13

17 3 0
                                    


"Vacation na!" Excited akong lumabas ng kwarto ko upang sabihin 'yon kila daddy, but it turns out. Wala silang dalawa ni mommy. Nasa Resto na sila, kaya naman ako nalang ang naiwan mag-isa sa bahay. Nasa bakasyon din, kasi ang mga kasambahay namin.


Bored na bored akong bumalik sa kwarto ko. Kahapon lang natapos ang second sem namin at sila kiro naman ay may exam pa hanggang ngayon.


Bumalik nalang ako sa pagkakahiga at napatitig sa kisame. Bakasyon na at parang wala naman akong balak sa mga susunod kong gagawin. Marahan akong napabuntong hininga.


Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa side table at nag scroll nalang ako sa Instagram. Wala naman akong masyadong makita sa mga post ng mga kaibigan ko dahil matagal na noong huli silang mag post, kaya naman naisipan ko nalang na mag post ng picture namin nila kiro noong nasa La Union kami.



Tuwang tuwa pa ako habang pinagmamasdan ang mukha ng mga kasama ko. Halos, kasi wala naman kaming matinong kuha bukod sa mga group picture nami. Nag post nalang din ako ng picture na magkasama kami ni kiro habang nasa tabing dagat kami. Nakaupo kami sa buhangin at may hawak siyang gitara at ako naman ay nakaupo katabi niya.


Pagkatapos ko nga mag post ay binalik ko na din ang phone ko sa side table at nag decide na maligo nalang. Siguro ay mag-sideline na muna ako sa resto namin ngayon bakasyon. Para naman magamit ko din ang mga skills ko.


Mga bandang 10:30 na ako nakarating sa Shop at naabutan ko nga doon na nag-re-ready na sila daddy for lunch dahil dadagsa nanaman ang Tao.



"Oh! Why are you here?" Tanong ni mommy. Nasa counter si mommy at siya ang cashier ngayon. "Wala lang, bored na ako sa bahay eh." Nag kiss pa ako kay mommy saka kinuha ang apron niya. "Ako nalang muna ang magka-cashier." Sabi ko kay mommy. Malawak naman na ngumiti sa akin si mommy. "Thank you! Anak." Ngumiti lang ako kay mommy habang nag-re-ready na ako sa cashier.



Spanish-Filipino restaurant ang business ni daddy at si mommy naman ang tumutulong sa kanya. Actually, may sampung branch na din ang restaurant ni daddy, but this shop was really special for us. Dito kasi nabuo lahat. Ever since bata pa pangarap na ni daddy na magkaroon ng restaurant, kaya naman when he had the chance to study. Culinary na ang kinuha niya.



Habang nasa cashier nga ako, nakita ko naman na lumabas si daddy mula sa kitchen, habang naka suot siya ng apron at hairnet.



"Hi Chef!" Pag bati ko kay daddy. Napalingon naman siya sa akin at nagtataka na tumingin sa gawi ko. "Oh! Chiara, bakit ka nandito? Tapos na ba ang klase nyo?" Tanong ni daddy. May kinuha lang si daddy malapit sa counter na mga boxes. "Yes, dad, kahapon lang." Sagot ko. Tumango-tango naman si daddy.



"Ikaw ang cashier ngayon?" Tanong niya pa. Agad naman akong tumango. "Yes, dad, para naman may magawa ako ngayon bakasyon." Sagot ko.



"Pagbutihan mo." Ayun nalang ang tanging nasabi ni daddy bago ulit siya pumasok sa loob ng kitchen dala-dala ang isang boxes na sa tingin ko ay ingredients ang laman.



Hindi nga nagtagal ay dumagsa na din ang mga tao sa restaurant. Halos mga office worker din ang mga customers namin dito dahil sa tapat lang din 'to ng Isang business firm.


Noong mag umpisa ng dumami ang mga tao ay kanya-kanya na kami sa mga ginagawa namin habang si mommy ay nag supervise lang sa resto.


"Bill for Table 10" pagkasabi sa akin ng staff ni daddy ay kaagad akong nag print ng receipt ng bill at binigay 'yon sa staff upang iabot 'yon sa customer. Noong makuha ko na ang bayad ay kaagad din akong nagsukli. Ayun lang ang ginagawa ko sa cashier. Mag-in-code ng orders at mag-print ng bill. Sanay na din ako sa mga ganoon dahil ilang tao palang ay sinanay na ako sa mga ganoon gawain.



Mga bandang 3:00 PM ay pinalitan na din ako ni mommy, kaya naman ako naman ang pumalit upang kumuha ng orders. Bawal kasi akong pumasok sa kitchen. Mahigpit si daddy, especially in the kitchen, dahil sanitized ang area na 'yon.



Doon ko nalang iginugol ang buong atensyon ko. Hanggang sa mag-sara ang shop. Sila mommy na ang nag-close at pinauna nalang nila akong umuwi.



Pagkarating ko nga sa bahay ay naligo ako kaagad at nagpahinga. Hindi ko na nagawang tingnan ang cellphone ko dahil na din sa sobrang busy ko ngayon araw.


Nagising nalang ako marinig kong may kumakatok sa pinto. Nakapikit pa ang mata ko, habang naglalakad papunta sa pinto.



"Chiara, let's eat." Pag aaya sa akin ni daddy. "Sige dad, baba lang ako." Sagot ko. "Bilisan mo at baka lumamig na ang pagkain." Sabi naman ni daddy. Napatango nalang saka ko inayos ang sarili ko.


Noong makababa ako ay naghihintay na si daddy at mommy sa akin sa dining table. "Kain na" Nakangiti si mommy sa akin. Umupo naman ako sa tabi ni mommy. Nakita ko naman na kalderetang baka ang ulam namin, kaya naman tuwang-tuwa ako.


Mga 8:40 na din kami nakapag umpisang kumain. Noong mag umpisa kaming kumain ay halos walang nagsasalita sa amin tatlo nina daddy at mommy. Dahil na din siguro ay pare-pareho kaming pagod.


"Nga pala chiara, kailan mo ipapakilala ang boyfriend mo sa amin." Nagulat naman ako sa sinabi ni daddy dahilan para masamid ako. Kaagad naman akong inabutan ng tubig ni mommy. Halos maubo-ubo pa ako. Habang si daddy ay seryosong nakatingin lang sa akin at hinihintay ang sagot ko.



Napatingin naman ako kay mommy na para bang sinasabi sa akin na huwag akong kabahan. Pero kahit ganoon ang expression ng mukha niya ay mas lalo akong kinabahan. Seryoso kasi ang mukha ni daddy at hindi ko alam kung galit ba siya or hindi.




"Ahmm.. Kung kailan kayo available, dad." Sagot ko nalang. Bumalik ako sa pagkain habang iniiwasan ang tingin na iginagawad sa akin ni daddy.




"I'm always free. Bakit hindi mo siya ipinakilala sa akin at kailangan ko pang malaman from your mom." Seryosong sabi ni daddy. Halos lamunin na ako ng kaba ko ng mga oras na 'yon.


"Actually, dad, you know him. Do you remember the guy I introduced to you last time?" Kinakabahan na sabi ko. Nagtataka naman na tumingin sa akin si Daddy. "You mean yung Med Tech?" Dagdag pang sabi ni daddy dahilan para mas lalo akong kabahan.


"Yes, dad, siya nga." Sagot ko.



"Eh matagal ko na palang kilala bakit hindi manlang siya humarap dito sa akin." Mas diin na sabi ni daddy. Napabuntong hininga nalang ako.


"He's busy, kasi dad, and I'm not even ready to introduce him to you." Sagot ko.


"Bring him here tomorrow. I need to talk to him." Seryosong sabi ni daddy. Napatango nalang ako habang si mommy naman ay tahimik lang sa gilid. This is the first time na parang nagalit sa akin si Daddy.


Para tuloy akong high school sa lagay kong 'to.



Pagkatapos nga namin kumain ay kaagad akong nagpunta sa kwarto ko. Pagkakuha ko nga ng phone ko sa side table ay kaagad kong binuksan 'yon at halos sumabog nga iyon dahil sa notification ko. Puro message sa GC. Si daya nagaaya mag-bar kasama ang tropa.


Nakita ko naman din kaagad ang call message sa akin ni kiro.


From: K_O99

Hi! Love. I'm going to school, na! Take care.

Love, I'm done with my exam. How are you doing?

Love? Are you busy?

I guess you are. Just message me if you happen to read my message. Love you!


Pagkabasa ko nga sa mga messages ni kiro ay kaagad akong nag reply.

To: K_O99

Hi! My love! I'm so sorry for just replying now; I got busy at my parents restaurant, btw. Are you busy tomorrow?


Pagkasend ko ng message kay kiro ay kaagad naman siyang tumawag sa akin.



Humiga muna ako sa kama bago sagutin ang tawag niya at ng maiayos ko na ang sarili ko ay kaagad ko din naman sinagot ang tawag niya.



"Hi!" Bungad niya sa akin sa kabilang linya. Nasa room niya din siya habang nakahiga din.



"Hi! Love! I miss you." Malambing na sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya sa kabilang linya. Naka video call kami, and that's why I was able to see his reaction.



"You are not replying to my messages, and I thought there was something wrong with you." Sabi naman ni kiro.



"Sorry, Love, na busy kasi talaga ako kaya hindi ko na na check ang message mo." Umayos naman ako ng higa habang nakaharap sa phone ko.



"Are you tired?" he asked. Kaagad naman akong napatango. "Yeah, and by the way, are you busy tomorrow?" Nakita ko naman sa kabilang linya ang pagtayo ni kiro at may tiningnan sa laptop niya. Kita kasi ang reflection sa salamin niya.




"I have an exam by 10:00 AM, and after that, wala na, why?" Bumalik naman si kiro sa kama niya. Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.


"My dad wants to meet you," said Sabi Ko. Bahagya ko naman nakita ang pagkagulat sa mukha niya at kaagad naman niya iyong nabawi. "Okay, love, I guess after my exam." Sabi niya.




"Dinner nalang siguro tayo magkita. And besides pagod ka from exam, magpahinga ka muna bago ka pumunta sa resto. Hindi ko alam kung bakit ba parang ako pa ang mas kinakabahan para kay kiro.


"You look so tense. Don't worry. I'm just meeting your parents," he assured me. Ako dapat ang mag-assured sa kanya about my parents, pero parang mas baliktad pa ata.




"You know, naman! This is my first time doing this! And paano pa kapag ako na nakipag meet sa parents mo! Edi yung kaba ko hanggang langit!" Malakas naman siyang natawa dahil sa sinabi ko.




"Relax, okay, you were with me. We are going to do this together." Pag a-assured nanaman niya ulit. Hindi ko nalang maiwasan ang hindi mapangiti. Para kasing relax na relax siya at alam niya talaga ang gagawin nya. Samantalang parents ko ang kikitain niya.



"Don't overthink; nothing bad is going to happen." Paalala niya pa ulit. Napabuntong hininga nalang ako at napatango.




Kinabukasan




Maaga pa nga lang at gising na ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako natulog. Kahit naman kasi anong pag assured sa akin ni kiro ay hindi ko pa din maiwasan ang hindi mag isip. My dad seems mad. This morning, kasi ay parang halos seryoso pa din ang aura niya.


Kaya ngayon habang nasa sasakyan kami ay halos walang nagsasalita sa amin na karaniwan naman hindi nangyayare dahil halos kada minuto ay may nagsasalita sa amin, pero ngayon ay halos mapanis na ang mga laway namin.


