CHAPTER 6
Known
Kuya did not say anything nang dumating sila mommy and daddy. Tahimik lang siya at panay ang lingon saakin,hindi tuloy ako naka-kain ng maayos kaya naman kumukulo ang tiyan ko ngayon.
Pwede kaya akong pumunta sa kusina para kumain? Wala naman ang mga kasambahay namin ngayon kanina pa sila umuwi. Kaya feeling ko safe naman.
Sandali pa akong nag isip kung baba or hindi pero dahil sa kalam nang tiyan ay naisipan ko nang bumaba, patay na ang ilang ilaw tanging ang kusina at veranda na lang ang bukas na ilaw. Dahan dahan lang ang lakad ko para hindi ako makagawa ng ingay.
Nang umuhip ang malamyos na hangin ay bahagya pang tumaas ang mga balahibo ko. I'm just wearing a silk sleepwear terno sando ang pantaas at pajama sa baba.
Nang makarating sa kusina ay nag hanap agad ako ng pwedeng pantawid gutom. Dahan dahan pa ako sa pag bukas ng ref. Nang makakita ng cake ay inilabas ko na ito, medyo mabigat pa siya dahil hindi nila ito naubos kanina.
Mantakin mo naman kasi na bawat subo ko nakatingin sa akin si kuya, baka sabihin niya ang siba ko kumain wala naman akong ginagawa dito sa bahay. Scary shit!
Tumikim muna ako ng konti bago ako nag slice ng malaki. Nanlaki pa ang mata ko nang matikman ang cake. Kumuha ako ng malaking slice bago ko ito binalik sa ref.
Nakatitig ako ngayon sa glass slide nang aming bahay tanaw dito ang aming fountain at ang Glass garden ni mommy kaya lang may narinig akong mahinang yapak mula sa hagdan. Mula sa salamin ay nakita ko ang isang bulto na pababa. dahil sa kaba ay mabilis akong nag tago sa may ilalim ng lamesa.
Palakas ng palakas ang mga yapak kaya naman napatakip ako ng bibig para hindi makagawa ng ingay. Hinihintay ko na may dumaan sa gilid ko kaso wala.wala na rin akong narinig na yapak.
Taka man ay minabuti kong itago ang sarili. "The heck Who's there? I know someone is there."
Ate Monique,the mukang masungit kong ate. Pero mabait naman siya,muka lang maldita kasi kamukha ni mommy.
"Amethyst is that you? If you're there you can show up hahhaha come on." mula sa pinag tataguan ko ay inilabas ko ang ulo ko,nahihiya pa akong ngumiti sa kanya. Nahuli ba naman ako!
"Why are you hiding from me?"
"Nahihiya po kasi ako ate." kumunot ang kanyang noo bago lumapit sa akin, sinilip niya pa ang nasa plato bago siya ngumisi. "Lil sis you don't have to be shy around us, we're your family ghurl. Wag mo na lang pansinin masyado sila Carter and the rest medyo masungit talaga ang mga yun, pero... there good naman , ilap lang sila masyado sa strangers."
Aray stranger, sabagay ngayon lang din nila ako nakasama.
It's been just three weeks since I left that room. My thoughts lingered to what if's. Matagal nila akong hindi nakasama isa pa hindi rin ako inexpose nila mom and dad sa kanila. Hindi ko man alam kung bakit pero meron naman sigurong malaking dahilan.
Napansin ata ni ate Monique na natahimik ako kaya naman ay lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang mag kabila kong kamay. Her hands are soft and her skin is like a paper white,she's so gorgeous,but still her face is so strict,like mom features. Dad has a wavy hair na namana niya, muka siyang girls sa magazine.
"Amethyst, you're my sister. God knows how much we look like, you have an angelic face than mine, i look so strict like? ..." she chuckled a bit. " People will eventually root for you to marry their son if you just knew, but of course mom and dad had a little pag aalinlangan. Don't worry, I will help to fix it already."