Paintings
"Arthur, hey!"
Kasunod nito ang boses ng isang babae,mas lalo akong na curious nang ayaw akong palingunin ni kuya.
" hindi ka nila pwedeng makita thyst, go inside i will talk to them. Pumunta ka muna kay Monique or kay mom, hanapin mo muna sila ok?" tumango ako sa sinabi ni kuya tsaka ako patakbong pumasok sa loob.
"Mom? Ate Monique?!"
Hindi ko pa gaano kabisado ang bahay kaya naman hindi ko alam kung saan na ako unang pumasok. Basta nang makakita ako ng pintuan ay binuksan ko na ito agad.
Tumambad sa akin ang isang madilim na silid, tanging liwanag mula sa buwan ang nag si-silbi nitong liwanag.
I squinted my eyes to adjust from the sudden darkness. Just like the old times when I adjusted my sight in my dark room. The difference is that my room has been my comfort zone all through the years and now that I'm in a dark place, I just realized that darkness is the place where I belong or is it just my imagination?
I start to walk where the light came from. The ceiling is too high. Para akong nasa kastilyo at napapaligiran ng maraming painting. Yes ang kuwartong napasukan ko ay puro mga painting. Old and new. Napansin ko rin and dalawang upuan magkaharap at nababalot the puting tela. May isang lamesa na mukhang study table. Hawig nito ang lamesa ko sa kuwarto. Hanggang doon lang ang kayang masilawan ng buwan.
Isang malakas na tawag ang nag patalon saakin, sa gulat ko ay tumakbo ako at nag tago sa isang sulok.pigil hininga at pawisan na ang aking kamay dahil sa kaba. Nakalimutan ko na pinapahanap nga paala saakin ni kuya sila mom and ate shantel. Dad is in the office since it's just 6 o'clock pm pa lang i think.
"Amethyst?!"
Mula sa pag kakatago ay inilabas ko ang ulo ko at doon ko nakita si kuya anthony na nakatayo sa may malaking pintuan at hinihingal pa, napansin ko rin ang kanyang pawisang noo.
Napaisip tuloy ako na baka kanina pa nila ako hinahanap. Unang araw ko pa lang sa labas ay gulo na ata agad ang nangyari. Nakaka-abala kaya ako sa kanila?
"Kuya! I'm here po"
"Shit! What are you doing here? Akala ko naman ay sinunod mo ang utos kong hanapin si mom and shantel, nasa kabilang side ang mga kuwarto thyst, pinakaba mo kami lahat."
"Sorry po kuya, nakalimutan ko kasi kung saan banda ang mga kuwarto, huwag na po kayo mag alala saakin wala naman sigurong kukuha saakin."
Hawak niya ang pulsuhan ko, sabay kaming lumabas. Nadatnan ko pa ang ilalang kasambahay, ang iba'y nakita kong umirap muna tsaka tumingin kay kuya.
Nagalit ko ata sila.should i say sorry too? Hindi ko naman kasi namalayan na sobra na akong napatitig sa mga paintings at hindi ko na namalayan na lagpas trenta minuto na ako sa loob.
Seems like darkness is my best friend.
Inisa isa kong tinignan ang mga kasambahay habang nag sasalita si kuya. Hindi ko na nga masundan pa ang kanyang mga sinasabi kaya naman ay pinag masdan ko na lang ang mga kasambahay na nakiaakinaig sa kanya.
Nang lumingon ako sa may bandang kusina ay nakita ko ang isang babae nakatitig rin ito saakin. Madilim man sa bandang yon ng kusina nakita ko pa rin ang mahinhin niyang kaway.
"Call her Amethyst, she's my second sister, I want each one of you to guide her in this mansion. Hindi niya pa kabisado ang mga likuan dito, kaya naman ay kung puwede ay ihatid niyo siya."