"Chiara, are you okay?" Tanong sa akin ni mommy. Napatingin naman ako sa unahan bago sumagot. "Yes, mom." Tipid na sagot ko. Tipid pa akong ngutimiti upng, I assured mommy.


"Tell your boyfriend na pumunta ng shop natin mamayang dinner." Paalala ni daddy. Kaagad naman akong tumango. "Yes, dad, I already informed him." Sagot ko. Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos sumagot.


Noong makarating kami sa restaurant ay halos nandoon na din ang mga opening staff. Pagkapasok ko nga ay nag start na kaagad mag set up ng POS habang si mommy naman ay nag check ng mga ingredients na bagong deliver. Halos busy kami ngayon umaga dahil na din sa dami ng online orders. Mabuti nalang din at kaunti lang ang pumapasok sa restaurant namin, kaya naman may time akong mag idlip, pero hindi ko din naman, 'yon magawa ng maayos dahil napagalitan ako noong mahuli ako ni daddy.


Kahit naman kasi anak ako ng may-ari ay halos pantay-pantay lang din ang turing sa amin sa tuwing nasa resto kami. Pagod na pagod ang mata ko sa sobrang antok, kaya naman noon mag break time ako ay kaagad akong natulog sa sasakyan. Ten minutes lang ang breaktime ko, kaya naman sinulit ko na ang pag tulog ko.


Noong makarating ako sa cashier, ay ako na ang pumalit kay mommy sa cashier. Nag aalala pa nga na tumingin sa akin si mommy.


Halos wala na akong pake at robot nalang ang pakiramdam ko sa tuwing may inaabot sa akin na bayad, halos doon nalang naka focus ang buong atensyon ko at hindi ko na nga namalayan na mag di-dinner na kaya naman lumapit na sa akin si mommy.


"Chiara, its already dinner." Sabi sa akin ni mommy napatingin naman ako sa wrist watch ko at dumungaw sa pinto ng shop. Mga ganitong oras nga ay halos madami pa din tao, kaya naman ako na ang pumunta sa front upang bumati sa mga customer. Para na din makita ko kaagad si kiro kung paparating na siya.


Si mommy ngayon ang nasa cashier.



"Thank you! Come again." Nakangiting paalam ko sa customer namin na lumabas ng restaurant.


Halos hindi na ako mapakali ng mga oras na 'yon at tila ba para akong matatae na ewan.



"Love." Nawala ang lahat ng pag aalala ko ng makita ko ang pag labas ni kiro mula sa sasakyan niya. Marahan akong napabuntong hininga ng ngumiti siya sa akin at pumunta sa likod ng sasakyan. May kinuha siya doon na isang box na sa tingin ko ay wine at may dala pa siyang bouquet na blue roses.


Nakasuot din siya ng blue polo shirt at white
Trouser pants.


"Hi! "Bati niya sa akin. Parang gusto ko, soya yakapin noong makarating siya sa pwesto ko. Inabot naman niya sa akin ang bouquet na dala niya. Natuwa naman ako dahil doon kahit pa halos tumigil na ang paghinga ko sa sobrang kaba.



"Hi! Hello Ijo! "Masayang bumati si mommy kay kiro. Malawak naman ang naging pag ngiti ni kiro. "Good evening, Tita." Nag beso pa si kiro kay mommy. "For you po tita." Inabot naman ni kiro ang isa pang bulalaklak na dala niya. "Thank you so much! It's so pretty! "Masayang wika ni mommy. Bakas naman sa mukha ni kiro ang pagiging relax niya.



"Lets come inside." Pagkapasok nga namin sa loob ay kaagad din na lumabas si daddy sa kitchen. "Good evening po tito." Magalang na pag bati ni kiro kay daddy. "Dad.. Si kiro boyfriend ko." Kinakabahan na sabi ko. Napatingin naman si daddy kay kiro at tumingin sa amin. "Doon ka muna sa labas chiara, at mag uusap kami nitong boyfriend mo." Seryosong sabi ni daddy.


