Chapter 9

22 22 11
                                        

A E L I A

It's been a week since Gael asked me to work for him.

He never contacted me again after our talk at the cafeteria. Hindi ko na rin siya nakita ulit dito sa university.

While for Kenzo, I learned na he's a new student here in our university, irregular student nga lang kasi he's also running his own business— and I don't know kung anong business iyon. Nalaman ko lang lahat ng ito sa blockmate kong natitipuhan siya.

Kasalukuyan akong nasa library ngayon, naghahanap ng mga possible related literature para sa thesis namin. Limang libro na ang nandito sa table na inuupuan ko ngayon, wala akong makitang fit para sa topic namin.

Papunta pa lang daw mga kagrupo ko rito. As if namang maniniwala ako sa 'on the way' nilang two hours na ang nakalipas? Sayang kasi, bawal mag-individual thesis.

"Hi, Aelia."

I almost screeched when someone suddenly placed a pile of books in front of me, puro siya pang-medical.

It was Kenzo.

"Maraming bakanteng upuan, bakit nandito ka?" I asked him pero he just shrugged his shoulders before opening a book. Magrereview siguro ito.

"Gusto lang kitang samahan," he simply answered.

"I prefer to be alone," sagot ko naman sa kaniya't ipinagpatuloy ulit ang paghahanap ng articles para sa RRL namin.

"About Gael's offer—"

"Don't mention it, if he's up to my deal then he will contact me as soon as possible," I cut him off.

My eyebrows immediately meet the moment he closed his book and faced me.

"Your deal was vague. Pati ako naguluhan nang sabihin mo iyon," ani Kenzo at nagbasa ulit.

"I just asked him to help me get everything I want. Anong malabo roon?" I asked yet, he just chuckled.

Ano nanaman ba? Pinagtatawanan niya ba ako?

"Maingay ka na pala ngayon, Aelia. Parang dati, kailangan pang kulitin ka ni Charlotte para lang magsalita," he commented pero I just rolled my eyes at him.

Imbes na sagutin siya ay itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa librong kanina ko pa hawak. Istorbo sa buhay itong si Kenzo.

"Sana pala hindi ko na lang pinuna, nanahimik tuloy ulit," bulong niya pero narinig ko pa rin iyon. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Ganoon din ang ginawa niya.

Finally, peaceful na ulit.

Nang matapos ko ang binabasa ko ay napagdesisyunan kong sa bahay ko na lang ipagpatuloy itong ginagawa ko. I can't share and breath the same air with Kenzo, nakaka-suffocate.

Paalis na ako nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Grabe, role niya ba sa buhay ang pigilan ako palagi?

"Ano?" I asked him with a hint of being annoyed.

"Meet us later, 6:00 pm. Sa Jollibee malapit dito sa university," he said before letting me go.

May inabot siya sa akin na papel bago damputin ang mga gamit niya't umalis. Nang tignan ko ang papel ay agad akong bumuntonghininga.

Quill (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon