02

50 3 0
                                    



"Anak, what do you want for breakfast tomorrow?" Napalingon ako kay mommy na nasa may pintuan na pala ng room ko. Hindi ko napansin ang pagbukas niya dahil bussy ako sa mga assignment na kailangan kong ipasa para bukas.

"Nothing specific naman mommy but i want something green." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. Naka suot ng floral red rose dress si mommy at naka bun ang kulay brown nitong buhok.

"Okay, Anong oras ka uuwi bukas?" She asked. Naglakad pa siya papasok ng tuluyan sa kwarto ko at tumayo sa gilid ng table ko.



Tingnan ako ni mommy na para bang mapapagalitan nanaman ako. ayun kasi ang nangyare kagabi pero slight lang naman.



Nag isip pa ako habang nakatingin sa kusame bago sumagot. "What if... Mag overnight kami kila daya?" Masayang suggestion ko.



"Aray!!" Sigaw ko ng batukan ako ni mommy. "Ayan ka nanaman sa overnight na'yan! hindi kana natapos dyan para kang boang.." May gigil na sabi ni mommy.


"Joke lang naman... Hindi kana mabiro." Kamot ulo kong sabi saka inayos ang buhok ko.



"Magpasalamat ka nalang talaga at hindi kita pinag babawalan gumala.. pero huwag kang abusado, Malilintikan ka talaga sa akin. Hopia ka!" Dagdag pa ni mommy.




"Hehehe... Hindi naman ako abusado mommy. Nauwi naman ako ng umaga." Pag bibiro kong sagot. Tumataan naman ang kilay ni mommy at umiling.




"Ewan ko sayo, parehas kayo ng tatay mo." Irap pa nitong sabi sa akin. Pinagmasdan ko naman ang suot na dress ni mommy.




"Gabi na mi, bakit nakasuot kapa ng dress? May date kayo ni daddy?" Pang ookray ko. Napangiti naman si mommy at nag flex pa nga ng dress na suot niya.



"Well... May date kami ng daddy mo, kaya dito ka lang sa bahay." Nag make face pa si mommy na para bang nang aasar pa.



"Sus.. para naman maiinggit ako. Kahit mag anak pa kayo ng isa eh! okay lang sa akin basta hindi na ako kasama sa date ng matatanda." Pang aasar ko nanaman kay mommy.



"Ah! ganon?! o sige! Huwag kang hihingi ng pasalubong ah." Pang black mail nitong sabi. "Weh?? Bibilihan naman ako ni daddy. Kunwari pa kayo." Sagot ko.



"Aba't ayaw maniwala. Pero bahala kana dito sa bahay ah. Nandyan naman si Ate moka mo kapag may kailangan ka. Tumawag ka lang." Sabi pa ni mommy. Tumango lang ako at tumayo upang yakapin siya.

"Okiiee.." Malambing na sabi ko.



"Mag aral kana ulit," Paalala sa akin ni mommy pagkatapos ko siyang yakapin. Bumalik nga ako sa pag aaral noong umalis na si mommy sa kwarto ko.



Nagbasa-basa lang ako ng mga next lesson nami at pagkatapos nga non ay nag instagram na ako.


Habang nag scroll ako sa instagram ay nakita ko pa nga ang mga post ni daya noong nakaraan nag inuman kami sa restobar nila. Halos wala naman kaming matinong picture dahil puro wakkie ang mga kuha ko. May mga nakataas pa ang buhok ko. Napapaisip nalang tuloy ako kung anong klaseng ispirito ang sumanib sa katawan ko at ginawa kong gaga ang sarili ko.



Napansin ko pa nga ang mga pictures na hagip si kiro. May mga pic pa ito na nag iinom habang tahimik lang sa likod ng mga kasama namin.



Kaagad naman akong nag screenshot ng picture niya.....


Sobrang private naman nitong tao na'to, i mean... Ganon nalang ba talaga? Masyado naman 'tong private na akala mo artista. Well sabagay may mga tao nga naman na ganon.

Chasing the Symphony Where stories live. Discover now