Kaagad naman akong pinalabas ni mommy at pinapunta sa front upang bumati ulit sa mga customers. Hindi ko na natanaw sila daddy at kiro na umupo pala sa bandang dulo ng restaurant. Habang nasa harapan nga ako ay mas lalo lang lumala ang anxiety ko.



"Don't worry, they're just talking. Your dad is not mad chiara." Lumapit sa akin si mommy at tinapik ang likod ko. "But why do I have to leave? Hindi ko tuloy alam kung anong pinag uusapan nila." Nag aalalang reklamo ko.



"The men are talking. And your dad just wants to get to know him. So you don't have to worry, and beside Kiro is a nice guy." Nakangiting sabi ni mommy dahilan para kumalma ako.


"Mom, do you like him for me? "I asked. Napangiti naman si mommy. "It's up to your dad. I'm just here to support and protect you. Always remember that." Napabuntong hininga nalang ako. Noong halos mag sara na nga ang shop ay doon nalang ako nakalapit kila daddy.


Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Para may kung anong bultahe ang umakyat sa ulo ko ng mga oras na 'yon. Habang ako nasa labas at alalang-alala sila naman dito ay nagawa pang mag-inom gamit ang dalang wine ni kiro. Pareho pa silang nagtatawanan ni daddy na para bang akala mo ay magkumpare.



"What are you guys doing?! "Halos maiyak ako sa sobrang inis. Grabe kasi ang pag-overthink ko habang nasa labas ako tapos ganito ko lang pala sila naabutan.



"Nandito na pala yung nag iisang anak kong maganda." Nakaturo pang sabi ni daddy. Napatingin naman ako kay kiro na nakangiti pa sa akin. Halos inis na inis akong tumingin sa kanya.



"Nakakainis kayo! "Singhal ko. Pareho naman silang nagtawanan ng makita ang itchura ko.




"Pagpasensyahan mo na yang anak ko yan, nag iisa lang yan kaya sobrang ang pag intindi namin ng mommy niya." Sabi naman ni daddy kay kiro. Napatingin naman sa akin si kiro at ngumiti. Sumenyas pa siya na umupo ako sa tabi niya.



Ginawa ko naman iyon at umupo sa tabi niya. Napatingin naman ako kay daddy na halos parang malungkot na tumingin sa akin.



"Isa lang ang mahihiling ko sayo ijo. At yun ang hindi mo papaiyakin ang anak ko. Dahil kung mahalaga ka sa magulang mo ay mas mahalaga ang anak ko. Nag iisa lang yan. Kaya sobra ang pag protekta at pag supporta ko dyaan." Tumango tango naman si kiro habang puro "opo" ang sagot.



"Daddy, ano ba naman yang sinasabi mo? Bakit parang ipinamimigay mo na ako? "Naiiyak kong sabi. Lasing na si daddy at kitang-kita na 'yon sa pamumula ng mukha niya.



"Ipinamimigay? Bakit ko naman gagawin yun? Sinasabi ko lang. Pinapaalalahanan ko lang, 'yang si kiro na huwag kang sasaktan kasi kung sasaktan ka nya ay parang sinaksak na niya din ako, hindi ba ijo? "My dad's words crushed my heart. I didn't know na ganito ako ka emotional the moment na nag introduce ako ng boyfriend sa kanya.



"Rest assured po tito na makakaasa kayo na hindi ko magagawang saktan si chiara. I will always respect and protect her, no matter what.".


He even held my hands under the table.



"Aasahan ko 'yan ijo, naway ingatan mo ang anak ko. At ito lang ang masasabi ko sayo chiara. Kahit anong mangyare. I'll be the first man who will protect you." Pagkasabi non ni daddy ay hindi ko na napigilan ang umiyak. Kaagad akong lumapit kay daddy at napayakap sa kanya.



"Thank you so much, Daddy! "Mahigpit akong yumakap kay daddy.

_______________________
————————————
___________

Chasing the Symphony Where stories live. Discover now