"NABASA mo na ba?"
Halos mabilaukan ako sa tinapay na kinakain ko ngayon dito sa cafeteria nang biglang sumulpot sa harap ko si Gael. Mukhang galing lang siya sa klase nila kasi may bitbit pa siyang mga plates.
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa tanong niya. If he's pertaining about the articles written for Charlotte, then I don't give a damn anymore. Late na nga akong umuwi sa bahay kahapon tapos maagang pumasok ngayon para matakasan sina mommy at daddy tungkol doon, tapos ito ngayon si Gael, feeling close masiyado para makipag-tsismisan.
"Ang taray mo talaga," he commented pero ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ng sandwich at hindi ko na siya pinansin pa. Wala tuloy siyang choice kundi ang umalis.
Good. Wala nang istorbo sa pagkain ko.
Susubo pa lang sana ako ulit nang biglang may umupo nanaman sa harap ko, and this time, it was Kenzo.
Magsasalita pa lang sana siya pero bigla nanamang may tumabi sa kaniya, and guess who? It was Gael, may dala na ring pagkain. Ano bang ginagawa ng dalawang ito sa harap ko ngayon.
"Not because I accepted your offer to be part of your company, you guys can treat me as your friend. Well, sorry to burst you bubble, boys, I am not your friend," I said making them to look at each other.
"Eh, girlfriend. Puwede?"
Humagalpak bigla ng tawa si Gael matapos akong literal na mabilaukan dahil sa sinabi ni Kenzo. Agad akong uminom ng tubig at wala sa sariling binato ang table napkin sa kanila. Pare-pareho kaming tatlong nagulat sa ginawa ko.
Shit, madumi na ata ang table napkin na iyon!
"Dati pa talagang palaban itong si Aelia. Kung noon, matalas lang magsalita, ngayon naman, mapanakit na," pagbibiro ni Gael dahilan para tarayan ko siya.
"Nakaka-miss ang panahong kinakalaban ko pa noon si Aelia sa school, wala rin lang naman pala akong mapapala roon. We could've been friends before," dagdag pa niya at umaktong naiiyak kaya napailing na lang ako't nagwalkout kahit na hindi ko pa ubos ang sandwich ko.
I just want to eat peacefully.
Napagdesisyunan kong sa open field na lang kumain tutal marami namang puno at mga bench doon. Makakapagpahinga pa ako kasi mas mapayapa roon kaysa sa cafeteria.
"Hey, feel ko talaga si Charlotte pinapatamaan diyan."
"The writer? Well, she looks nice kaya, feel ko new AU story lang iyan."
"Yeah, sa tingin ko rin AU lang iyan."
Agad na napantig ang pandinig ko dahil sa usapan na iyon, nasa likuran ko lang sila nakaupo. Are they talking about Charlotte?
Umayos ako nang upo para makapag-eavesdrop pa ako nang mabuti, what if si Charlotte nga talaga topic nila? She's a trending topic right now pa naman— and that makes my blood boil.
"Wait, girls, hindi ko maintindihan pinag-uusapan niyo," one of them said.
"Check your Twitter kasi, sis."
Agad kong kinuha ang phone ko matapos marinig ang kanilang usapan na para bang ako ang inutusan ng isang babae na tignan ang Twitter ko. The moment I opened my Twitter account, I immediately searched Charlotte's name and there I saw a famous Tweet wherein #Charlotte is involved.
BINABASA MO ANG
Quill (✔)
General Fiction(RAW / UNEDITED : COMPLETED) Being a well-known writer is what they are born for, yet there are dark secrets that hinder something. As Aelia Rosenheim makes her name in the writing industry, Charlotte Millers starts to meet her tragic downfall as s...